"Kaya natin 'yan. Tiwala lang."

Tango lang ang naisagot sa kanya. Para kasing may kung anong kuryente na dumaloy galing sa kamay niya. Nakatingin pa rin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Hindi ako makaiwas ng tingin. Ewan ko ba, parang may magnet na ayaw alisin 'yung tingin ko sa mga mata niya.

"Kyaah!" Tila natauhan kami nang marinig ang tili ni Andi. Umiwas agad ako ng tingin at inalis ang kamay ko sa braso ni Xander. "Pumasa kami! Pumasa kami!" sasayaw-sayaw na sabi pa niya.

"Congrats," nakangiting sabi ko kay Claire na ngayon e yakap-yakap ako.

"Thank you! Good luck sa inyo!" ani Claire, bakas pa sa mukha ang pagkagulat sa pag-pasa. Bakit ba parang hindi nila expected na papasa sila? Sa pagkaka-alam ko kasi maganda 'yung napili nilang gawing feasib e. Kami nga ni Xander ang dapat na kabahan, Frog Farm? Ugh! Sana lang talaga makalusot kami rito!

"Buenaventura, Montemayor. Pasok na kayo," narinig kong sabi ng isang panel.

Sumunod agad si Xander at pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Kumapit pa ako ng mahigpit sa mga kamay ni Claire saka sumunod na rin kay Xander sa loob. Tatlong panel ang nakaupo sa isang pahabang mesa. Sa harap nila kami umupo kasama ang Feasib adviser naming si Ms. Reyes na ewan ko kung anong silbi rito.

Inilagay na ni Xander ang mga folder sa harap nila laman ang kopya ng feasib namin. Binuksan agad nila 'yun at binasa.

"Establishment of Frog Farm (Pelophylax esculentus)," taas kilay na binasa ng isa sa mga panel ang title nun. Jeez! Hindi sila 'yung panel dati na pumili ng topic na 'yan! Ugh! Paano na 'to?

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Xander kaya nagtatakang tinignan ko siya. Problema ng isang 'to? Makasiko wagas! Tumingin ulit ako sa mga panel na ngayon ay mukhang binabasa na ang nakalagay sa intro... ay shet! Oo nga pala! Biglaan ang ginawa kong pagtayo kaya napatingin sila sa akin. Ngumiti ako at nagsimulang i-recite ang nakasulat dun. Langya naman 'tong si Xander e 'di pa kasi sinabing simulan ko na, may pasiko-siko pang nalalaman.

Pagkatapos kong i-recite ang laman ng intro namin, may na-realize ako. Kaya naman nila 'yung basahin bakit kailangan ko pang i-recite?! Ang bopols ko talaga kahit kailan! Ang sabi kasi sakin ni Xander e ipaliwanag ko ang laman nun. E sabaw ang utak ko kaya 'yan ang nangyari.

Umupo na ako kasi parang nanghina ako bigla. Ang tanga-tanga ko, mukhang ako nga ang magiging dahilan ng pagbagsak namin. Sumimangot ako at tumingin kay Xander. Hinawakan niya ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa na ikinabigla ko. Ini-squeeze niya muna 'yun saka siya tumayo.

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko sa nangyari. Gumaang kasi ang pakiramdam ko sa ginawa niya at ngayon, sinasalo niya na ako sa katangahan ko at idini-discuss sa panel ang feasib. Tulad noong una, namangha na naman ako sa mga sagot niya. Bawat bato ng tanong sa kanya ng panel e may maibabalik siyang sagot.

Umabot din kami ng isang oras sa loob at sa wakas, natapos na rin. Nag-uusap na lang ang mga panel habang tahimik lang kaming tatlo ni Xander at Ms. Reyes. Maya-maya'y iniabot niya sa amin ang mga folder at nagpasalamat na kami.

Nagpaalam na agad si Ms. Reyes pagkalabas namin ng room. Kami naman ni Xander, nagsimula nang maglakad papunta sa—hindi pa namin alam. Basta naglalakad lang kami palayo sa room.

"Pasado kaya tayo? Bakit hindi sinabi?" tanong ko. Pagka-abot kasi nila sa amin ng mga folder e nagpasalamat lang sila. Baksak ba kami? Kaya ba nagpasalamat lang sila? Maayos naman ang pagpapaliwanag ni Xander a? Kahit nga ako napaniwala niya na pwedeng magkaroon ng Frog farm habang nagpapaliwanag siya kanina.

Nakangusong tumingin ako kay Xander. Nakakalungkot naman. Tumingin siya sa akin. Parang wala lang sa kanya 'yung nangyari. Sa mga ganitong oras ako naiinis na ganyan siya e. Hindi ko kasi mabasa 'yung iniisip niya. Para bang may kausap akong teddy bear habang ngumangawa ako.

"Kung tinitignan mo kaya kasi kung pasado tayo?" aniya.

"Huh?" kunot noong tanong ko.

Itinuro niya 'yung mga folder na yakap ko. Tumingin ako roon at pabalik sa kanya. Saka ko lang natanto na gusto niyang buksan ko 'yung folder. Inayos ko ang pagkakahawak doon at binuksan. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ang nakalagay doon—1.0.

"Kyaaah!" biglang tili ko nang mabasa 'yun. Pasado kami! At Ang taas pa ng grade namin!

Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na namalayang niyakap ko na pala si Xander. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa beywang niya. He stiffened. Natigilan din ako pero hindi ko maalis ang mga braso ko sa kanya. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakahilig ng ulo ko sa dibdib niya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakayakap sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang isang kamay niya sa buhok ko, at ang isa pa na lumapat naman sa likod ko. Lalo pa akong napalapit sa kanya dahil mahigpit din ang pagkakayakap niya.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sa'yo, bagay na bagay sa'yo yang suot mong dress."

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon