Chapter 17

5.3K 102 1
                                    

Achilles POV

Masakit masktan yan ang nasa isip ng mga tao pero ang mas masakit ay ikaw ang mismong magbibigay ng sakit sa taong labis mong minamahal. Pero ano nga bang magagawa mo kung ikaw mismo ang bumitaw. Ikaw mismo ang nagbaon ng pangako na mamahalin mo sya dahil sa kapatid mo.




Bakit pa kase inimbento yang brothers code na iyan eh. Shit ayaw ko syang saktan pero kelangan para kamuhian nya ako at ibaling nya ang pagtingin sa kambal ko.


Nandito ako sa bar ni Rusty kasama ang buong Black Diamond. I think all of us have the same problems we need to resolve. And I know its our own love life damn who invented that loveshits now we are celebrating our heartbreak.


"inuman na mga bro hahaha " sumasayaw sayaw pa si Paris habang nasa magkabilaang kamay ang alak

"shut up you gay " Linus said

" pshhh badtrip, bat kase umepal yung babaeng linta na yun eh. Nagalit tuloy ang my loves ka sakin ayaw nyang makinig na di ko naman yun mahal kabadtrip talaga. " himutok nito habang tinutungga ang alak


"Yan ang landi mo rin kase ginagaya mo di Mor ayan kita badtrip din kase ayaw sa kanya ng gusto nya nyahaha" pangaasar ni Vault na sinamaan lang ng tingin ni Mor


" tss iyan ang napapala nyo karma yan kase mahihilig kayo sa babae at pinapaiyak nyo pa" pangsesermon ni Hector


"hahahahahaha" tawanan ang lahat

"kaya pala ikaw ganun din " sabay sabi ni Lysander


Napayuko naman si Hector at napabuntonh hininga "I know pero masama bang magbago at paniwalaan tayo na pwede rin tayong magmahal ng totoo"

Tumayo naman si Rusty at nagsalita "Ngunit di natin maaalis sa kanila na pagdudahan tayo dahil nagawa rin natin ito sa kanila " at nagpatuloy sa paglakad para makapwesto sa isang tabi.


Alam ko lahat sila labis nasasaktan sa nangyayare sa buhay nila. I think its the first time that they feel such feeling that they never felt for since they got fallen inlove with the truly ones. At katulad ko mas doble ang nararamdan nilang sakit. Nakikita ko rin sa mga mata nila ang labis na lungkot. Si Paris na sobrang daldal ngayon ko lang syang makitang uminom ng ganito at maging tahimik. Ang kambal naman kahit na sobrang tibay ng samahan nila I know may hidwaan na nangyayari sa kanila dahil sa dalawang babae na mahal nila. Si Linus naman na sobrang seryoso sa laban na kahit umiyak ay di ko pa nakikita sakanya pero ngayon bilang kaibigan ngayon ko lang syang nakita na umiyak dahil sa isang babae. Lahat ng mga kaibigan ko labis na nasasaktan at ngayon ko lang silang nakita na umiyak at malungkot di dahil sa laban kundi dahil sa mga babaeng labis nilang minahal.

" bro can i ask something? " tanong sakin ni kvell at tumango ako

" Why not try to tell her the truth?
Mahal mo sya mahal ka nya pero bakit kailangan pang maging ganun..

Di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at tumayo na lang para umalis dahil kahit ako di ko alam kung bakit. Mahal nya ako alam ko iyon pero ayaw ko syang paasahin sa isang bagay na di ko kayang panindigan.


Pagkalabas ko sa bar ay sumakay na ako sa kotse ko iniwan ko muna dun ang mga baliw para malaman nila ang sagot. Malilimutan rin nila ang mga kalokohan nila ngayon at babalik ulit sa panliligaw sa mga mahal nila. Sa twing naiisip ko ang mga iyon ay napapailing na lang ako habang nagmamaneho patungo sa lugar kung nasaan ang puso ko.

Saktong pagdating ko malapit sa bahay nila mabuti na lang nakapasok kahit may guard, nakatulog kase ang mga ito. Mukhang madaling pasukan ng mga kriminal ang lugar na ito.


Nakita ko syang paalis at mukhang may pupuntahan masundan nga baka mapahamak. Tss makulit talaga sya at matigas pa rin ang ulo di pa rin marunong makinig.
Habang nakasunod lang ako ng tingin di ko pa kase pwedeng paandarin baka malaman nya nakita kong sinilip nya ang mga gwardiya at sa tingin ko sya pa ang dahilan kung bakit nakatulog ang mga ito. Pasaway talaga, nang masiguro nya tulog ang mga ito ay dali dali syang umalis at pumara ng taxi. At duon ko na sya sinundan pero sa malayong distansya para di nya malaman na sinusundan sya.




Habang nakasunod ako sa taxi sinasakyan ay unti unti kong napapansin na ang daang tinatahak namin ay papunta sa mansyon ko. Shit why she's going with that house tss pasawat talaga sya kahit na duon nya unang naramdaman ang sakit ay bumalik pa rin sya.


But why?


Bumaba na sya sa taxi at nagbayad sa driver. Habang pinagmamasdan ko syang pumapasok sa lugar na iyon ay nakikita ko ang pagpahid nya sa kanyang pisngi. Marahil ay lumuluha sya dahil naaalala nya ang nangyari sa loob na iyon. Gusto ko syang yakapin pero di ko kaya. Ayaw kong isipin na pwedeng maging kami. Di ko sya kayang ibigin dahil sa pangako ko sa kapatid ko at dahil sa sakit ko.



Ou may sakit ako at alam iyon ng mga kaibigan ko. Di ko sya kayang mahalin dahil alam ko mas lalo syang masasaktan kung kayat ipinaubaya ko na sya sa kambal ko dahil alam kong mas maaalagaan sya natin higit sa akin.


I have brain cancer.


Pero di ko iyon pinahahalata kaya nga di ako ang pinadala si Amerika para sa kumpanya dahil ayaw nilang mastress ako ganun din si Apollo sa akin. Pero nung nalaman ko na babalik sya at sinabi nya kung sino ang mahal nya ay labis akong nagulat dahil si Arianna pala ang matagal nyang kinekwento sa akin. Alam kong may selos sakin ang kapatid ko dahil na sa akin ang atensyon ng mga magulang ko simula ng malaman nila ang sakit ko. At dahil dun di sya agad nakapagkilala sa babaeng mahal nya na mahal ko rin. At sa puntong iyon ay nakapagdesisyon na ko na kahit mawala ako ay may magmamahal naman sa kanya na alam kong mas hihigitan pa ang kaya kong ibigay sa kanya.



Hindi ko kayang makita sya na nasasaktan habang ako ay nakaratay sa kama.

Ayaw ko shit muli na naman sya umaatake.

Ang ulo ko fuckkkkk ang sakit di ko na kaya.

Wag muna ngayon habang nasa malapit pa ako sa kanya ayaw kong makita nya ang paghihirap ko.

Kailangan kong makakaalis sa lugar na ito. Pero paano di ko na kaya

"arrrgggggggg" napasigaw na lang ako dahil sa sakit at di ko namalayn na naipatong ko ang ulo ko sa businahan

Peeeeeeppp peppeeeeepp

At dahil sa ingay na iyon ay nakita kong napatigil sya sa pagpasok at lumingon sa gawi ko. Shit nakita nya ako, haysss tinted pala ang kotse ko kaya di nya makikilala kung sino ang nasa loob.



Pero baka narinig nya ang boses ko. At lumalapit na sya papunta sa kotse ko, kailangan ko ng umalis pero di ko kaya para akong naestatwa at hinihintay na lumapit sya. At saktong pag katok nya ay ang muling pagkirot ng ulo.


Di ko na kaya Mama, Papa gusto ko ng magpahinga di ko na kaya ang sakit na talaga.

"argggggggggggggg argggggg" patuloy kong pagsigaw habang sinasambunutan ang aking buhok


"mama, papa alisin nyo masakit "

Tok tok tok

Naririnig kong kumakatok sya
Pero di na makagalaw pinipilit kong buksan ang pinto pero di ko maabot.


My queen Im sorry

Huli kong sambit bago dumilim aking paningin

BDS 1: Unexpected Proposal (completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें