"Grabe ka ha? Wala ka man lang support sa akin. Di porket birthday mo ganyan ka."

"Eh totoo naman. Walang thrill..." lumapit bahagya sa akin si Jade at may binulong. "May mas thrill pa yung mga titig sa iyo ni Axel eh. Haba ng hair mo best," nasa tono nito ang pang-aasar.

"Tse. Pwede ba, makinig muna kayo. Pagbigyan niyo na kasi ako. May thrill naman ang truth or consequence ah. Ayon ang parusa kapag natalo," aniko at tinaas taas ang kilay. Nagkatinginan naman sila. Perfect, mukhang na-convince ko na din sila. Di na ko OP! Hehe.

Before we start the game, Jade whispered again.

"Best, ang cute ni Axel ano?"

"Bakit, crush mo?" may intrigang tanong ko. Kanina pa kasi ito bukambibig ni Jade.

"Hindi ah. Sayo na yan e!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? He is not mine! Walang akong pag-aari. Okay?"

"Ah basta, I feel something between the two of you. Parang alam mo yun, parang nakakakilig," hagikhik ni Jade sabay tapik sa balikat ko.

"Shocks! you're imagining too much," I rolled my eyes as a sign na di ako natutuwa. Tinantanan niya na nga ako.

"Oh ayan pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga baraha, mamili na kayo ng numbers niyo." ani Nico.

Bago magsimula ay koro pa naming sinabi ang 1 2 3 GAME! Habang magkakapatong ang kamay.

Natutuwa ako kasi hindi pa ako natatalo mula ng magsimula kaming
maglaro, ang dami ng napagtitripan , mas prefer kasi nila ang CONSEQUENCE kesa naman daw magkabistuhan.

"Oh my goodness. Wag yun! Iba nalang please!" namumulang sabi ni Gina. Halatang hindi siya komportableng gawin yung consequence.

"No Gina. Go on! Sayawin mo na ang careless whisper beside your crush," mapilit na pagkakasabi ni Jade dahilan para magkantiyawan ang lahat.

Tumayo na si Gina at sinimulan ng sumayaw. Si Axel ang nilapitan nitio. Eto namang si Axel mukang nag-eenjoy pa! Hindi ko ma-take yung view. Teka, bakit parang affected ako? Ay hindi naman siguro!

"Hey best! wag ka magselos," ani Jade

"Best, alam mo kanina ka pa," naiiritang sabi ko dito.

"Easy lang," nakangiting sabi ni Jade.

Sobrang inis ko hindi na ko nakapagconcentrate sa laro namin, na siyang naging dahilan para matalo ako sa laro. Ays. Ang nakakaloko pa, parang tuwang tuwa sila na natalo ako. Huhu.

"Whoa! Since it's your first time to lose. Dapat mahirap ang parusa," ani Mike. At talagang nag-suggest pa ang loko. Tinignan ko ito ng nakakapatay na tingin.

"Hep! Hep! Wag naman ganyan. We'll ask her first if truth or consequence," -Jade

"Ahm yay, pwedeng dare?" nagtawanan sila sa tanong ko.

"Hahaha. Nako tapang mo best ah."

"Ay joke lang , consequence pala. Kayo naman di na mabiro."

Mga lokong re, naghiyawan pa.

"Okay sige, hindi mahirap ang parusa," nakangiting sabi ni Jade. Saviour ko talaga si Jade at some point eh. Niyakap ko ito sa sobrang tuwa.

"Hindi pwede yun! Gara naman," may pagtutol namang sabi ni Gina.

"Thank you best!" sabi ko kay Jade habang nakayakap pa din dito.

"Yeah. You should say so," sagot ni Jade. Mayamaya ay halos sunod sunod na kaming nagtatanong kung ano ba ang naiisip na parusa ni Jade.

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now