W.I.L. - number 1. Meet Sophia !!!

Start from the beginning
                                    

"Pero totoo naman yung sinabi ni Yunice, Sulx! Tama yung sinabi niya. Accept the fact." nagsimula akong maglakad palayo kay Sulx.

"Sophie !" narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero tuloy tuloy pa rin ang lakad ko.

Tama... Accept the fact, na kahit kailan hindi ako magagawang pansinin ng taong gusto ko dahil siya malakas samantalang ako napaka-weak, weak , Very weak!!!

Ako nga pala si Sophie, Mahina ! Si Sophie na weak.

May dalawa akong kapatid na naririto rin sa War Academy pero silang dalawa ay malakas hindi katulad ko.

Kahit maging ako hindi ko alam kung bakit kinailangan kong maging iba sa kanilang dalawa eh triplets naman kami.

Iniisip ko tuloy na totoo yung sinabi sa akin nung iba na kung bakit daw ako naging mahina di gaya ng mga kambal ko itoý dahil may nagsealed daw ng power ko pagkalabas ko sa sinapupunan ng mommy ko. Kaya iyon hindi ko magawang ilabas ang tunay na power ko pero baka nga na mahina nga lang talaga ako kaya wala akong high level powers na kayang gawin.

Hindi ko kasi magawang tanungin ang mama namin dahil namatay siya after giving birth to me sa akin kasi ako yung huling lumabas sa aming tatlo, tapos si papa matagal nang nawawala. Dami kong tanong sa buhay ni hindi ko alam kung saan kukuha ng mga sagot.

For this 17 years of existing hindi ko pa rin alam if I really possessed great powers or masyado lang talaga akong assuming ...

Napabalik ako sa reality nang may mabunggo ako.

"Sorry Prince Erry, hindi ko po sinasadya." pawis na pawis si Prince Erry dahil siguro sa laro nila kanina.

"Sa susunod gamitin mo nang mabuti ang dalawa mong mata para naman may silbi... " after niyang sabihin ang mga katagang iyon, umalis rin siya sa harap ko ka-agad.

kahit kailan ang sungit sungit niya sa aming mga weak sorcerers. Nakakainis talaga! ba't kailangan ma-fall sa isang tao na hindi ka naman kayang saluhin! r r r

Bwisit kasi na nakaraan yun,, rrr

*** F L A S H B A C K ***

Tumira kasi kami sa Golden palace nang ikasal si Tiya Maorielle sa bunsong kapatid nang hari.

Nang isang araw sa kakalibot ko nang palasyo nakita ko si Young Prince Erry na umiiyak sa may garden ng palasyo.

"Ba't ka umiiyak ?" tinanong ko siya kaya naman napahinto siya sa kaka-iyak.

"Ka~kasi narinig kong may malala da~daw akong sakit at mamatay na daw a~ako sa madaling panahon..." pahinto hinto siya kung magsalita pero naiintindihan ko pa rin ang ibig niyang sabihin. Tumabi ako sa inuupuan niya.

"Okay nga yon eh, mas maaga mong mararanasan kung paano mamatay..." gusto ko lang naman patawanin siya kaya sinabi ko yun pero hindi ko naman alam na iiyak siya lalo.

"Tahan na, tahan na, joke lang yun kaya hindi yun totoo... " huminto siya kaka-iyak.

"Nasasabi mo lang kasi ang mga bagay na ganun kasi wala ka sa sitwasyon ko," sa bagay tama siya...

"sige na , sorry na talaga Young Prince."

"Ang akala ko ba takot ang lahat ng bata dito sa akin pero bakit mo ko nilapitan ?"

"Hindi kasi ako natatakot sa mga taong umiiyak , naaawa ako." pinunasan niya agad ang mukha niyang puno ng luha.

"Pwes wag mo akong kaawan at hindi ako umiiyak, hindi, Hindi!"

"Sinungaling !! Anong tingin mo sa akin bulag at hindi ko nakita ang mga luha mo kanina ?"

"Nag-hahallucinate ka lang kanina !"'bigla kong hinila ang ulo niya papapunta sa dibdib ko.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now