Chapter 40 : Red Mist

Start from the beginning
                                    

Paulit ulit na nga pero eto ako nakikinig lang, nakatulala at limitado ang sinasabi.

“Maliban ba sa pagdukot sayo? May nangyari pa ba sayo dun? Alice?”

Nagflashback lahat ng nangyari sa akin.Bumalik ako sa reyalidad ng hinila ni Sha ang damit ko. “O… Nasabi mo na ang tungkol sa prinsessa kaya ka nagkakaganyan?”

“A-ah... hindi… wala akong sinabi na kahit isa tungkol sa prinsessa…” napahinto ako saglit “wa-wala din nangyari sa akin… hi-hindi ko nga alam kung bakit nila ako dinukot… pagod lang ako…” pagsisiungaling kong sinabi.

“Ginamit ko ang Fern Flower Tablet dahil don tinulungan ako ng mga daga kaya ako nakalabas.” Totoo naman ang sunod kong sinabi pero hindi ko talaga kayang ikwento ang buong nangyari sa akin.

Natatakot ako kung ano ang magiging tingin nila sa akin kapag sinabi ko ang buong katotohanan.

“Pero Alice, gusto ko yung buo. Mula umpisa hanggang sa katapusan.” Ang kulit talaga ni Sha. Sa tingin ko alam niya na may tinatago ako sa kanya. Kahit ganito si Sha na makulit. Malakas ang pakiramdam niya.

“Alice…” pagmamakaawa ni Sha with puppy eyes.

Stop it Sha! Hindi ko kayang makita ang cute mong mukha. Kapag ganyan ang pinapakita ni Sha sa akin hindi ko maiwasang masabi ang buong katotohanan.

Sasabihin ko na ba? Kinakabahan ako. Natatakot.

Magkatitigan na kami ni Sha at balak ko ng sabihin ang buong katotohan. Siguro naman maiitindihan ako ni Sha kapag sinabi ko ang katotohanan at baka matulungan niya pa ako sa problema ko.

Sisimulan ko ng magsalita… ng biglang nagsalita si Prince Azera.

“A-Alice…” nakangiting bumungad sa akin si Prince Azera at kitang kita sa kanyang mukha ang sayang nakita muli niya ako. Uupo siya sa kanyang pagkahiga pero pinigilan ko siya.

“Prince Azera huwag mong pilitin ang sarili mo.” pero hindi siya nagpaawat at bigla niya akong niyakap.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Napamahal na din si Prince Azera sa akin bilang isang matalik na kaibigan kaya nga sobrang pagaalala ko ng nalaman ko ang nangyari sa kanya.

“Alice… Alice…” yun at yun lang ang sinasambit niya at nararamdaman ko ang mahigpit niyang pagkakayakap. Naramdaman ko ang pagaalala niya para sa akin.

“Magpahinga ka pa Prince Azera. Hindi ka pa lubusang gumagaling.” Mahinahon kong sinabi.

“Mabuti na ang pakiramdam ko Alice, basta nakita kong nasa mabuti kang kalagayan. Ang makita ka ay sapat na para manumbalik ang lakas ko.” Ani niya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now