She almost felt the sincerity in her mom's tears kaya lang nawala ang lahat ng mapansin niya ang mga camera na nakatutok sa kanilang dalawa. Typical Zsazsa, the star of every show, ang laging laman ng mga balita. Here she goes again, Karylle said in her mind.

"You can let go now." Pabiro niyang sinabi as to not offend her Mom.

"I'll just go sit with Anne and Vi—"

"No." Pagputol ng kaniyang ina. "Sit with me on my table. Your sisters miss you K. Hindi mo daw sinasagot ang mga calls at messages nila. What's wrong anak?"

"I'm just busy. And I'm not that comfortable to sit in front, Ma. Please can I just sit with them." Sabay turo niya kila Anne trying to hide her trembling knees. She was not here for the crowd.





"Gagong yun!" Mahinang bulong ni Vice sabay hithit ng kaniyang sigarilyo. Inis na inis siya sa nakita niya kanina.

"The nerve of that douche! Sarap sirain ng muk—what the f***!" Reklamo nito nang biglang may humila sa kaniyang sigarilyo habang nagmumukmok pa ito.

"I saw you." Sabi ni Vhong kay Vice then he continued the remaining of Vice's cigarette. Inirapan lang ni Vice si Vhong but he felt it, Vhong already knows kaya mas pinipili ni Vice na manahimik na lang.




"Siya ba?" Tanong ni Vhong.



"Ano bang sinasabi mo? Bigla biglang sumusulpot eh. Dun ka nga!" Iritableng sabi ni Vice.



"Is it K?" Seryosong tanong na ni Vhong at saka tumingin sa mga mata ni Vice.


"Anong is it K?" Pagtanggi pa rin nito.


"Your tongue can lie but your eyes and expression can't."

Ayaw ng sumagot pa ni Vice. Paano ba naman kasi, kung siya nga sa sarili niya naguguluhan pa rin siya.

"I saw the way you stared at her and held her hand. Madalas ko kayong makasalubong, gabi gabi, lagi mo siyang kasama sa sasakyan, I know galing kayo sa rooftop. You brought her there, that must mean something."

Nanatili pa rin si Vice na tahimik. Paano ba niya aaminin sa pinsan na iba na nga ang nararamdaman niya kay Karylle. How is he even going to explain his side kung siya mismo hindi niya maintindihan kung paano nga ba nangyari ang lahat?

"Of all people insan sana wag si Karylle. She's already gone through so much. Wag mo siyang idamay kung naiinip ka lang ngayon."

"Teka lang ha, that's a very unfair judgment Vhong! Nakakasakit ka ha!"

Nasaktan siya dun... Pero naiinip nga lang ba siya? Is this another part of his impulsive decision and careless past time?

"Hindi ko alam. 2 months Vice. Almost 2 months mo pa lang nakikilala si Karylle, ain't that too fast?"

"Which is fast? Yung panahon na nagkakakilala kami? We're friends Vhong. As far as I can see walang masama sa ginagawa ko."

"Alam kong wala pero yung mga kilos mo kay Karylle alam ko isa lang ang patutunguhan. It's either ikaw ang mahulog o siya."

Piece by PieceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang