Tungkol naman sa pagkakataranta nya kung sasagutin yung tawag o kung susundan ako. Surprise. She did things at the same time!





"Is it emergency?.. Huh? Tell her I just need to fix some things here.. No. No, I think matatagalan pa bago ako bumalik.. Fine, just stay beside Isabelle, okay? Bantayan mo sya.."



Nilingon ko sya bago ako pumasok sa loob ng kotse. "You can go back to them now. There's nothing to fix here, wala na.."



Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko palayo sa bahay nila.. Sobrang sakit, alam kong ako ang nakipaghiwalay pero masakit pa rin. I don't want a relationship like that, na nagsisikreto.. Na nagsisinungaling.. Na nananakit.



My phone rang habang nagmamaneho ako.. Pero dahil masama ang loob ko at nasasaktan ako.. Ayokong ibaling ang atensyon ko sa iba. I don't want to die yet.



Tinapon ko ang mga gamit ko sa maliit kong sala dito sa kwarto ko. Inihanda ko iyong liliguan ko at nagpahatid ng rose petals galing sa garden ni mommy. I took all of my clothes nang handa na ang tub. Nag-airplane mode muna ako para walang makaistorbo sa music ko, inilagay ko na sa tenga ko iyong headphone ko at pumikit.



I tried to remember the first time we met hanggang sa nangyari kanina. Hinanap ko sa puso at isip ko iyong regret na gusto kong maramdaman pero hindi ko mahanap. Iyong pakiramdam na nagkamali ako sa pakikipaghiwalay kay Georgina, pero wala. Sobra ba talagang masakit sakin lahat iyon? Oo. Sobra.. Pero wala pang isang linggo.. Hahayaan ko bang masira lang ng iilang araw iyong buwan na binuo naming dalawa? Nasira na, e.. I did tried to fix it or maybe I didn't tried hard enough? Mababaw na kung mababaw pero para sakin, malalim na sugat na iyon.

Hindi ko na naman mapigilan ang umiyak.. Siguro hindi ko na marinig kung gaano ako kalakas umiyak ngayon dahil sa musikang sumasabay sa akin.

She was my first love. Huh. She now owns a big part of me, that no one would ever dare to fight with. Like how Ezra owned a big part in her heart, Georgina's heart.

Nang makaramdam na ako ng lamig ay unti-unti ko ng binuksan ang mga mata ko. I wiped my tears na hindi pa rin natutuyo dahil hindi pa rin ako tapos umiyak.. To my shock, nadulas ako sa pagtayo ko at napahiga muli sa tub, nahulog ang phone ko sa lapag. Agad kong tinanggal ang headphone ko..


"Nanay Santa let me in. I am sorry to trespass.. Here." nag-abot sya ng robe at tuwalya.



Hindi sya umalis sa kinatatayuan nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Hindi naman nya agad siguro ito naintindihan.



"Wait me outside. I don't want you to see me naked."



Napaawang pa ang bibig nya pero tumango naman sya bago lumabas. Hindi pa nga siguro nagreregister sa utak nya na nakipaghiwalay na ako sakanya kasi we are already used to each other walking naked around sometimes. Minsan kasi nagsasabay naman kaming maligo, e. And yes, sometimes we do that 'thing'. Like some of what normal couples do..


Nah! Niña! Erase it to your memories!



Agad naman akong nag-robe at nagpatuyo ng buhok gamit iyong tuwalya. Pumasok ako sa walk-in closet ko para magbihis. Lumabas din ako agad knowing that she's just inside my room.




"Why are you here?"




"Niña, hindi ka naman nakipaghiwalay sa akin, di ba?" parang may tumusok na karayom sa dibdib ko.. Gusto na naman tumulo ng mga luha ko. Pagod na ako, hindi kaya napapagod ang mata ko?



"I did. Please, let me have this and go."




"Ayoko! Ano ba? Tayong dalawa ang pinag-uusapan dito! Hindi pwedeng dahil sinabi mo lang kaya maghihiwalay na agad tayo!"




"You were with your ex without telling it to me. You never contacted me which you promised you would before I let you come with them. You can't even trust me with your problem because you think I'm gonna be a burden too."





"Hindi naman ganoon 'yon."





Hindi na lang ako nagsalita.. at ganoon din ang ginawa nya. Pinanood nya lang akong humiga sa kama ko..



"Isabelle wants me back.. Please, Isabelle is someone that's so important to me just like you.. I am suppose to go back tomorrow morning but I told them na I will still need to ask you first before I decide kung babalik pa ba ako."





"Then have a safe flight."





I heard her sniffed kaya nilingon ko sya. "Hindi mo ba sasabihin na ayaw mong umalis ako?"



I sarcastically laughed. "Why would I? Wala na akong rason para pigilan ka.. Hindi na kita papakialaman sa lahat ng gagawin mo dahil wala na tayo." sobrang bigat sa dibdib ng sinabi ko at halos hindi ko na nga masabi sa kanya na wala na kami.




"Bakit ganoon? Bakit ganoon na lang kabilis para sayo? Bakit naging ganito? Ayoko, e. Ayokong maghiwalay tayo.."






"At ayoko na ring maging tayo." Liar! Mahal na mahal mo 'yan! Sino bang niloloko mo?!





"Bakit naman ayaw mo na? Nasasaktan ako, Niña. Please bawiin mo lahat.. Hindi ko 'to kaya." basag na iyong boses nya.. At tahimik na rin syang umiiyak.



"Kung hindi ko naman kailangang sumama para kay Isabelle, hindi naman ako sasama, e. Ayokong magkaroon kayo ng kumpitensya sa buhay ko. Mahal kita, Niña, e. Sobra. Pero mahal ko din si Isabelle.."




"Sige na, Georgina. Umuwi ka na. Maaga ka pang aalis bukas. Please.. Let me rest."



"Kung.. Kung hindi na talaga magbabago isip mo then would you let me stay here with you.. Huli na naman 'to. Pagbibigyan mo ba ako?"




"Umalis ka na.."


"Ilang beses mo ba ako ipagtutulakang palayo sayo ngayong araw?" I somehow fel her pain in her voice so I chose to close my eyes instead.


"Kung gusto mong mag-stay dito. Bahala ka. Basta pagmulat ko ng mga mata ko, gusto ko wala ka na dito sa bahay ko."




Hinayaan kong nakapikit lamang ako. Naramdaman ko ang paghiga nya sa tabi ko at ang tahimik nyang pag-iyak ay rinig ko pa rin. Yumakap lang sya sakin..

"I love.. I love you, Niña. Why do you have to hurt me like this? Paano na ako bukas? O mamaya? Paano na ako, Niña? Hindi mo ba naisip iyon? Kasalanan ko ba talaga? Kung oo, sorry.. Sorry."

Ayokong marinig lahat ng sasabihin nya dahil nasasaktan ako lalo.. Sht! Ganito pala talaga kapag mahal mo.


Before I could finally sleep with a broken heart I heard her say..

"I love you, baby. Sorry for causing too much pain.. I love you, baby. I love you."

My First LoveWhere stories live. Discover now