"Crush mo talaga ako." Pang aasar ni Vice.

"Ano nanaman?" Sabi ni Karylle.

"Pinaint mo pa ako, o!"

He was staring at the one she did that day she was supposed to bring Vice in tagaytay.

"I was painting the view. Don't feel too much of yourself." Depensa ni Karylle.

"Dali na aminin mo na." Pangungulit pa rin nito.

"You're not even part of half of it. Wala ka nga kahit sa one fourth." Sabi ni Karylle.

"Kahit na andyan pa rin ako. Taray girl, ang romantic ng painting—Aray!" Biglang hinila ni Karylle ang buhok nito at tumatawa tawa pa.

"Uyy wag yung extensions ko K!" Maarteng reklamo nito nang tumayo si Karylle at hinila ang bangs ni Vice pagkatapos niya itong daanan.


Then music filled the room.



"This... Is how I paint." Sabi ni Karylle. "Oh." Abot niya sa isa pang paintbrush na kinuha niya.

"Just listen to the music and paint." Sabi nito.

"Music? Akala ko ba emotions?" Pang-aasar nito. "Joke!" Bawi niya nang sinamaan siya ng tingin ni Karylle.

"Here, let's paint this sunflower." Sabi ni K, sabay turo sa isa nanamang sunflower na binigay ni Vice pagdating niya kanina.

"Isang line pa lang ang pangit na!" Reklamo ng huli.

Natawa si Karylle at hinawakan niya ang kamay ni Vice to guide him.

"Sundan mo kasi yung music, follow the rhythm." She said while guiding his hand as they make the outline. He stared at her hands now enclosed on his. Hindi niya maitago, kinilig nga si bakla.

"A-akala ko ba pag pababang stroke madiin then if up—" pag-iiba ni Vice.

"Shhh... Don't think about rules. Hayaan mong dalhin ng music at ng emotions mo yung galaw ng kamay mo."

"How about the instructions you gave a while ago?"

"Those are reminders. In painting there are no instructions. Let your imagination flow. Sige go, dun ka sa petals" sabi ni Karylle.

"Ang daming excess streaks."sabi ni Vice nang pagmasdan ang ginagawa niya.

"Ang dami mo namang reklamo baklaaa! Don't worry about it being perfect. Walang stroke na perfect. Kahit painting ni Picasso hindi perfect. If you look at one painting closely, you will definitely see all the imperfections imprinted on it, but it doesn't do much, it's the bigger picture that matters anyway." Sabi ni Karylle. Napatingin naman si Vice sa kaniya.

"Parang ikaw pala." Sagot ni Vice.

"Ha?"

"Sabi ko parang ikaw. Parang ako rin." Karylle just stared at him as if telling him to go on.

"Our imperfections make our bigger picture the best of us." Sabi ni Vice atsaka muling itinuon ang atensyon sa pagpepaint.

Piece by PieceKde žijí příběhy. Začni objevovat