(18) Win her back

Start from the beginning
                                    

Parang maputulan ako ng hininga ng magsimula na ang race. Ang galing ni Jade. First time kong makakita ng actual race kasama pa ang asawa ko dun sa nag ri-race. Panay naman ang tilian ng mga kasama ko habang ako tahimik lang nag dadasal. Natawag ko na ata lahat ng santo. At worth it naman ang pagdasal ko dahil nanalo na naman si Jade. For the 7th time champion na naman sya. Ng huminto ang car nya agad syang bumaba at tinanggal ang helmet nya at tinapon nalang kung saan-saan ang gloves at face mask nya. Tumakbo sya papalapit sa akin at wala ng patumpik-tumpik pa at hinalikan nya ako sa lips. Di narin ako pumalag. This is the first kiss na sya nag initiate on public. Tumugon narin ako sa halik nya habang ang mga tao nakakabingi na ang hiyawan nila.

Jade: i love you so much." Sinandal nya ang noo nya sa noo ko. Pero parang ako blanco parin. Di ko sya kayang sagutin.

After ng race nya hinatid na nya ako sa bahay ng parents ko.

Jade: "ahm lab.. pwede bang ano.." nagdadalawang isip nyang pag tuloy sa sinasabi nya habang kinakamot ang ulo. Nasa gate na kami ng bahay.

Althea: "pwedeng ano?" Natatawa ako sa kanya, Para kasi syang nahihiya. Kinakagat pa nya ang kuko nya. Mannerism nya pag na tetense sya.

Jade: "pwede bang makipag dinner ka sa akin tomorrow night?" Nahihiya nyang sabi at tinakpan pa ang mukha ng palad nya.

Althea: "pag iisipan ko. Date yan diba?" Pang aasar ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin.

Jade: "yeah. I guess. Sige pag isipan mo muna." Nagkamot sya ng ulo nya.

Althea: "ok. Hihingi pa kasi ako ng permission sa parents ko.haha!" Nagtawanan kami sa sinabi ko.

Jade: "haha sira! Para naman tayong high school niyan."

Althea: "para ka kasing high school magtanong."😁

Jade: "haha sorry naman. Kinakabahan ako eh. Ito pala feeling ng nanliligaw."

Althea: "ha? Nanliligaw? Bakit? Nililigawan mo bah ako?"😏

Jade: "sana.. kung papayag ka." Hmf bumaliktad ata ang mundo.😅

Althea: "humingi ka muna ng pahintulot ng parents ko. Haha!"😂

Jade: "haha! Di na kailangan yun. Lakas ko kaya sa kanila. So? Ano?"

Althea: "hmf.. paano bah ako tatanggi sayo e nanalo ka sa race mo today. So yeah. Tomorrow night then. Pick me up 7pm?"

Jade: "yeah see you." Hinalikan naman nya agad ako sa lips.

Althea: "akala ko bah mangliligaw ka pa? Bat nanghahalik ka? Racers ka nga."

Jade: "ah.. sorry. Sige. Hehe" para naman syang nahiya at agad na sumakay sa car nya. Natawa nalang ako sa kanya.

_____________________________________

Jade: "ready?" Tanong  nya ng makababa na ako sa hagdan ng bahay ng parents ko.

Althea: "kinakabahan ako eh."

Jade: "ha? Sorry. Natatakot ka pa bah? Gusto mo di nalang natin ituloy toh?" Nag alala na sya at nilapag ang bulaklak na dala nya sa center table.

Althea: "kinakabahan ako kasi 1st date ko pa lang sa asawa ko. Haha!" Humalik nalang ako sa cheeks nya. Kinuha nya ulit ang flowers at hinampas sa akin bago binigay.

Jade: " kinabahan naman ako sayo."

Nanay C: "oh uwi pag katapos ng date ha?haha!" Singit naman ni nanay na nanunuod pala sila ni tatay at Alchris.

Tatay boy: "Jade pwede mo narin yang iuwi sa inyo pagkatapos ng date nyo. Haha!"😂

Jade: "paano bah yan? Pwede na raw kita iuwi. Wag na kaya tayo mag date. Uwi nalang tayo." Hinampas ko naman sya sa braso.

Music And Lyrics (COMPLETED)Where stories live. Discover now