Ayan ang nireply ko, detalyado para ramdam nito. Siguro naman hindi na magrereply yun. Kinondisyon ko na nga ang sarili ko at kailangan ko ng makinig sa instructor bago pa man din mag-end ang klase. Tapos wala pang isa o dalawang minuto eh umilaw na naman ang cellphone ko, tanda may nagtext. Binasa ko naman agad iyon.
From: 09*********
Sorry. Sige mamaya nalang.
At talagang nakuha pang magreply. Lakas talagang makaistorbo. Naiinis na nagreply ako dito.
To: 09*********
AH OKAY!!!
Ayan capslock na para ramdam na talaga. Halos kalahating oras na din ang nakalipas at napapansin kong hindi na nga ito nagreply. Paanong hindi ko mapapansin, maya't-maya din kasi akong sumisilip kung may nagtext pa. Parang mas lalo akong hindi nakapagfocus. At ang hindi ko maipaliwanag sa lahat, bakit parang kinakabahan ako? Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko, parang may mga naghahabulang daga. Tuluyan na nga akong na out of focus.
Uwian na, habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Mike.
"Hi, Claire!" malapad ang ngiting bati sa akin ni Mike.
"Hi, din!" nakangiting bati ko din dito.
"Kamusta na?"
"Ok naman. Ikaw ba?"
"Eto ok lang din. How about lovelife?"
Natawa ako sa tanong nito. Hindi ko napaghandaan.
"As usual," ani ko at nagkibit balikat. Tila naman naintindihan nito ang ibig kong sabihin sa ginawa ko.
"Ikaw naman, binasted lang kita sumuko ka na," biro ni Mike. Tinampal ko naman ito sa braso nito.
"Over! Correction ah, ikaw kaya 'tong binasted ko!" nakakalokong sabi ko dito dahilan para magtawanan kami.
"Kumain ka na?" tanong ni Mike sa akin.
"Ahm actually sa Mcdo nga ang punta ko eh."
"Tamang tama dun din ang punta ko. Sabay na tayo?"
"Oh sige!"
Pumunta na nga kami ni Mike sa Mcdo at um-order na ng makakain. Habang kumakain kami, napuna ako ni Mike sa ginagawa ko.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo ah," anito at nakatingin sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa cellphone ko.
"Ahh.. Ehh w-wala to!" kinakabahang sabi ko. Nawiwirduhan din kasi ako sa inaakto ko.
"Asus, you're expecting a text from someone ano?"
"Hala, hindi ah!" mariing tanggi ko dito
"Hahaha. Is he especial?"
"He ka jan?!" medyo oa na reaction ko.
"Look at you. You're blushing," nakangising sabi ni Mike at itinuro ang pisngi ko.
"Hindi ah!" aniko at hinawak hawakan ang aking pisngi.
"Defensive," patuloy pa ding pang-aasar nito sa akin.
"Weh. Nako," nakanguso ng sabi ko.
"Hahaha. Sige di na kita aasarin."
"Mas mabuti pa nga!" sang-ayon ko naman kay Mike.
Hays. Bakit nga ba kasi kanina pa ko tingin ng tingin sa cellphone ko? Eh wala naman akong katext! Ay ewan ba, anu-ano pa tuloy pinang-aasar sa akin ni Mike.
"Ahm sige Claire. I have to go," mayamaya ay paalam sa akin ni Mike ilang minuto matapos naming kumain.
"Ah ok sige. Take care!" paalam ko dito.
YOU ARE READING
WRONG SEND (For editing)
Teen Fiction" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kapag nawrong send ako sayo , ibig sabihin MAHAL KiTA :) that was exactly the text message that I received, reason for me to get inspired and w...
Chapter 1
Start from the beginning
