Rain graduated as a lawyer and he became a very successful one. Sa katunayan, naglayas siya sa kanila at pinalayas din siya sa kaniyang Ama simula noong nangyari yung pangyayari iyon. Nanlumo si Rain sa galit para sa Ama kaya naglayas siya at gamit ang naipon niyang pera ay binuhay niya ang kaniyang sarili. Lumipat siya ng eskwelahan, at kahit ang kaniyang mga kaibigan ay nilayuan niya. Gusto niya kasi nun magbagong buhay. Masyadong sira ang buhay na tinirhan niya noon. Ayaw na niya maging gangster, ayaw na niya ng gulo. Gusto niyang magsimula ulit.

Pero siyempre, hindi naging madali iyon. Nagpart time job siya, kumayod siya, dugo't pawis ang sinrakipisyo niya para mabuhay. Naisip niya kasi kung nabuhay siya dati sa gulo, mabubuhay din siya ng maayos.

Hindi nga niya nabigo ang sarili. Ngayon, may sarili na siyang pera, bahay at kotse. At kahit hindi na siya hinahanap ng Papa niya, wala din siyang pakealam. Hindi na rin niya ito kelangan. Ang mga kapatid niya, hinanap siya pero pinilit niya na magpakalayo lang muna pero ilang taon din, naging okay din sila ni Stormy at pati na rin ni Luigi. Lumalabas sila paminsan minsan at gusto nga ni Stormy na bumalik siya sa bahay pero siya nag umayaw.

Marami ang nangyari sa sampung taon. Pero atleast sa sampung taon na iyon, hindi magulo ang kaniyang buhay. Pinili niya ang maging lawyer kasi gusto niya makamit ang hustisya para sa ibang tao. Kung dati, siya ay simula ng gulo, ngayon, siya ang simula ng hustisya.

"Hi Attorney! Kamusta?" Sabi nang dalagang tindera ng coffeeshop nang pumasok si Rain. Naging suki na kasi siya dito sa isang Sweet and Sweets na branch. Marami nang branch ito, pero doon siya sa branch kung saan malayo sa kung saan nakatira ang mga kaibigan niya. Ang totoo niyan, na miss niya sila pero kailangan nga niyang lumayo.

"Hello! Paorder ng aking Paborito, Reina." Sabi naman nito sa tindera at umupo na doon sa paborito niyang lugar- doon sa malapit sa bintana pagkatapos ay kumuha siya ng newspaper at nagbasa.

Ilang minuto lang din ay naserve na ang kaniyang kape at isang chocolate moist cupcake na palagi niyang inoorder. Masaya siya sa tuwing kakain siya dito. Feeling niya, nasa piling niya pa rin ang mga kaibigan niya.

Kling!

Biglang bumukas yung pinto at tumunog yung bell chimes. Hindi niya ito pinansin kung hindi lang masyado malalakas ang mga boses ng taong pumapasok. At kung hindi lang sana sila pamilyar.

Tumungo siya mula sa kaniyang newspaper at tama nga siya. Pamilyar sila. It was them. His friends. Bigla niyang naramdaman ang pait na kumot sa puso niya. Napaatras nalang siya sa upuan niya- tatayo sana siya- pero naalala niya nga pala na siya yung may gustong lumayo.

"Grabi na talaga, ang sikat na talaga ng sweets and sweets, K! Marami na talagang branches!" Sabi ni Tiffany. She's still the same. The bubbly and hyper Tiffany. The only difference is that nakapulupot ang kaniyang arms sa arms ni Lance.

"Pati ang commercial, to the highest level maka LSS! Diba bestfriend?" Sabi ni Lance kay Tiff. Bestfriend? Sus! In denial talaga ang dalawa.

"Naku! Dapat lang! Eh si Luigi kaya ang nagcompose sa jingle nun!" Sabi naman ni Ysa. Ganun pa rin siya. Pero ngayon, sobrang exposed na si Ysa sa showbiz minsan nga nagkakaroon siya ng cameo sa movies at alam na ng sambayanan na engage na siya at si Luigi.

Hated by the Gangster PrinceWhere stories live. Discover now