63 : What he wants

311 11 0
                                    

~~
( Lance's POV )

"Susme hyung! Paglilinisin mo lang pala ako ng kwarto nung triplets kaya pinauwi mo ako!"
Pagrereklamo ni Jacob habang binababa ang dala niyang box na naglalaman ng bagong bedsheets.

"'Wag ka ng magreklamo diyan. Tulungan mo na lang ako"
Binuhat ko ang maliit na kama ni Daehan paurong, napailing na lamang ako ng makita ang iilang laruan na may alikabok sa sahig. Ganun na ba katagal simula nung naglinis kami dito? Ilang araw na din kasi to hindi nagagamit. Si Minguk sa kwarto ni Jacob natutulog, si Manse hindi pa nakakauwi ilang buwan na.. at si Daehan, hays.

"Sige, pero may suweldo ba ako hyung? Hehehe, alam mo na, madami dami din ang gagawin natin dito"
Nakapameywang niyang tanong sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

"Ililibre na lang kita ng starbucks"
Yumuko ako para abutin ang mga laruang iyon at ilagay sa box na katabi ko. Ngayon na lang din ako nakapaglinis ng ganito, busy kasi ako sa trabaho, idagdag mo pa yung mga problema ko, hindi ko na maiisip ang ganitong bagay, hindi din naman ginagamit tong kwarto na to.

"Deal, pero bakit mo ba aayusin tong kwarto nila Minguk? E wala namang gagamit nito, siguro pagbalik ni Manse kaso matagal tagal pa yon"
Pagtatanong niya habang tinatanggal ang mga kurtina. Sinaksak ko muna yung cord ng vacuum bago ito paandarin.

"Kukunin ko na mamaya si Daehan"
Sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Ha? Hindi ko ata narinig"
Sinilip niya ako na para bang hindi talaga narinig ang sinabi ko. Nabinge na ba siya? -_-

"Sabi ko, kukunin ko na si Daehan. Babalik na siya dito kasama natin"

"Paano ka naman nakakasigurado na babalik nga dito yung bata? Ni hindi mo pa nga siya nakakausap aber"
Napalingon kaming dalawa ng wala sa oras sa may pintuan. Nakatayo doon si Yerin na may hawak na walis at dustpan. Anong ginagawa niya dito?

"Bawal kang--"

"Lahat na lang bawal, tumataba na ako kakahiga. Ang boring kaya!"
Sinimangutan niya ako kaya wala na akong nagawa nung pumasok na siya sa kwarto. Nakasuot pa siya ng apron kahit na hindi naman pagluluto ang gagawin niya -_-

"Ano bang gagawin niyo dito? Gusto ko tumulong"
Sabi niya, nakatingin siya kay Jacob na nakatungtong sa upuan. Hindi niya kasi abot, maliit kasi siya haha

"Papalitan yung pagkakaayos nung kama, yung bedsheets at pillow case papalitan din tapos lalabhan ko yung mga teddybears nilang mabaho na. Isama mo pa yung mga alikabok at dumi sa sahig"
Inayos ko ang panyo na nakalagay sa ulo niya. Siguro hindi naman na nakakasama sa kanya na tulungan kami. Nakapagpahinga naman na din siya.

"Huwag kayong PDA ha? Tandaan niyo nandito ako"
Bilin ni Jacob na ngayo'y nilalagay ang mga teddybears sa basket.

"Edi mainggit ka"
Nginisian ko siya. Aba, problema ko naman kung mabitter siya diyan haha

Inabot ko ang hawakan ng vacuum kay Yerin na nagulat sa ginawa ko.

"Anong gagawin ko dito?"

"Wag ka ng umangal, yan lang pwede mong gawin"
Pagsusungit ko. Kapag kasi hindi ko yan sinungitan, ipipilit niya pa din ang gusto niya. Makulit yan e.

To be honest, hindi ko pa din nakakalimutan ang baby namin, and I'll never will. Habang buhay ko na tong matatandaan pero ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para itago to sa sarili ko, ayaw kong ipakita sa kanya dahil alam kong sa aming dalawa, siya ang mas naapektuhan.

Hindi na ulit kami nag usap at naglinis na lang muna ng kwarto. Hm, ano kaya ginagawa ngayon ni Daehan? Kasama niya naman siguro si Jasmin. Nakakaguilty tuloy yung balak kong gawin mamaya pero kailangan kong gawin kasi sinabi ko naman na kayna Jacob na kukunin ko ang bata.

Living with these Cute Little BoysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt