Chapter I : The Plan

3 1 0
                                    

"ANG TAGAL NAMAN!"

Natalie Midnight, 23 years old at isang photographer. Mahilig manuod ng movies at medyo mainipin, at halata naman iyon ngayon.

Kalahating oras ng late ang mga kasama ko, pag uusapan sana naming magkakaibigan ang matagal na naming pinagpaplanuhang isang linggong bakasyon.

Ngayon ay nandito ako sa Midnight's Diner na pag-aari ni Ned Midnight.

Obvious naman siguro na tatay ko siya.

Ito ang pinakasikat na diner dito sa Blackwoods dahil sa bukod sa masasarap na pagkain ay maaliwalas din ang lugar. Idagdag pa na masiyahin ang mga empleyado at palakaibigan.

Halos lahat din ay magkakakilala maliban na lamang sa mga dumarating na mga turista. Napapadaan lamang sila dito at ang pakay talaga nilang puntahan ay ang Zenaida, kung saan makikita ang napakarami at iba't ibang klase ng mga bulaklak at mga makukulay ding paru paro.

"Natalie, wala pa ba ang hinihintay mo?" Hindi ko na napansin na lumapit pala sa'kin si Ned.

Wala naman siyang nakikitang kasama ko.

"Wala pa, dad." sagot ko. Napansin ko na hindi na naman nakaayos ang necktie niya kaya naman tumayo ako para ayusin ito, katulad ng laging ginagawa ni Mom.

Lagi ko siyang naaalala. Hindi pa kami sanay na wala siya, minsan kapag umuuwi si dad lagi niyang nababanggit ang "Veronica" pagkatapos niyang mamalayan, lulungkot ang kanyang mukha.

Tipikal na nararanasan ng isang tao kapag nawalan siya ng mahal sa buhay, na nakasama niya sa mahabang panahon.

"Sino ba ang iniintay mo? Si Jackson?" tanong niya at sumilay ang mapanghiwatig niyang ngiti at saka umupo.

"Hindi lang si Jackson, dad." Sagot ko at matipid na ngumiti. Umupo narin ako.

"Kamusta naman kayo ni Haunt?" tanong niya.

Wala ba siyang kailangang asikasuhin? Magtatanong na naman siya ng magtatanong tungkol sa'min ni Jack. Kahit ilang beses ko ng sinabi na magkaibigan lang kami.

"Ayos lang. Wala namang bago." malamya kong sagot.

"Hinihintay mo ba...?" tanong niya at bigla akong napatingin.

"No!" medyo napalakas ata at nagulat si Ned. Siguro ang dapat kong isinagot ay hinihintay na ano? Pero huli na, mukha tuloy na alam ko ang ibig niyang sabihin. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hinihintay ko na may magbago?

Panandaliang katahimikan, at bigla na lamang siyang tumawa. Nagtinginan ang ilang tao sa loob ng diner at parang kinilig ang ilang babae habang pinagmamasdan si Ned. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hinihintay mo ba ang mga kaibigan mo? Iyon ang tanong ko." Wika niya matapos tumawa ngunit nakangiti parin. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?" Tanong niya habang ako ay hindi alam kung saan ba titingin.

Ng hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita, tila ba sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Hmm. Nasa tamang edad ka na naman. Kayo naman mga kabataan hindi narin gaanong bago na kayo ang unang, alam mo yon? Nagtatapat ng nararamdaman. "

Tinignan ko siya ng diretso at saka sinabing "Ang lalaki dapat ang unang magtapat ng feelings, kaya bakit ako ang unang magsasabi?" bigla kong sagot. Shit!

Muling sumilay ang kanyang mga ngiti habang nakatingin sa akin. Medyo magulo lang dahil ang dad ko ang nag uudyok sa'kin na magkaroon ng kasintahan samantalang ang mom ko naman, tutol na tutol. Parang baliktad 'di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Know Your SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon