Chapter 40 : Red Mist

Start from the beginning
                                    

Kahit sabihin niya na mabuti na siya, kita parin sa kanya ang panghihina.

Ilang segundo ding nakayakap sa akin si Prince Azera. Naramdaman ko ang komportable niyang paghinga hindi tulad ng kanina.

Hanggang sa nararamdaman kong….

Na nananching na siya!

Hinampas ko siya agad at lumayo. “Arrggh!!” daing niya.

“Kahit kelan ka talaga! May sakit ka na nga! Gumagana parin yang pagka PERVERT mo!” naggagalaiti kong sinabi sa kanya pero bigla akong natauhan na may sakit pala siya.

Nakasubsob siya sa kanyang hinihigaan at parang mamatay na siya sa sakit.

“Prince Azera! Sorry! Sorry talaga! Saan ang masakit!? Eto inumin mo.” taranta kong sinabi at kinuha ang gamot niya.

Sinabi sa amin ng Shamans kapag nagising at nagkamalay na siya may posibilidad na mamanhid at sumakit ang buo niyang katawan dahil sa panunumbalik ng pagdaloy ng kanyang natigil na dugo sa buo niyang katawan.

Ininom niya yung tubig na ibinigay sa amin ng Shamans katulad din ito ng gamot na ininom ko ng ako ay malason ng Goblin. Ito yung tubig na nagpapagaan ng pakiramdam.

Pero parang hindi ito umumbra kay Prince Azera panay inda parin siya sa kanyang sakit. “Saan pa ang masakit?” Pagaalala kong sinabi sa kanya. Hinawakan ang kanyang balikat. Hinilot ko naman itong marahan.

“D-Dito Alice.” turo naman niya sa kanyang braso. Hinilot ko naman yun.

“Ang sakit ng ulo ko.” Sa sinabi niya. Yun naman ang hinilot ko.

“Ok na?” pagaalala kong tanong kay Prince Azera.

“Hindi pa…” hikahos niyang pakakasabisabay hawak niya sa kanyang dibdib.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Prince Azera. “Sha Bilis! Tawagin mo ulit ang mga Shamans.” Utos ko pero pinigilan siya ni Prince Azera.

“Huwag Sha… Meron akong alam kung pano ito mawawala.”

“Ano yun?” agad kong tanong sa kanya.

“I-isang spell na kailangan ngayon isagawa ang ritual. Sigurado akong mawawala na ang sakit na toh.” Paliwanag ni Prince Azera.

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now