Wait.What

8.7K 197 8
                                    

Parang sinasaksak ng makailang beses ang puso ni Jade habang nakamasid sa dalawang taong nagpapalitan ng matatamis na ngiti.

Nasa loob pa siya ng kotse niya, pero mula sa kinapa-parkingan niya ay tanaw na tanaw niya ang dalawa.

Dun lang siya natauhan ng maramdaman niya ang pagpatak ng luha niya sa braso niya. Mabilis na pinahid niya iyon at ini start ang makina ng sasakyan.

Isang sulyap pa... and... 'Shit!' Mabilis na pinaharurut niya na ang kotse niya. "Idiot Jade! Alam mo ng masakit, tinitingnan mo parin!" Sigaw niya sa sarili.

Ng hindi niya na talaga makayanan ang emosyon ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng highway. Nakayuko siya habang madiin ang pagkakahawak niya sa manubela.

"Ahhhh!" sigaw niya kasunod ng malakas na paghampas niya sa manubela na lumikha ng malakas na busina.

Napahagulgul na siya ng iyak. Di niya na makayanan ang nararamdaman... tuluyan na talaga siyang bumigay...

=/=/=/=/=/=/=/=/=/=

Kasalukuyang naglalakad si Althea pabalik sa office niya. Katatapos lang ng lunch meeting niya.

Agad niyang kinuha mula sa shoulder bag ang cellphone niya ng mag ring iyon. "Hello Manang Thess, napatawag ho kayo?" Sagot niya.

"Althea.... si Jade." May panginginig na tugon sa kabilang linya.

Napahinto siya sa paglakad. "Bakit ho? Anong nangyari kay Jade?"



=/=/=/=/=/=/=/=/=/=/=/=/=



Mabilis na naipark ni Althea ang kotse niya sa tapat ng isang apartment at mabilis na bumaba at naglakad papasok.

Ng tawagan siya kanina ni Manang Thess ay mabilis pa sa alas kuwatro ang pagkilos niya para lang makarating agad sa apartment ni Jade.

"Althea..." bungad ng may katandaan ng babae ng pag buksan siya nito ng pinto.

"Nasaan ho siya?" Tanong niya.

"Nasa kwarto niya."

"Ano ho bang nangyari?" Tanong niya ulit habang umaakyat sa hagdanan. Kasunod nito ang Manang.

"Maging ako'y di ko rin alam. Nabigla nalang ako pag uwi niya nagwawala na siya." Paliwanag nito.

Huminto na siya ng nasa tapat na siya ng pinto sa kwarto ni Jade. Pinihit niya ang seradura pero naka lock iyon. "Saan ho ba siya nag punta?" Kinatok niya ang pinto. "Jade!! Si Althea ito! Buksan mo tong pinto!!..... Jade!" Sigaw niya.

"Ang paalam niya sa akin kanina, mag la-lunch daw sila ni David. Pero wala pang isang oras ay bumalik din agad siya. At yun na nga nag wawala na siya tapos umiiyak." Paliwanag ng Manang.

"Haaay! Jade!... Ano ba buksan mo tong pinto!" Kalampag niya sa pinto ng kwarto. "Manang kunin niyo na po yung spare key bilis!"

Dali dali na ngang bumaba ulit ang Manang. At lumipas lang ang ilang minuto ay pumanhik din ito agad at iniabot sa kanya ang susi.

Mabilis na binuksan ni Althea ang pinto. At ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Jade na pataob na naka bulagta sa sahig. "Jade?.....Jade!" Agad niya itong nilapitan. "Jade...?" maingat niya itong itinihaya.

"A-Althea?" Bulong nito.

"Hey... ano ba tong ginagawa mo? Bakit ka nagwawala?" Tanong niya.

"Althea..." banggit nito sa pangalan niya at nag simula nanaman itong mapaluha. "Althea!"

Nagulat siya ng bigla nalang siya nitong yakapin ng mahigpit habang humahagulgul na ng iyak. Nilingon niya si Manang Thess, at sinenyasan na iwanan na muna silang dalawa ni Jade. Agad naman itong lumabas sa kwarto na iyon.

And now... oras na para pakalmahin ang nag wawalang tigre. Hinimas niya ang likod nito at hinayaan na munang umiyak ng umiyak habang mahigpit paring nakayakap ito sa kanya.

Nang sa wakas ay kumalma na ito at bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya ay inumpisahan niya na itong tanungin. "What happened Jade? Hmm?"

Hindi ito umimik. Nakayuko lang ito habang nakaupo parin sa sahig.

"Sabi ni Manang sa akin, nagpaalam ka daw kanina na mag la-lunch daw kayo ni David... pero bigla ka rin daw umuwi at nagwawala kana.." wika niya. "Jade? Ano ba talagang nangyari ha?"

I-I saw D-David.... m-may kasama siyang ibang b-babae.." tugon nito.

"Tinanong mo ba siya kung sino yung babaeng iyon?" She ask again.

Umiling ito. "Nakita ko lang sila, pero di ko sila nilapitan.

"Okay... nagkakaganyan ka, dahil nakita mo si David na may ibang kasama na babae. Malay mo naman baka kaibigan niya lang o isa sa mga relatives niya. Idagdag pa na di mo naman sila kinompronta diba." Malumanay niyang paliwanag.

"I saw them Althea..." madiin nitong sagot. "Hindi pang kaibigan o relatives yung ganung sweetness nila sa isat isa.."

Napailing na lang siya. "Jade maraming napapahamak sa maling hinala. I think kailangan niyong mag usap ni David."

"At ano?! Para makapag sinungaling siya sa gagawin niyang paliwanag?" Sigaw nito. "Hindi na. Sapat na kung ano yung nakita ko kanina. Ayoko na."

"Jade... pag usapan niyo na muna. Alam naman natin na mahal na mahal ka ni David.. baka naman, nagkakamali ka lang talaga." Paliwanag niya.

"Althea sino ba ang kaibigan mo? Ako o si David? Alam ko kung ano iyong nakita ko kanina..... at nasasaktan ako.." muli itong napaluha. "Napakasakit.."

Para naman bigla siyang naawa dito kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Jade..."

Lumipas ang ilang segundo.

"Althea..." tinitigan siya nito.
"Will you be my girlfriend for one week?"














WAIT.WHAT.?




A/n : am back.. miss you guys.. hopia miss me too.. hehe
Peace everyone.. labUol..
*flyingkiss*

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon