"I never expect you to act like that," sabi nito sa pagitan ng pagtawa.
"Bakit naman?"
"Actually my impression to you was a type of person whose very serious. Parang mataray," paliwanag nito sa akin.
"Grabe ka naman."
"Naisip ko lang naman. But thank God because I was just mistaken."
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Nakaka-flattered marinig iyon mula kay Axel. Maya-maya ay inilahad ni Axel ang kamay nito.
"Friends?" may sinseridad na tanong nito sa akin.
"Okay. Friends," nakangiting sabi ko at tinanggap ang kamay nito.
"Finally. So pano kain na tayo?"
"Sige, treat mo ah." medyo kumapal ata mukha ko. Hehe. Muli na namang natawa si Axel.
"May magagawa pa ba ko?" anito
"Naks. Bait ng bago kong kaibigan," nakakalokong sabi ko dito.
"Baka naman KA-IBIGAN!" nakakaloko ang ngiting sabi naman nito. Hindi ko naman naitago ang pagkabigla ko sa sinabi nito. Malinaw na malinaw sa pandinig ko iyon at hindi ako ganoon kainosente para hindi ma-gets iyon. At ang tibok ng puso ko, mas nagtriple pa ata.
"What??" tanong ko dito after maka-get over sa shock.
"Joke lang," bawi naman nito sa sinabi . I managed to laugh nalang after sabihin iyon ni Axel.
Susme, kung tinutoo mo lang Axel. Edi sana nasa langit na ako?! Hay. Kinikilig ako!! ani ng makiring bahagi ng utak ko. Haha
Habang kumakain kami, nakapag-kwentuhan kami ng kung anu-anong topic. He opened up his dislikes to a girl.
"Oo, grabe. Ayoko talaga ng ganoon!" may pagkadisgusto sa tonong kwento nito sa akin.
"Hindi naman siguro ganoon ugali nung taong sinasabi mo," sabi ko naman. Siyempre, I am not on the right position para magbigay ng side comment since hindi ko naman kilala ang taong tinutukoy nito plus the fact na bali-baliktarin man ang mundo, side lang ni Axel ang napakinggan ko.
"Basta ayoko sa ganoong babae, masiyadong mataas ang tingin sa sarili," giit pa din nito.
"Baka naman dyina-judge mo lang."
"Hindi ah. Ilang beses ko ng nakitang ganun yun e. Ikaw ba ano bang ayaw mo?" pag-iiba nito sa usapan.
"Ayoko sa immature, presko at manloloko." tuloy tuloy na pagkakasabi ko.
"May naencounter ka na bang ganoon? I mean isang taong wala sa character ang mga sinabi mo?"
"Meron naman kaso bilang lang. Nakakainis nga minsan eh. Kung ano pa yung ayaw ko ayun pa ang pinakamaraming nag-eexist!"
"Yeah," sang-ayon nito sa sinabi ko. "...madami kasing inienjoy pa ang buhay as kabataan," dugtong nito
"Kaya nga eh."
"Kaya ba wala ka pa ding nagiging boyfriend?"
Nawindang ako sa tanong nito. Hindi ko napaghandaan.
"Paano mo nalaman?" nanlalaki ang mga matang tanong ko dito.
"Sabi ni Jade."
"Ang daldal talaga ng babaeng yun," bulong ko.
"Okay lang yun. Maganda nga yun eh," sabi naman nito. Narinig marahil nito ang sinabi ko.
"Sabagay. Ikaw nagka-girlfriend ka na ba?"
"Madami."
"What?! Timer ka???" nabibiglang tanong ko dito. Okay. Oa na kung oa.
YOU ARE READING
WRONG SEND (For editing)
Teen Fiction" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kapag nawrong send ako sayo , ibig sabihin MAHAL KiTA :) that was exactly the text message that I received, reason for me to get inspired and w...
Chapter 1
Start from the beginning
