- Hey !

- Still up ??

- Tulog ka na ba ??

- Sige goodnight ..

- zZzzzZzz sa'yo Claire ^_^

- Cynthia,kailan mo ba ko sasagutin ??

- Ooopps .. Sori wrongsend !!

Hays. Okay na sana kasi nagtext na siya eh, tapos maro-wrongsend pa na para naman sa pinupormahan niya?

Teka. Since that day, the moment na inasar ako ni Jade sa kanya, lagi ko nalang naiisip si Axel at hindi na mawala sa isip ko, nawawala pa ko minsan sa sarili ko! Ano ibig sabihin nito? Di kaya -- !!

Nope, hindi pwede! Teka makapag-survey nga through GM.

> Hey, how did you find out yourseLf being inLove??

- Kapag lagi mo syang naiisip ..

- Kapag hindi mo kayang mawaglit sya sa isipan mo ..

- Masaya ka kapag kasama mo sya ..

- Sabi nila kapag nafeel mong may spark !

> Eh pano malalaman kung inLove ka na nga kahit isang beses mo palang siyang nakasalamuha ?

- Maybe that's Love at fiRst sight , girL ^^

- Basta iba ang impact !

- Pede yun , basta mapifeeL mo naman yun , nu ka ba !

- Masaya ka o kaya pwedeng naiinis ka kasi di mo maamin at matanggap yung kakaibang nararamdaman mo ;)

> HAHA , okay thanks sa sinabi nyo at sa response ! well well pLease lang matulog na kayo mga "iNsomiA gAng" heheh :))

Ohh, medyo tugma at parang hindi! Ewan. hingi na nga lang ako ng sign.

"Lord, kapag po nakareceive ako ng 50 messages pagkagising ko posible pong mali ang akala ko okay, deal Lord? Thanks!" usal ko habang nakapikit at magkadaupang palad ang dalawa kong palad. Natulog na nga ako.

Pagkagising kinaumagahan, dali dali kong tinignan yung cellphone ko, I received 15 messages.

OhmyG! Why 15 instead of 50? Anong ibig sabihin nito? maarteng tanong ng kung saang bahagi ng utak ko.

Habang naglalakad ako papunta sa Mcdo,di sinasadyang nakita ko si Axel.

Kinawayan ako nito. Gosh ang smile nya,ngaun ko lang napansin! BONGGA.

"Hi Claire!" nakangiting bati nito sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit parang may karera ngayon ng dugo at oxygen sa dibdib ko. Tapos may mosikong nagpapalakasan sa pagtugtog.

"Oh, H-hi!" nauutal naman na sagot ko dito.

"I never thought we'll meet here," sabi nito.

"Me too."

"It's been a week. How's life?" kaswal na tanong nito sa akin.

"Yeah. Doing fine, how 'bout you?" sagot ko dito. Feeling ko magkatext lang kami dahil sa sobrang minimimal ng mga words na ginagamit namin.

"Same here!"

"Ano pala ginagawa mo dito?" pag-iiba ko sa usapan.

"Bibili pagkain sa Mcdo. Gusto mo?" alok nito sa akin. Hmm. Gusto ko yan! Hehe.

"Ahm oo ba!" walang kemeng sagot ko dito.

"Ano ba gusto mo?"

"Gusto ko lang naman ng Mcfloat and fries ee ," sagot ko dito at ginaya ang tono ng batang babae na nasa commercial ng McDo. Napahalakhak naman si Axel sa ginawa ko.

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now