"Simple lang, hihingin ni Claire ang number ni Axel and be his textmate!" malapad ang pagkakangiting sabi ni Jade. Napatingin ako dito ng masama. Kaepal kasi.

"Ang korni naman nun!" sabi naman ni Nico. Tama nga naman, korni talaga. Maipilit lang kung baga.

"Tse! Ako ang birthday girl kaya ako ang masusunod!" maagap namang sabi ni Jade.

"Ay nako iba nalang!" nakataas ang kilay na sabi ko kay Jade.

"E bakit ba? Dali na best!" pagpupumilit pa din ni Jade sa akin.

"Hmp, di mo try?" masama na ang tinging sabi ko dito. Nabigla naman kaming lahat ng marinig naming nagsasalita si Axel. Halos sabay sabay din kaming napatingin dito.

"09*********," sabi ni Axel

"Ano ginagawa mo?" baling ko kay Axel.

"Sinasabi ko yung number ko," sagot nito.

"Bakit, kinukuha ko ba?" pagtataray ko dito. Kaloka eh.

"But that's your consequence," cool lang na sabi nito. Hindi man lang naapektuhan sa pagtataray ko.

"What for? Magiging excess lang yan sa phonebook ko! Ay ewan."

"Don't worry Axel. Ako nalang magbibigay sayo ng number ni Claire. Pa-choosy effect pa kasi 'tong bestfriend ko eh," singit naman ni Jade sa usapan namin.

"Ay nako! Ayoko na nga," may pagsukong sabi ko at hindi na sumali pa sa laro. Tuluyan ng nasira ang gabi ko.

Umaga na nang makauwi kami. Inantay pa kasi namin yung curfew time. Mga minor pa kasi ang karamihan sa amin. Week after that birthday celebration, during our class,may nagtext sa akin. Hindi nakaregister ang number.

To: 09*********
Hu U?

Reply ko dito. Wala pang isang minuto ay nagreply naman ito.

From: 09*********
Hi Claire!

Hindi ata nagbabasa ng text ang taong nagtetext sa akin. Ang layo kasi ng reply nito sa tanong ko kung sino ba ito.

To: 09*********
Sino ka ba?

Reply ko naman. Ayan, tagalog na para sigurado.

From: 09*********
It's me Axel.

Nanlalaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang reply nito. Nilapit ko pa ito sa mukha ko just to make sure kung tama nga ba ang nababasa ko.

"Ms. Gomez, are we disturbing you there while using your phone? Just tell us po if you're ready na to listen. Because it seems like we're a big distruction with your business there," boses iyon ng instructor namin. Patay. Napatingin naman sa akin halos lahat ng mga classmate ko. Nagpeace sign nalang ako sa mga ito. Ibinaba ko naman ang cellphone ko sa armchair. Mayamaya pa, hindi ko ulit natiis. Dinampot ko ang cellphone ko at dali daling nagreply sa katext ko.

To: 09*********
Ah. Ok.

I prefer to reply that just to end our conversation, kailangan kong magfocus sa discussion. Pero yung tingin ko naman, pasulyap sulyap sa cellphone ko. Ayaw makisama. Mayamaya, may nag-appear na text message. Agad kong binasa iyon.

From: 09*********
Busy ka ba now?

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa ko. Halata siguro nitong may pinagkakaabalahan ako. Teka, bakit ba ganito ako umakto ngayon? Ano bang pakialam ko sa katext ko di ba?

To: 09*********
Yes. Actually nagdidiscuss po talaga ang instructor namin at kaunting kaunti nalang eh masisingko na ko sa kakatext!!!

WRONG SEND (For editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora