"Hindi ah. What I mean is madami na kong naging girlfriend. Mga tatlo."

"Nyek. Madami ba yun?"

"Oo madami na yun. More than one eh."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba ang isang ito o ano. Kaloka.

"Oo nga naman. Joker ka pala," sarkastikong sabi ko dito.

"Medyo," anito at tumawa ulit.

"Ikaw na komedyante," aniko at dinilaan ito na parang nang-aasar.

"Pero wala akong girlfriend ngayon."

So kailangan sinasabi?

"I know."

"Ha? How did you know?" nakakunot noong tanong nito sa akin. Halatang halata ang pagtataka nito.

"W-well, nawrongsend ka sa akin dati di ba? Ibig sabihin may nililigawan ka palang."

"A-ah. Oo nga p-pala."

"Hala, di ka pa ata sure?"

"Nakakahiya kasi yung naging dating ng pagkakasabi ko dun eh."

"Asus parang yun lang eh."

Pagkatapos namin kumain nakapag-kwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Halos tawa lang ako ng tawa sa mga jokes at kwento ni Axel. Mga tatlong oras din kaming nagkasama bago umuwi.

Starting that day naging madalas ang pagkikita namin ni Axel. Minsan pa nga nagtutulungan kami sa mga project ng isa't-isa. Minsan kapag nagkakasabay kami ng vacant time sa school ay nagkikita kami. Iisa lang ang pinapasukan naming school. Magkaiba lang kami ng course.

Nakatambay kami sa room namin nang tinapik ako ng classmate kong si Nica. Vacant time namin that time.

"Oh, bakit?" baling ko kay Nica. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin dito.

"Yung prince charming mo nasa labas," nakangiting sabi nito. Halata ang pang-aasar sa tono nito. Natawa ako sa sinabi ni Nica. Aware kasi sila na crush ko si Axel pero sinasabi ko sa kanila na secret lang dapat. Baka kasi mailang sa akin si Axel kapag nalaman nito.

Siniko ko si Nica.

"Adik. Baka marinig ka," sabi ko dito.

"Sus. Puntahan mo na," udyok nito sa akin.

"Oo nga!" sabi naman ni Jane. Isa sa mga classmate ko na aware din sa pagsintang pururot ko kay Axel.

"Eh, mamaya na," aniko at kinuhang muli ang libro at binasa ito.

Tumayo naman si Nica at tinawag si Axel.

"Hoy! Pogi!"

"Ako ba?" tanong naman ni Axel kay Nica.

"Ay hindi. Si ate! Pogi nga di ba?" pilosopong tugon ni Nica sa tanong ni Axel.

"Easy lang," ani Axel.

"Pumasok ka dito. Andito si Claire," aya ni Nica dito. Lumapit agad si Axel at pumasok sa room. Tinatapunan ako ng nakakalokong tingin ng mga classmate ko.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" kunwa'y gulat na tanong ko dito. Ibinaba ko naman ang libro.

"Ahh .. Ehh.. Wala lang . Pinapasok din naman ako ni Nica eh."

"Ganon? So, close na pala talaga kayo?"

"Medyo."

"Nako, Axel. Hindi naman kita papapasukin kung di lang ako naawa sayo," singit naman ni Nica.

"Adik ka talaga," baling naman dito ni Axel.

"Asus, huwag nga ako ang kausapin mo pogi!" ani Nica.

"Sino ba dapat?"

"Sino pa? Eh di yung sadya mo," nakakalokong sagot naman ni Nica dahilan para sabay sabay na magsabi ng AYIEEEHH ang mga ever supportive kong classmates na nasa classroom. Dali dali namang tumayo ako sa kinauupuan ko at hinila ko si Axel palabas.

"Nako. Pasensya ka na sa mga yun ah," hinging paumanhin ko nang makalabas na kami. Ako talaga ang nahihiya para sa mga pinaggagawa ng mga kaklase ko. Mabuti nalang talaga at mukhang hindi siniseryoso ni Axel ang mga birong iyon dahil kung hindi? Sa malamang ay friendship over na kami.

"Hindi ka pa nasanay!" nakangiting sabi nito habang umiiling iling.

"Hays, teka ano ba kasing sadya mo dito? Hindi ka man lang nagtext," pag-iiba ko sa usapan. Medyo kasi naiilang na din ako.

"Ah. Wala akong load eh. Ahm, pinapasabi kasi ni Jade na punta daw tayong mall mamaya."

"Yun lang? Pwede namang i-text nya nalang sa akin ah."

"Tamad eh."

Sang-ayon ako sa sinabi ni Axel. Kahit kailan talaga si Jade.

"Tapos ano tawag mo sa sarili mo. Masipag ganoon?" may sarcasm na sabi ko dito. "Talagang pumunta ka para lang dun."

Napakamot  naman sa batok si Axel sa sinabi ko. Awts. Ang cute.

"Hayaan mo na nabobored din ako eh," sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi nito pero at the same time naooverwhelmed din sa ginawa nito. Malayo naman kasi ang college building nila sa building namin at talagang sumadya pa ito dito para lang sabihin iyon?

"Ganon? Ok. Anong oras naman daw?"

"Patay! Di ko natanong eh."

"Ano ba naman yan. Di na nga lang ako sasama. Tinamad na ko, kayo nalang!"

"Ganoon? Okay!" natatawang sabi naman nito. Natawa na naman siguro sa itsura ko. Tuwang tuwa kasi ito kapag nakikitang nalulukot na ang mukha ko sa pagkairita.

"Talaga!" naiiritang sabi ko.

"Anong oras na pala?" pag-iiba nito sa usapan.

"One-thirty!"

"Hala patay!"

"Bakit?"

"Late na ko sa klase!"

Kinaltukan ko si Axel. Kaloko eh. Lakas ng loob pumunta dito tapos malapit na pala ang oras ng next subject nito. Talaga nga naman.

"Adik ka talaga!" sabi ko dito.

"Aray ko naman." palag nito sa ginawa ko.

"Mabuti nga sayo. Kulang pa yan!"

Last day na nang pasok at sembreak na namin. Nakaraos din sa mga Exams. Nakakadugo ng utak. Grabe! Nangalkal ako sa inbox ko at tiyempong nakareceive ako ng text messages from Axel. It was a quotation.

"KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KiTA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :)"

"Madalas ang WRONG SEND ay hindi naman talaga wrongsend at ang BLANK MESSAGE ay hindi naman talaga napindot lang. Ganyan magpapansin ang ayaw mag first move :)) "

HAHAH ilang quotes na tandang tanda ko ! Assumera ang lola nyo. Alam kong medyo nonsense naman! Pero ke ano man ang maging dating niyan sa iba, isi-save at isi-save ko pa din.

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now