" and were here, so goodluck andito lang ako sa labas ng kotse hihintayin kita " yinakap nya ako at " and promise me cous na after this ay magiging masaya ka" humiwalay na sya ng yakap sa akin at tinulak ako papasok sa hospital.

"go kaya mo iyan "

Umiiling na lang akong naglalakad palayo sa kanya papunta sa loob kung nasan sya.Pag pasok ko pa lang sa hospital ay nararamdaman ko na ang nerbyos, sakit, galit, lungkot halo halo ang nararamdaman ko. Tumigil ako sa harap ng elevator at pumasok pinindot ko ang floor no. 4 dahil nasa room 405 sya ang sabi sa akin ni kvell na syang may ari ng hospital kung saan sinugod si Achi.


Ting



Hudyat na nasa 4th floor na ako.

Huminga muna ako ng malalim at dirediretsong naglakad papunta sa kwarto nya. Ang tahimik dito siguro dahil sa utos ni kvell para mas maging maayos ang pagpapagaling ni Achi.

Nang nasa harap na ako ng kwarto nya ay saka naman ako nag alinlangan na pumasok. Tutuloy ba ako o hinde.

Siguro kumatok na lang ako. Wag na lang mas maganda yung surprise sabi kase sa akin kanina nina lang nila Linus.

Pagpihit ko ng door knob ay saktong bukas naman pala ito. Sumilip muna ako ng kaunti sa siwang ng pinto bago pumasok baka kase natutulog sya ayaw ko naman sya istorbohin.


But I think I choose the wrong side sana kumatok na lang ako.


I just saw them kissing.
Nakaupo sya sa bed katabi si hera at naghahalikan.

Habang ako parang naistatwa at nanunuod pa rin sa kanila dito sa labas ng pintuan. Ng natapos na sila ay saka naman ako pumasok.


"ehem " umubo ako ng peke na nag patigil sa kanilang pagmomoment. Ang martyr ko lang diba kakakita ko lang sa paghahalikan nila pero imbes na umalis ay tumuloy pa ako. Pero wala akong magagawa ako lang naman ang nagmamahal sa kanya pero sya si Hera ang nasa puso nya.


" a-arianna kanina ka pa ba dyan" arianna hahahaha natatawang saad ko sa aking isip hinde na my queen

"no, bakit mo naman natanong yun" pagsisinungaling ko alam ba naman sabihin ko na. Yes kaninapa actually nagenjoy pa nga ako sa panunuod ng kissing scene nyo. Pero syempre sa isip lang iyon masakit na nga na nakita ko ang scend na iyon eh. Ipapahiya ko pa ang sarili ko

" G-ganun ba " at umiwas ng tingin sa akin. Nakita ko pang hinawakan sya sa kamay ni hera. Putek times thousand ata ang sakit ngayon ah.


" ehem "pagpepeke ko ulit ng ubo " bumisita lang pala ako sa iyo para malaman kung magaling ka na and i think you are totally fine already. " syempre nasa tabi nya si Hera.


"salamat " pag ngiti nya sa akin
Ngumiti na lang ako ng pabalik kahit peke at binati din si hera "kamusta na hera"

Napayuko lang sya tama yumuko ka lang para di mo makita ang sakit sa mga mata ko "pano aalis na ako "
Saktong paghawak ko sa door knob ay sya namang sigaw ni Achi sa pangalan ko

"aria.. " di ko na sya pinansin at tuloy tuloy na lumabas paalis sa kwartong iyon.



Pero di pa ako umaalis sa tapat ng pintong iyon at napasandal na lamang. Naramdaman ko na lang na may panyong pumupunas sa bawat luhang tumutulo sa mata ko. At tiningala kung sino ang may ari nun. Nakita ko ang isang di pamilyar na tao siguro ay napadaan lang sya.



"you know its not good to cry " sabi nya sa akin

Di ako sumagot sa halip ay yumakap ako sa kanya. I feel safe with his hands feeling ko kahit stranger lang sya parang mas safe ako sa kanya. Niyakap nya rin ako ng pabalik at may binulong sa akin.



"shhh please don't cry I hate to see you crying " narinig kong bulong nya "Im here na baby i will take care of you!  And I miss you" di ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil nagdilim na ang aking paningin.



Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar kulay dagat ito at ang sarap sa paningin. Muli kong nilibot ang aking paningin at may nakita akong litrato. Parang pamilyar sa akin di ko lang matandaan kung ano yun.  Tatayo na sana ako para lumabas na ng saktong may taong lumabas sa banyo. Nakaputing tshirt sya at short lang. Ang simple lang ng suot nya pero parang ang gwapo nya pa rin.






" I know Im handsome but please stop staring baby" natatawa nyang sambit


Tinaasan ko sya ng kilay  para syang si nevermind "hmp at sino ka naman "


" Awww" sabay hawak sa dibdib nito na parang nasasaktan " you forgot me baby" at lumakad papunta sa akin

" Paano kita makikilala eh di ko nga alam ang pangalan mo at saka anong nakalimutan"



Umiiling na lang sya at umupo sa upuan katapat ng kama. "soon baby you will" umupo sya duon at kinuha ang isng folder para magbasa. Siguro businnesman din itong taong ito. " Your cousin is waiting for you outside "




Pagkasabi nya ay agad akong bumangon sa kama at lumabas sa bahay nya









~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

😭😭😭

BDS 1: Unexpected Proposal (completed)Where stories live. Discover now