"Aba'y bakit naman?"
"Hindi ko alam na ubod pala ng yabang ang business partner ni Papa. Akala mo kung sino."
"Si Victonara Galang ba ang tinutukoy mo?"
"Kilala n'yo po siya, Manang?" Umupo ako sa harap ng salamin. Kinuha naman ni Manang Cora ang suklay at sinimulang suklayin ang aking buhok.

"Paanong hindi ko makikilala ang batang iyon, eh, palagi iyon dito noon? Madalas silang magkasama ng kambal mo."
"So close ba sila ni Mikaela?"
"Oo naman. Halos lahat ng lakad ni Mikaela ay kasama si Vic. Buong akala nga namin ay nagkakamabutihan na ang dalawa."

"Bakit? Hindi ho ba?" Sa tuwing tatawag kasi si Mikaela sa akin ay hindi puwedeng hindi nito mabanggit ang pangalang Vic. Kesyo sinamahan ito ni Vic para manood ng sine. Si Vic ang escort ni Mikaela sa debut, etc., etc. Hindi ko rin naman direktang matanong ang aking kambal kung may relasyon ba ang mga ito dahil ayaw ko itong pangunahan. Kilala ko kasi si Mikaela bilang pribadong tao. Mas gusto kong hintayin na kusang mag-open up siya sa akin.

"Walang silang relasyon. Narinig ko mismo kay Mikaela nang magtalo sila ng mama mo," tugon ni Manang Cora.

"Tungkol po saan?"
"Gusto ng mama mo na maging nobyo ng kapatid mo si Vic pero mahigpit ang naging pagtutol ni Mikaela. Magkaibigan lang daw talga sila."
Tiningnan ko si Manang mula sa salamin. "Ano pong sabi ni Mama?"
"Hindi ko alam dahil basta na lang umalis ng bahay noon si Mikaela. Ilang araw din silang hindi nagkibuan. Pero ang mama mo rin ang hindi nakatiis."

Matigas ang ulo ni mama. Pero pagdating kay Mikaela ay mahina ito. Alam ni Mikaela na kailanman ay hindi siya matitiis ni mama. Bata pa lang kami ay naramdaman kong si Mikaela ang paborito nito. Hindi niya nakakalimutan na bilhan ang aking kambal ng pasalubong at ako ay madalas na nakatingin lang. Mabuti na lang at sadyang mabait si Mikaela at lahat ng meron ito ay isine-share sa akin.

Ang ipinagtataka ko noon ay kung bakit ganoon sa akin si mama samantalang kambal naman kami ni Mikaela. Hindi man kami identical ay magkapatid pa rin kami. Hanggang sa paglaki namin ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Si Mikaela naman ay palaging nasa tabi ko. Sa kabila ng lahat mahal na mahal din ako ni papa at lahat ng pagkukulang sa akin ni mama ay pinupunuan nito.

"Mabait na bata si Vic kaya hindi ko masisisi ang mama mo kung magustuhan man niya ito para kay Mikaela."

Pumihit ako paharap kay Manang Cora nang muli itong magsalita. "Mabait? Saan banda, Manang?"
"Hindi ko alam kung ano ang ginawa sayo---- walang kasimbait ang batang iyon. Kahit si Attorney iyon din ang isasagot sayo."

Hayst! Hindi na lang ako nakipagtalo. Mukhang may nabuo na kasing FANS CLUB ang babaeng iyon sa pamamahay pa talaga namin. Tsss!

"Kung anuman ang nangyari, sana ay maayos nyo agad. Nakalimutan kong sabihin na bukod sa mabait ay napakagandang-guwapo pa niyang si Vic. Bagay kayo," nanunudyong saad ni Manang Cora. Nuxx! Bagay daw. Patawa talaga si Manang..

"Manang!" pareklamong bulalas ko.
"Sus, batang ito. Huwag mong sabihin na hindi ka naguwapuhan sa kanya? Aba, ako ngang matanda na ay gustong-gusto ang mukha niya. Ikaw pa kayang bata pa."
"Manang naman, eh!" Tila batang ipinadyak ko ang aking paa sa sahig.
Tumawa ito. "O siya, maiiwan na kita at nang makapagpahinga ka."

Nang makalabas ng pinto si Manang Cora ay napangiti ako. May isa pang katangian si Ara na nakalimutang sabihin ni Manang. . .

Na ubod ng sarap humalik ni Ara.

Ara's Povs~

"BUSY?"
Mula sa binabasang papeles ay tinunghayan ko si Atty. Gonzales. Sinundan ko ng tingin ang butihing abogado hanggang makaupo ito sa silya sa harap ng aking office table. Tumayo ako upang kamayan ito at muli ring umupo.

"What brought you here, Tito?" Napansin ko rin na tulad ko ay tito rin ang tawag ni Mika kay Atty. Gonzales. Hindi na ako nagtaka dahil nalaman kong malapit pala sila sa isa't isa.

"Nabasa ko ang 'ad' na ipinagawa mo sa Bulletin. Maganda ang feedback ng mga tao sa nasabing ad. Gusto lang kitang i-congratulate for making a wise decision." Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Tito."

Ang theme na ginawa naming ad ay upang ipabatid sa publiko na kaya dinarayo ng mga tao ang New World Hotel ay dahil sa ganda ng aming serbisyo. Total customer satisfaction ang hatid namin sa lahat ng nagtutungo rito.

"By the way, how was Mika? Kanina ang first day niya di ba?"

Bigla akong natigilan pagkabanggit sa pangalan ni Mika. What did I do? Hindi kasama sa plano ko ang halikan si Mika. Ang tanging gusto ko lang naman ay inisin ito at sirain ang araw upang mas piliin na lang na ibenta sa akin ang shares nito. I dont trust her. Ano ang alam ng isang gaya ni Mika na pawang makeup at magagandang damit lang ang hinahawakan? Siguradong pababagsakin lang nito ang hotel. Mas mabuti nang sa akin mapunta ang full control upang hindi na magkaproblema pa.

Aminado naman ako na nadala ako kanina. Masyadong matalas ang dila niya kaya hindi ako nakapagtimpi at pinarusahan ito. But it actually backfired on me. Ako ang naiwang talunan sa pangyayari. Sukat ba namang ipamukha ni Mika na hindi ako magaling humalik. Kulang na lang ay sabihin niya na isa akong lousy kisser. Wala raw akong binatbat compare to her boyfriend. Ugh!

~STOP HIDING~Where stories live. Discover now