“Ano bang personality nung kaibigan mo?” Tanong ko sa kanya habang binabagtas namin ang daan papunta sa kotse. “Para magkaroon ako ng idea kung anong babagay sa kanya na regalo.”

Nagkibit-balikat lang siya kaya napasimangot ako.

“Uy! Ano nga? Paano kita matutulungan nyan kung wala akong alam kung anong hilig nung kaibigan mo? As if kilala ko yun.”

Pagkalapit namin sa kotse ko ay nagkanya-kanya na kaming sakay dito. Siya sa passenger’s seat, ako naman sa driver’s seat. Malamang, kotse ko ‘to eh. Kawawa naman ang kotse ni Dustin. Lagi nalang naiiwan dito sa E.H.U. May sariling kotse naman siya pero nakikisakay pa sa kotse ko. -__-

“Ano na, Dustin?”

He groaned and then handed me a paper bag. Hindi ko napansin kanina na may hawak pala siyang paper bag. Enebeyen~

“Ano ‘to?” Nagtatakang tanong ko.

“Yung surprise ko.”

Syempre, ako naman naexcite. Pfft! Para lang akong birthday celebrant na nagbubukas ng regalo. Ang dami pa namang staples kaya nahirapan akong buksan ito. Buti nalang tinulungan ako ni Dustin.

Pagkabukas namin, nagulat ako sa nakita ko.

O_______O

5 novels ni Danielle Steel; Mixed Blessings, Season of Passion, No Greater Love, Kaleidoscope and A Perfect Stranger.

“Wow!” Yun lang ang nasabi ko. Waaaaaah! Finally, makukumpleto na ang collection ko ng novels ni Danielle Steel. Nakakaoverwhelm! TT_____TT

“Thank you talaga, Dustin! Para sa akin talaga ‘to??” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga libro na nasa loob ng paper bag.

“Oo, para sayo yan. Hinagilap ko ang mga yan nitong weekend. Kumpleto na ang collection mo.” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Uy, thanks ha! Naappreciate ko talaga ang mga ito.” ^_________^

“Wala bang hug?”

Pinagkunutan ko siya ng noo ko. Yan ang mahirap kay Dustin eh. Ang hirap mabasa sa expression ng feslak niya kung nagbibiro ba siya o seryoso siya. Poker face pa rin eh. >__>

“Hug? Aanhin mo ang yakap?”

The side of his lips quirked up, forming into a smirk. “Ganun naman kapag natuwa ang babae sa binigay ng lalaki diba? Nangyayakap kayo diba?”

Tumawa ako ng pilit. May ganito palang side si Dustin? Korneee~ -.-

“HAHAHAHAHAHAHA! Mahilig ka ba sa romantic movies? Sa mga teleserye at pelikula lang yun nangyayari!” Binelatan ko pa siya. “So, anong susunod na mangyayari kapag nagyakapan sila? Magkakatitigan sila, ganun? Tapos, unti-unting maglalapit ang mga mukha tapos… Mwah! Kissing scene na?” XDD Hopeless romantic ang peg ni Dustin~ Haha!

Halos maluha na ako sa kakatawa. Buti nalang, tumigil na ako kaagad. Sakit na ng tiyan ko eh. XD

“Oh, tapos ka na?” =___=

Kahit natatawa pa rin, tumango nalang ako sa kanya.

“Tss… Papatunayan ko sayo na nangyayari din sa tunay na buhay yang sinabi mo.” Natigilan ako at tinignan siya sa rear-view mirror. He is smirking at me arrogantly that made me shiver. “I’ll prove it to you, soon.”

“Nah, baliw!”

Umiling lang siya. “Tara na, baka gabihin pa tayo.” =___=

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now