“Ano yun baka alam ni Sha.”

“Sabihin mo Third Prince para maumpisahan ko na ang ritual.” sabi ni Sha.

Umubo si Prince Azera at lumapit siya sa akin para ibulong niya ito habang magkalapit ang aming mukha. “I-isang ….”

 

“MAHIWAGANG HALIK…”

 

Sa sinabi ni Prince Azera nahulog si Sha sa kama. Napatingin naman ako ng masama kay Prince Azera na nakanguso at handang halikan ako.

Siraulo talaga toh!

Kinuha ko agad yung unan at inilagay ito sa kanyang mukha. “OH! Ayan! Halikan mo lelang mo!” sabay tulak ko sa kanya para humiga.

May mahiwagang halik pa siyang nalalaman.

“Alice! It’s a royal spell. Hindi yun pangkaraniwang spell lang.” para siyang batang nagwawala dahil hindi nakuha ang kanyang gusto.

“Yer right! Prince Azera. Puro ka kalokohan. Magpahinga ka nalang.” Akalain mong parang hindi prinsipe ang kausap ko. Kung makipagusap ako parang pangkaraniwang nilalang lang siya dito sa mundo nila.

“Tsh! Kelan ka ba makukuha sa alindog ko Alice. Hindi naman makakailang maganda ang aking pangangatawan at isa akong Prinsipe ng isang Nation na binayayaan ng kagwapuhan. Na gustong gusto ng mga babae at pinakakaguluhan.” ngingiti niyang sinabi.

“Huwag mo akong gayahin sa mga ibang babae Prince Azera.” Sa totoo lang talaga. Maganda ang pangangatawan ni Prince Azera. Gwapo, matipuno, matalino at naayon talaga sa pagiging Prinsipe. Ano pa ang hahanapin mo? Nasa sakanya na ang lahat.

Ang haba nga ng hair ko ng ipinagtapat niyang may gusto siya sa akin. Na akala kong kalokohan lang.

Akalain mo kasing ang isang tulad niyang prinsipe magkakagusto sa isang katulad kong mamabang uri ng nilalang dito sa mundo nila at kahit sa mundo namin.

Pero kahit alam kong may pagtingin siya sa akin at nasa kanya na ang lahat hindi ko parin nakikita ang sinasabi nilang SPARKS. Hindi katulad ni Clyde na kapag nakikita ko siya inuunahan na ako ng kaba at kilig.

“Kaya nga kita nagustuhan.”

Napatingin ako sa kanya. “Huh? Ano po iyon Prince Azera?” hindi ko naitindihan ang kanyang sinabi dahil sa mga iniisip ko.

ALICE { o n  g o i n g ...}जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें