Remember Me This Way

175 1 6
                                    

Ako si Angela, isang high school student sa isang primyadong eskwelahan dito sa Zamboanga. Isang mabait at namumuhay ng simple na patago ang pagka mataray. No boyfriend since Birth ako "Yan ang tinuktukso nila sa akin---maganda at simple kung manamit, Bakit? Wala raw akong pinagdaanang kasintahan o di' naman kaya o umibig.---sagot ko naman---Ako ko kasi yun tipong babaeng nakikiramdam lang 'pero sa aking puso gusto kong magmahal.

Hayyy... kailan kaya?....

Unang araw ng pasukan 4th year ako nun'. Excited ako kung baga'. ayun'! nakita ko ang mga dating kong kakaklase-- tinukso naman nila ako--pero okay lang-- Hehehe-- Nagyakapan para bang nagkalayo ng mahabang panahon.

Tumunog na ang bell..............ringg!!!!! ringgg!!!!! ringg!!!!

at nagsipasok na ang mga estudyante. Nun' mga oras na yun di' ko pa alam ang aking section--dali dali ko itong hinanap-------Hayyyy...... salamat nakita ko rin.. section Rizal ako.!!! yes bagong mga kaklase.!!!!

Pagpasok ko palang sa room--halos lahat bagong mukha at puno na walng ng bakanteng upuan----nakayuko ang ulo, hinanap ang natitirang upuan ( nahihiya, parang bang' di ko feel ang aking mga bagong kaklase). Wala na natirang upuan para sa kin' napuno na ito ng mga nauna pa sa kin'--- " yan tuloy doon ako sa huli". Doon sa huling upuan ay may nakaupo, tahimik, maamong mukha , misteryoso ang tingin at para bang malungkot ----- " pumunta ako sa kanya-- at ang sabi ko pa-----' pwede ako makiupo? wala na kasi natirang upuan eh.(malambing na nagtanong)

Tumayo siya at binigay niya ang kanyang upuan sa akin at umupo na lang siya sa sahig---sabay ng sabi---sige walang problema... ----agad naman akong nagpasalamat sa kanya.

Wala pang titser sa mga oras na yun' kaya ang ginawa ko ay tinanong at kinausap ko siya--- (sa tingin ko parang bored kasama ang lalakeng ito).

Ako: ano ang pangalan mo?(agad naman niyang sinagot ang mga tanong ko ng malumanay)           Siya:ako...... ako nga pala so Given Astrid                                                                                                           Ako: ahh....... nice name.... ako nga pala si Angela S. Matahimik ( ngumiti siya ng konti, natawa ata sa apelyido ko.                                                                                                                                                          Siya: Ahhh....                                                                                                                                                             Ako: ahmm.... Given taga san' ka pala? ( sabay tingin sa kanyang mga mata)                                          Siya: Taga baryo trese dyan lang sa likod ng school.                                                                                      Ako: ui......... magkalapit lang pala tayo--- baryo dose ako ( napangiti)-- hayy para ba akong tinamaan ng pana ni kupido nung' sinabi niya na magkalapit lang kami---- Bagong lipat lang pala si Given na tubung Maynila at wala pa siyang gaanong kilalang kaibigan dito sa Zamboanga.

Natapos na ang klase---ahmmmm Given, wala ka bang kasama sa pag uwi mo?--- tinanong ko siya-- tara' sabay na tayo......para may kasama ka....(nahihiya pang sumama). Nag daan pa ang mga araw sinasamahan na ako ni Given sa pag uwi pagkatapos ng klase namin--- hanggang naging close friend ko siya---hiningi ko na rin ang number niya kung baga pag may time iitext ko siya --ang saya ng feeling--(Hindi ko na itatago crush ko siya)

Gabi kung minsan kami mag text ( Ito minsan mga harutan at texts namin)

Ako: bakla! bakla ka raw sabi ng kaklase natin.. hahahaha (Sa tingin ko parang maiinis yun sa kin' -- hayun! nag reply)                                                                                                                                                    Siya: Ano? hindi ako bakla ahh.....                                                                                                                       Ako: Hahahahaha.................... :D                                                                                                                           Siya: ahmmmm........                                                                                                                                                Ako: Biro lang bleh ...... hahahaha ( Kisses)                                                                                                      Siya: :D                                                                                                                                                                      Ako: (Hay naku ang kuripot smiley lang) Given tulog na tayo bukas ulit huh? ahahaha.                          Siya: Ok.

S araw araw na sabay kami pumupunta at umuuwi galing sa paaralan-- unti unting nahuhulog ang aking puso sa kanya-----( iilihim ko muna ang totoong feelings ko sa kanya eh' baka mabigla lang siya... sa ngayon friend lang muna)

 Sa araw naming pag sasama' hindi niya ata nahagilap o naramdaman man lang ang aking pagjagusto sa kanya------------ hayssss---- manhid 'ata to' si Given di man lang ramdam ang aking nararamdaman----hmmmnn----bahala na.

Araw nun ng Sabado sabay kami nag simba at dun nag kwentuhan kami----(Pagkakataon ko na to)--- hay naku--- pinag usapan na naman namin ang tungkol sa buhay buhay --- kailan kaya namin pag uusapan ang kwentong pag ibig???----- sinabi ko na lang sa kanya na birthday ko na sa lunes--hehehe---sabay sabi niya---ayyy... ganun Angela? Sorry huh' hindi ako makakapunta may tatapusin lang ako home projects natin----------ang sabi ko naman huh? bakit? saka na yun--hehehe- sige okay lang-- (hays nakakalungkot wala siya sa special na araw ko)-----------Given---- Angela, siya nga pala huwag kang mag alala pupunta lang ako pagkatapos ko lang gawin ang group project namin.----(ako ngumiti napawi ang kalungkutan sa akin mga mata)

At umuwi ako na hindi ko kasama si Given. Pag uwi ko sa bahay----pumasok na ako sa kwarto upang maghanda ng susuotin ko sa birthday ko bukas ( Excited). Pagkatapos long kumain ay natulog na ako ng mahimbing.

Lunes na ng Umaga Birthday ko na-----Pagkamulat ng aking mga mata-- agad tumambat sa akin ang isang malaking regalo----ano to!---- ang laki naman--sabay tanong sa akin nanay-- Nay.! sino po ang nagbigay nito?--  angela, anak' yung kaibigan mo si Given bago lang niya binigay, kanina lang mga alas sinko-- nandoon na umalis econcontinue raw ang group project.--- Nay, nadyan pa ba siya baka' nagtatago lang o nahihiya? sige nay, wag na baka umalis na yun' --- (hmmp ako biglang nalungkot)

Binuksan ko ang regalo---ang laki naman--ano kaya laman nito?----- binuksan ko ng buo-- hayun may isang mallit na regalo pa---(Ito talaga si Given, masupresa)( Ngumiti habng binubuksan ko ang regalo--- ahhh---- wow! KEYCHAIN?  ( Ang weird naman ni Given, bakit hugis upuan?) --- Agad ko siyang tinext------- salamat sayo! sa munting regalo mo huh, punta ka dito huh pagkatapos ng group project nyo huh? ----------------dalawang oras na ang nakalipas si Given man lang hindi nag reply -- hayy. hanggang gumabi na lang hindi pa siya dumarating.

Alas otso na ng gabi. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila, baka' sakaling nandoon na siya , baka nahihiya lang  pumunta sa aking birthday.--- pagdating kosa bahay nila ay hinanap ko si Given-- tinanong ko agad ang kanyang nanay  kung nasaan si Given?------sabay sabi-- iha? wala dito si Given nandun ginagawa ang group project nila---- Ahh--okay po tita-- pakisabi na lang po na pumunta ako dito at salamat po sa kanyang regalo, sige po salamat! (Umuwi akong malungkot)

Mag aalas nuebe na wala pa rin reply galing ka Given kung pupunta ba siya o hindi.

Isang hindi inaasahang balita ang dumating sa akin nasa ospital daw si Given at malubha ang kanyang kalagayan---agad akong pumunta ng ospital-- tanong ko sa doktor ano po ba ang nangyari sa kanya?---- ma'am na hit and run po ang pasyente. Hindi ko na naabutanng buhay si Given----niyakap ko siya ng mahigpit at sabay lumuha ang aking mga mata----- mahirap man tanggapin ang pangyayaring ito--- sabi ko pa kay Given, bakla ba't di' mo sinabi sa akin ? halos  di ko makaya na makita siyang wala ng buhay---- dumanag ang aking mga luha sa kanyang mga damit--ganito na pala ako napamahal sa unang lalakeng nag pa ibig sa akin--Hawak ko pa rin ang kanyang mga kamay habang patuloy ang aking pag iyak. Inabot sa akin ng kanyang nanay ang cellphone ni Given-- tinignan ko ang write message ni Given ----at nakita ko ang message ni given na para sa akin'--------at ito ang sabi

ahmmmm Bakla! Happy happy Birthdayy, Wait lang huh? pupunta ako dyan pagkatapos lang nito Bakla  alam mo na mahal na ma....... -- hindi niya natapos ang kanyang texts-- alam ko sa aking sarili na mahal ako ni Given-- Ngumiti ako na may kasamang luha. Pagkalipas ng isang lingggo ay inilibing na si Given sa Zamboanga City Memorial Garden-- Habang inililibing si Given pababa sa kanyang pinaglalagyan ay hawak hawak ko pa rin ang Keychain na bigay niya :D

Ang pagmamhal ni Given ay araw araw kong biitbit at kasama hangang ngayon---dahil sinabit ko ang bigay niyang keychain sa aking bracelet-- Si Given ay naging bahagi na ng aking buhay hindi kita malilimutan hanggang sa muli nating pagkikita. I love you.

Nagmamahal ang iyong kaibigan Angela S. Matahimik

Sa panunulat ni : Juniebe Laquinon Manganohoy  A.k.A --Nin Yourstruly

SALAMAT SA IYONG PAGBASA HANGGANG SA MULING KWENTO

PUEDE PO KAYONG MAG KOMENTO TUNGKOL SA ISTORYA NI ANGELA.

 Photo Credits to Sylvia (c)Google

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember Me This WayWhere stories live. Discover now