1: HER PROPOSAL

3.2K 82 17
                                    

"Will you marry me?" She asked.

Sabihin na nating romantic ako at hindi pa pumasok sa isip ko na magpapakasal ako para lang sa isang business. At higit sa lahat kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na ang babae ang aalok sa akin ng kasal. Sorry but I'm a sexist and I believe that man should be the one proposing.

"Why are you proposing again?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko. Maganda siya aaminin ko pero nahihirapan akong mag-focus sa mukha niya kung halos lumuwa na ang dibdib niya sa fitted dress niya. Idagdag pang naka-crossed legs siya na kitang kita ko ang mahabang legs niya at sa konting galaw niya nakikita ko na ang panloob niyang saplot.

"Marry me and I can give you my 15% shares of Grants Inc. and you can own 2 of the 5 Stars Grants Hotel in Manila and in Boracay." She smiled like it was an easy offer.

Hell! Ayokong maniwala sa offer niya. She basically wanted to gave all her life to me and I didn't  even know her, personally. I never hooked up with her. Nakita ko na siya minsan sa mangilan-ngilang charity event at conventions pero kahit isang salita walang palitang naganap sa pagitan namin.

Kilala ko siya bilang paboritong apo ni Grant Azurin ang chairman ng Grants Inc. Bago ito mamatay ipinamana sa kaniya lahat ng shares ng kaniyang lolo. Bale, ang babaeng kaharap ko ngayon ang nagmamay-ari ng Grants Inc. dahil sa laki ng shares na mayroon siya.

"As far as I know, you're aiming to be part of Grants. Ang kaso it's a family business. Tanging ang nakakahawak lang ng share ay ang kamag-anak lang ng lolo ko. So if you marry me then you'll be technically his grandson." She looked at me like she knew everything.

"Anong kapalit nito sa'yo? Bakit mo ito ginagawa?" Usisa ko sa kaniya. Imposibleng makukuha ko ang lahat kung papakasalan ko siya. Maganda siyang babae, paniguradong maraming nanliligaw sa kaniya na handa siyang pakasalan.

"Well, it's just for fun." Sumandal siya sa upuan niya kaya naman bahagyang nagalaw ang paa niya.

Kitang kita ko ang itim niyang underwear. Shit! Napaiwas kaagad ako ng tingin at tumawag ng waiter. Umorder ako ng isa pang round ng wine.

Sa mukha ka lang titingin Janus. Pagalit kong sabi sa sarili ko.

"Fun? Do you think this is fun? Involved dito ang pera at ang kapalaran ng kumpanya mo." Nainis ako sa rason niya.

Pinaghirapan kong makarating sa pwesto ko ngayon. Binabaan ko ang pride ko para lang magmakaawang tanggapin ako ng tatay ko. Nag-aral akong mabuti. Nagtayo ng business mula sa wala hanggang sa ako na si Janus Miles ang chairman ng Miles Management Corporation, isang company na bumibili ng mga hotels at brands. Pinasok ko itong business na ito dahil ito ang hilig ng nanay ko. Pangarap niyang maging hotelier ngunit namatay siya dahil sa kumpanyang hindi man lang kinilala ang kagalingan niya sa pamamalakad ng hotel. Ang kumpanyang iyon ay walang iba kun'di ang Grants Inc. Sinumpa kong darating ang panahon na makakabawi ako sa kanila. Ang kaso lang hindi ko magawang pasukin ang Grants dahil isa itong family business. Hindi sila nagbebenta ng shares sa labas ng circle of family nila. At madalas ipinamamana lang ito sa susunod na henerasyon ng Azurin.

Kaya naman itong kaharap ko ang sarap dagukan para lang sabihing para masaya lang siya kaya handa siyang ibigay ang lahat sa akin.

"Don't get offended. When you're a woman like me who never get some fun, you'll do anything to get it." Seductive niyang sabi na napapangisi pa.

Kakaiba siya mag-isip. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ang ayoko sa lahat ay 'yung hindi ko kaya kontrolin at sa tingin ko mahihirapan akong kontrolin ang isang 'to lalo na't kita sa mga mata niya na alam niya ang ginagawa niya. Very intimidating.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon