Simula
-
Sabi ko nga na sa dinarami-rami ng tao sa mundo, may isang taong para sa atin. Hindi ko man aminin pero akala ko talaga siya na yung para sa akin.
Pinanindigan ko dati yung pagkagusto ko sa kanya. Masyado akong nakulong sa ideya na gusto ko siya, na mahal ko siya. Siguro, akala ko lang lahat ng iyon. Dahil dumating din sa punto na nasaktan ako. Na iniwan na niya ako. Na nagsawa na siya sa akin.
Inakala kong gusto niya rin ako kahit kaunti lang. Na gusto niya ring makasama ako bawat oras. Na gusto niya ring nasa tabi niya ako palagi. Masyado na siguro akong naging desperado sa atensyon ng isang lalaki. I devoted myself on liking him.
Ah! Ang tanga mo, Ailey.
“Ailey! Ailey!” nakarinig na lang ako nang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Wrong timing naman yung kambal. Nag-eedit ako eh! Sinarado ko muna yung laptop ko. Mamaya ko na lang itutuloy.
“Pasok!” sigaw ko. Hindi naman kasi nakalock yon. May policy na kasi kami sa bahay na kakatok muna bago pumasok sa kwarto.
“Di, bilisan mo naman!”
“Kung tinutulungan mo kaya ako! Mabigat 'to no! Daphne!!!”
“Kaya mo na yan!”
Nagsisigawan na naman yung kambal. Jusko, ilang ulit na lang ba silang magtatalo.
Umupo si Daphne sa kama ko. Sumunod naman si Dianne na may dala-dalang box. Napairap na lang ako nang makita kong may pangalan ko na naman yon.
To: Ailey Narish Zoey
From: Gwapong si Z
“Ang taray ni Zendrick! Pangatlo na 'to ngayong week ah? Ails, wala ka pa bang balak na sagutin siya? I mean, with all this effort walang duda na seryoso talaga siya sayo!” sabi ni Dianne na binubuksan na yung box.
Hinampas naman ni Daphne yung kamay ng kakambal niya. Sinamaan naman ng tingin ni Dianne si Daphne. Ayan na naman sila.
“Let him wait, Di. Willing to wait daw siya eh, edi panindigan niya! Saka hindi pa yata ready si baby Ailey sa kanya. Alam mo namang hindi pa makamove on yan kay Phoenix,” sabi ni Daphne.
Phoenix. Phoenix Orion North, the guy who broke my heart. The second guy I fall in love with. Hindi ko naman inaasahang magiging ganon na lang yung mangyayari sa aming dalawa.
“Daph, matagal na yon no! Kung ako yon, matagal ko nang nakalimutan yung gagong sumira sa puso ko. Like duh, magpapakatanga pa ba ko sa taong ayaw pala sakin?”
I got Dianne's point. Pero iba eh. Iba yung epekto sakin ng break up namin ni Phoenix. Hindi ko naman gustong maging rebound lang si Zendrick dahil sa nasaktan ako. I tried to understand Phoenix's feelings. I tried. I really did. But I can't just forget everything.
“Sakit non ah?” bigla ko na lang nasabi.
Nagpeace sign sakin si Dianne. Binatukan naman siya ni Daphne. They're really close to each other. Ang problema lang ay palagi silang nagtatalo. Pero iba yung bond nilang dalawa eh.
“Pakialamera kasi,” kumento ni Daphne.
“Kala mo siya hindi,” sabat ni Dianne.
Sasagot pa sana si Daphne nang sumabat na ako sa kanila.
“Ano bang laman nung box? Ang laki niyan ah,” tanong ko.
Last Monday, he gave me a gift from Pandora at sobrang nagustuhan ko yon. I planned to give it back pero sabi nung dalawa, sayang daw. Then nung Wednesday, he gave me a breakfast in bed. Siya mismo yung naghanda para sakin. That is so sweet. Na-appreciate ko all his effort pero ayoko talaga eh.
YOU ARE READING
Tripping After Forever
RomanceSiguro, madaming bagay tayong hindi naplano at hindi inaasahan. Pero masasabi mo bang blessing ang isang pag-ibig na dumatin kung masasaktan ka lang pala sa dulo? Started: 04 / 01 / 2017 Ended: -- / -- / ----
