"Swerte naman ng section na ito, uwian na." May pagkainggit na pahapyaw ni Angelito.

    Sa sobrang tuwa ng mga estudyante ay nagsigawan ang mga ito....

        "Sigawan....." MAhinang sambit ko ng biglang may pumasok sa aking isip. Napahinto ako sa paglalakad. "Pagkatapos ng bell... Sigawan ng mga estudyante ang susunod, bago ang insidente."  Tumakbo ulit ako pabalik.... At sa pagkakataon na ito, mukhang na gets na ng dalawa kong kasama kung bakit ako tumakbo pabalik...

    Sa pagkakataon din na ito ay naabutan ko na ang babae sa panaginip ko... Ito yung babae na may kausap na lalake kanina. Nakahanda na siyang tumalon para magpakamatay.

        "Teka! Huwag mong gawin iyan.. Huwag kang tatalon!" Pagpigil ko sa kanya.

     Tumingin sya sa akin, at habang umiiyak, itinuloy na nya ang kanyang plano. Tumalon na sya... Mula sa rooftop…. Pababa sa quadrangle.

        "HUWAG!!!"

****BLAAM*****

        "AaaAAAAaaaaaaaaaaaaahhhh" Sigawan ng lahat ng tao sa baba. Nabalot na ng tensyon at kilabot ang buong eskwelahan.

    Hindi ako makapaniwala sa nangyari, habang nakatulala ako sa pwesto nung babae bago sya tumalon, may nakita akong letra na sulat ng chalk sa pader... Letter "R".

(Guidance Office 7pm)

        " Iyon lang po ang nangyari... Nagkataon lang na umakyat kami sa rooftop. Pinilit namin sya na huwag tumalon, pero itinuloy parin niya." Paliwanag ko sa guidance counselor ng aming paaralan.

        "Sige… Pwede na kayong umuwi." Hudyat sa amin ni Mr. Sanchez

        Paglabas naming tatlo ng guidance, kinompronta kaagad ako ng dalawa kong kaibigan. "Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa premoniton mo?" Tanong ni Arvine. Agad ko naman siyang sinagot. "Kapag sinabi ko sa kanila ang totoo, tingin mo maniniwala sila sa akin? Baka isipin pa nila nababaliw ako... At baka tayo pa ang sisihin sa nangyari sa kanya." Mahinang banggit ko sa kanilang dalawa.

         "Hoy! IKAW! "

        Tumingin kami sa lalakeng sumigaw. "Teka, ikaw yung kausap nung babae bago sya mamatay." Sabi ko nang mamukhaan ko siya.

    Hindi ako handa sa possible niyang gawin, kaya nagulat nalang ako ng bigla ako nitong sinugod nya ako at itinulak sa pader. "Alam kong may alam ka sa nangyari! Nakita kita nung unang akyat mo sa rooftop, para kang takot na takot at may hinahanap nung tumingin ka sa amin ng gf ko." Bungad sa akin ng lalake. Bago pa man magkainitan ng tuluyan ay agad na hinila nila Arvine ang lalake papalayo sa akin.

        " Kung ganon ikaw ang bf nya. At malamang yung usapan nyo ang dahilan kung bakit sya nagpakamatay... " Sagot ko sa kanya habang inaayos ko ang aking uniform. Pero mukhang mas nagalit yung lalake sa sinabi ko kaya nagpupumiglas ito sa dalawa kong kaibigan. Mabuti nalang at mas malakas silang dalawa kaya hindi nakawala yung lalake. Napansin kong tumitingin na din sa amin ang ibang estudyante kaya mas minabuti ko na mas lumapit sa lalake. Walang pagdadalawang isip na inamin ko sa kanya ang totoong nangyari. "Nag ka Premonition ako na may mag papakamatay sa rooftop kaya ako pumunta doon."

the PREMONITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon