Prologue

19 3 0
                                    

Paano ako napunta dito?

Isang kwartong hindi pamilyar sa aking paningin.

Sobrang dilim at ang nagsisilbi ko lamang liwanag ay mula sa bintana, kasabay ng pagkidlat.

Napakalakas ng hangin, dinig ang hampas ng mga puno na siya nga namang nakabibingi dahil sa idinudulot nitong ingay.

Pakiramdam ko ay nasa isang palabas ako, kung saan katatakutan ang tema, ngunit pilit kong isinantabi ang aking nararamdamang kaba.

Mukhang luma na ang kwarto?

Oo kwarto. Hindi ko gaanong mawari ang kulay ngunit aninag ko ang mga kagamitan at disenyo.

Isang lumang kahoy na kama, na nababalutan ng imahe ng mga bulaklak. Dalawang unan at isang itim na manika na animo'y nakatingin sa akin.

Ang pader ay mukhang kulay berde na may maninipis at sinundan ng makakapal na linya. Mayroon din isang upuan at maliit na lamesa kung saan nakapatong ang isang maliit na lampara at ilang pirasong blangkong papel.

Habang naglilibot ang aking paningin ay dinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pintuan sa kwarto kung saan ako naroroon.

"Sino yan? Nasaan ako?"

Diretso kong tanong, ngunit imbis na mga salita ay isang nakakakilabot na impit na tawa ang aking narinig. Kasabay noon ang paglitaw ng isang nilalang na sumakto sa pagkidlat, na naging dahilan upang siya ay aking makita.

Bumilis ang pintig ng aking pulso, ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa aking mukha.

Ang nilalang ay napakalapit na sa akin. Ang maskara niya ay kulay itim, walang anumang disenyo maliban sa pulang labi na nakangiti. Ngiting nakapangingilabot. Ngiti, na parang nagpapahiwatig na mayroon balak na masama ang sino man na nasa likod ng maskara.

Nakasuot siya ng kulay abo na hoodie, na nakadagdag pa ng katanungan sa pagkakakilanlan ng taong nasa aking harapan.

Hindi na ako makagalaw, lalo na nang siya ay magsalita. Nakakakilabot, matinis, malamig, at parang nag e-echo sa aking pandinig.

"Hi Friend"

Kasabay non ay inilabas niya ang isang kutsilyo at napakabilis ng mga pangyayari, dagli siyang lumapit at binalak akong saksakin. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw.

"Aahhhhhhhhhh! "

Panaginip?  Masamang panaginip.
Siguro, dahil napasigaw ako at puno ng pawis. Hinahabol ko rin ang aking paghinga. Napakabilis ng pintig ng aking puso.

Nagmasid ako sa paligid, nandito ako sa aking kama sa aking silid. Kulay puti na pader na nababalutan ng mga nagliliwanag na bituin. Agad kong binuhay ang lampara at saka huminga ng malalim.

Kinuha ko ang baso sa maliit na lamesang nasa aking kanan kung saan nakapatong ang lampara upang uminom ng tubig.

Pilit kong inaalala ang mga pangyayari, pero wala. Bigo ako. Hindi ko maalala ang aking panaginip, ang meron lang ay tunog ng napakalakas na ulan, na siya namang kabaligtaran ng nakikita ko sa labas mula sa aking bintana. Napakapayapa.

May paniniwala, na kapag hindi mo maalala ang iyong panaginip, maari iyong magkatotoo. At ngayon, nagsisimula na akong kabahan. Sana,.

Walang mangyaring masama.

Nang gabing iyon, hindi na ako nakabalik pa sa aking pagtulog.

_____
I KNOW YOUR SECRET

Mythical Sword

I Know Your SecretWhere stories live. Discover now