Epilogue

1.4K 23 4
                                    

~~
( Third Person's POV )

2 YEARS LATER

"Ako gagamit ng kotse!"

"Ano ka, sinuswerte? Mas importante pupuntahan ko!"

"Aba, uunahin niyo pa ba yan kesa sa triplets?!"

Nag aagawan sina Lance, Jacob at Kurt sa susi ng sasakyan. Kanina pa dapat sila umalis para pumunta sa kanya kanyang pupuntahan pero iisa lamang ang kotseng pwedeng gamitin.

"Magpopropose na ako mga hyung! Suportahan niyo naman ako kahit diyan man lang sa pagpapahiram ng sasakyan!"

"Do you think I'll allow you? Susunduin ko pa yung mga bata!"

"Kamusta naman ako no? Wow, baka nakakalimutan niyo, manganganak na ngayong araw si Audrey"

Mahigit kalahating oras na silang nagtatalo tungkol dito. Naiinis na din sila dahil ni isa sa kanila, ayaw magpaubaya.

"JACOB PAPATAYIN MO BA AKO HA?!"
Tili ni Audrey na namimilipit na sa sakit ng tiyan. Nakaalalay sa kanya si Yerin na buntis din.

"Nyeta, pag yung anak ko naging panget dahil sa sama ng loob, lagot kayong dalawa sa akin"
Inagaw na ni Jacob ang susi sa kamay ni Lance.

"Eh kung bumili ka na kaya ng sarili mong kotse? Pati ikaw gunggong ka. Akin yan eh, nakikiagaw lang kayo"
Napairap si Lance sa mga kaibigan.

It's been two years, tapos na ang therapy ni Manse at malakas na siya. Bumalik na sa dati ang malusog niyang katawan na para bang hindi siya nanggaling sa sakit.

Si Minguk naman, matakaw pa din, susme, pataba na siya ng pataba dahil sa sarap niyang kumain, pero cute pa din naman siya. Hindi niya na hinanap pa ang tatay niya dahil nakakulong din naman ito, ngunit kahit ganoon, masaya siya sa piling ni Jacob.

Samantalang si Daehan, nakatira kasama ang eomma niya. Nagkikita pa din naman sila ni Lance dahil magkakaklase ang tatlo at siya ang nagsusundo't hatid sa mga iyon. Bumibisita din siya kayna Minguk at Manse kapag walang pasok.

Si Jasmin, okay na sila ni Lance. Wala na ang pagkailang sa kanilang dalawa at napalapit na din siya kayna Yerin at Audrey.

"AAAAHH PUNYETA MAMAMATAY NA ATA AKO!"
Sigaw ni Audrey na maiyak iyak na sa sakit. Kanina niya pa sinusubukang kumalma pero hindi niya na makayanan pa ang paghilab ng tiyan.

"Dang ingay pala talaga ng asawa mo Jacob"
Napailing iling si Lance habang tinutulungang alalayan si Audrey. Siya na ang tumulong dito dahil buntis din si Yerin at baka may mangyari na namang masama.

"Saglit lang! N-nagpapanic na nga ako e!"
Hindi maipasok ni Jacob ang susi sa may keylock nito kaya inagaw ito ni Kurt at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse.

"Pasalamat ka talaga kapatid kita, kahit na late na ako sa proposal ko kay Eunmi, nagawa pa kitang tulungan"

"Nagbukas ka lang naman ng pinto, duh?"

"JACOB BILISAN MO NAMAN SUSME! LALABAS NA YUNG ANAK MO OH!"
Hindi na makalakad ng maayos si Audrey kaya binuhat na siya ni Lance papunta sa kotse. Nilagay naman ni Kurt ang bag na hinanda ni Jacob kanina sa loob ng sasakyan.

"Wag ka namang sumigaw! Pati ako nawawala na sa ulirat e!"
Natawa si Yerin ng makita ang butil butil na pawis ni Jacob sa noo. Halata ngang kinakabahan ito dahil sa asawa.

"Tawagan mo agad kami ha!"
Sigaw niya ng umandar na ang engine ng sasakyan. Tinanguan siya ni Jacob bago nito sinara ang bintana at umalis.

Living with these Cute Little BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora