Short Story #4: Wendy at Ailyn

362 3 0
                                    

I.

                Si Wendy Malaya ay isang graduating student sa high school. Siya ay running for valedictorian sa Maryheart Catholic School. Maganda siya. Matangkad. Sexy. Mahaba ang hair, hanggang siko. Rebonded pa. Mayroon siyang kasama, si Ailyn Cruz, ang kanyang girlfriend. Katulad din niya ang itsura nito. Para ring pang-model. Pero maikli ng konti ang buhok kumpara sa kanya. May bangs pa ito.

Magkasama sila sa C.R. Pumasok sila sa isa sa mga cubicle. Hindi niya naisara ng maayos ang pinto. They are kissing in a hardcore way. Yeah. Siya ang nakasandal sa pader. Ang jowa niya ang nasa ibabaw.

                Biglang may pumasok na teacher, si Ma’am Esclanda. Naririnig niya na parang may umuungol. Lumapit siya sa cubicle kung saan naroon sina Wendy. Ibinuka niya ang pinto. Nakita niya ang parehong babaeng nagki-kiss. Napasigaw siya ng malakas na ikinagulat ng dalawa. Biglang naghiwalay ang kanilang mga labi.

                “Miss Malaya! Miss Cruz! Ano itong ginagawa n’yo?! Napaka-imoral n’yong mga bata kayo! Nakakahiya kayo! Halikayo! Sumama kayo sa Principal’s Office! Dali!” galit na sabi ni Ma’am Esclanda habang kinakaladkad niya ang dalawa sa magkabilang side niya.

                Takot ang makikita sa mukha ni Ailyn. Samantalang si Wendy ay may palaban na kilos.

                Pagdating sa opisina, nakaupo ang dalawang magkahawak kamay na estudyante sa harapan ni Ma’am Arevalo, ang Principal. Nakatayo naman si Ma’am Esclanda sa may tabi nila.

                “Nahuli ko po ang dalawang ito sa C.R. na naghahalikan. Isang kahihiyan ito Ma’am Arevalo para sa ating eskwelahan na may high standard at Catholic school pa,” sumbong ni Ma’am Esclanda.

                “Ms. Malaya, bakit mo naman ‘to ginawa? You are running for valedictorian pa naman,”mahinahon na tanong ni Ma’am Arevalo.

                “Ma’am, wala naman kasing masama do’n e. Hindi naman ako miserableng tao. Nag-aaral naman akong mabuti.”

                “Wendy, tama na,” hinihila ni Ailyn ang manggas ng blouse ni Wendy para awatin ito sa pagsagot.

                “Nag-aaral..” sabat ni Ma’am Esclanda, “Kung edukado kang tao hindi mo gagawin ang kadiring bagay na ‘yon. Naku, ano ba ‘yan? Grabe talaga.”

                “Iha, alam mo naman siguro na dalawang kasarian lang ang ginawa ng Diyos. Lalaki at babae lang.”

                “Masama bang magmahal, ma’am? Nagmamahal lang ako.”

                “Hay naku, iha. Suspeded kayong dalawa ni Ms. Cruz. As soon as possible papuntahin ninyo dito ang parents or gaurdians n’yo para mapag-usapan ang gagawin ng school sa inyo.”

                “Anong gagawin n’yo sa’min?”

                “Malaking kaso ito. Hindi namin alam kung iki-kick out namin kayo. Pagmimitingan pa.”

                “What?” may pagkagulat na tanong ni Ailyn.

                “Okey, that’s it. Makakabalik na kayo sa inyong classrooms.”

                Sa labas ng opisina, tinanong ni Ailyn si Wendy, “Anong gagawin natin? Ayokong ma-kick out. Graduating na tayo e.”

                “Akong bahala. ‘Wag kang mag-alala. Maaayos ko ‘to,” sabi ni Wendy habang hinahawi ang bangs ng girlfriend.

II.

BIFEMALE: SHORT STORIESWhere stories live. Discover now