20

3.1K 71 0
                                    

Chapter 20

"So ano'ng drama mo today?" padabog na inilapag ni Sarah iyong bag nya atsaka nagtanggal ng jacket.

"Ang.. Ang weird ng nararamdaman ko, e. It's been two days since she left, she's supposed to call me nung dumating sila doon pero wala pa rin. Hindi pa sya nag-o-online. Nag-chat na ako ng ilang beses pero wala pa rin."

"Ang weird nga. Kahit sa amin wala pa syang chat, e. Baka naman nage-enjoy lang sya don?"

"And she forgot about me? Hindi, e."

"Nagpunta ka na ba sa bahay nila? Pwede naman tayong magpunta after class."

"Nakakahiya kay Tita Ash. Pero kaysa napa-praning ako, sige, samahan mo ako mamaya sakanila."

Tumayo ito at nagpunta sa counter para mag-order. Nasa ice cream parlour kami, I texted her to meet me here since busy si Gerda at Shae para samahan ako. Si Jana naman, hindi ko mahagilap kanina.

Pagkabalik ni Sarah sa table namin ay dala na nya iyong order nya. "Ano yan? Bago?"

"Hindi. Matagal na 'to. Di mo lang napapansin sa menu kasi may matagal ka ng paborito. Parang sa love, hindi mo napapansin iyong iba kasi may mahal ka na talaga."

Binato ko sya ng lukot na tissue. "Baduy!" sabay kaming tumawa.

"Kahit na baduy minsan, totoo naman. You know, there's these things na talagang pwede ihalintulad sa buhay."

"Yeah, you have a point naman."

We talked about sa school habang pahirapan naming inuubos iyong large ice creams namin.

"So, paano ba yan? 30 minutes na lang. Ihatid na kita sa harap ng campus nyo." alok ni Sarah.

"Ay. Wag na, okay lang. Malapit lang naman.. Mauna ka na, bibyahe ka pa."

"Dinala ko yung sasakyan, e. Pinark ko malapit sa main gate nyo."

"Ang abno mo talaga! Nagdiretso ka na lang sana dito."

"Nakakarelax kasi yung daan papunta dito kaya hindi ko mae-enjoy kung nasa sasakyan ako."

Well, tama naman sya. Kaya pumayag na lamang ako, nasa limang minuto lang naman kung lalakarin namin.

"Tawagan mo na lang ako kung pupunta na tayo.. Ihahatid ko pa kasi si Jana pauwi."

"Oh. Sure." then I smirked habang sya inilingan na lang ako.

Nadaanan namin yung kotse nya. "See? I left it here.."

"Oo na." Sumama pa ulit sya sa pagtawid sakin tapos nasa harap na kami ng gate kaya nagpaalam na ako.

"Bye, Sarah! Thanks sa pagpunta at pagsama sakin."

She waved tapos patakbong tumawid. Hinintay ko pang makaalis sya bago pumasok.

Buong klase kong iniisip si Georgina. What the hell! Nakalimutan na ba nya ako or talagang busy lang sya? Hanggang sa matapos ang klase ko ng five wala akong ibang inisip kundi sya.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon