"Orderin mo lahat ah! Gutom ako!" Si Lira.

"Grabe ka baby! Pag ikaw nanaba." Si Trisha na naka akbay kay Lira.

"So?! Edi mag hanap ka ng sexy." Kinurot ni Lira si Trisha sa bewang.

Nakakatawa naman ang dalawang to. Kanina pa LQ.

"Ako nanga bahala." Sabay alis ni Rina.

"Guys! Anong plano natin bago mag pasko?" Si Agean na naka salumbaba sa mesa.

"Mag Japan tayo!" Si Lira.

"Kasawa na dun!" Inis na sabi ni Mara.

Ni hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila.

"How about. Hiking?" Si Trisha.

"Masaya yun! Tsaka camping din!!" Si Lira.

"Hmm pwede." Si Agean.

"Eto na ang pagkain." Si Rina na umupo na. At isa isa nang nilapag ng mga waiter dito sa fast food ang mga pagkain sa lamesa.

"Rina. Game kaba sa hiking?" Tanong ni Trisha.

"Oo naman kahit kailan pwede."

"Osige! Set na natin ha! Next next week Dec 18." Trisha.

"Pamsy kasama ka dapat." Si Mara habang kumakain ng fries.

Teka?! Bakit ako sasama sa hiking chuchu nila? Takot ako sa mga ganun.

"Eh? A-ayoko. Nakakatakot kaya yun."

"Ano kaba Erin. Masaya yun!" Si Agean.

"Hm. Bahala na."

Ung totoo? -__-

- - - - - - - - - - - - -

Nang matapos na kaming mag lunch ay bumalik na din kami sa university at si Mara naman ay nag punta na sa kanyang classroom pero hinatid muna niya ko sa classroom ko. At kasama ko din sina Agean.

Hinihintay namin ang prof namin kaya medyo maingay ngayon sa classroom namin pero ako ay nag babasa lamang.

"Huy Erin samahan mo naman ako sa library." Si Lory. Si Lory ang isa sa mga kaklase ko.

Tutal wala pa ang prof namin kaya pwede ko siyang samahan.

"Sige." Pang sang ayon ko.

Nag lakad na kami papunta sa library.

"Close pala kayo nung Neil ha!"

Napatingin ako kay Lory.

"Ha?"

Teka? Sinong Neil ang tinutukoy niya? Ahh sguro ung transferee.

"Si Neil Lozano! Ang gwapo gwapo nun! Pakilala mo naman ako."

"E-eh sige."

Na gwa gwapuhan sila dun? Well gwapo naman talaga siya pero hindi ko siya type dahil mas nagagandahan ako kay Mara. ^-^

- - - - - - - - -

Natapos na ang klase namin kaya pauwi nako. Hihintayin kona sana si Mara kaso sabi niya mamaya pang 7 pa siya makakauwi.

Biglang nag ring ang aking cellphone.

Ui!!! Si bestttttt

[BEEST!!! I MISSS YOUUU SO MUCH!!!] Sigaw ko.

[Nabingi ako sayo ha! Pero i miss you too!!!!!!!! Kita tayo sa mall sa kfc. Okay?]

[SIGE SIGE OTW!] Sagot ko.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora