Set You Free

2.8K 63 0
                                    


ARA'S

I'm here walking along the seasides of MOA hindi ko alam kung bakit bigla bigla akong pinapunta dito ni Bang, may importante daw siyang sasabihin bigla naman akong kinabahan sa text niyang yun kaya I immediately go here, since one week na kaming hindi nagkikita dahil hindi magkatagpo tagpo yung schedules naming dalawa.

While I was walking nakita ko na siyang nakaupo sa isa sa mga benches dito. As soon as she saw me walking towards here, she immediately stood up and walk papalapit sa akin.

Nung malapit na ako sakanya, she held my hands and pulled me for a hug. Yung mga yakap niya sobrang higpit parang this would be the last she'll do this to me, bigla naman akong kinabahan.

"Bang, why are we here?" I asked her habang nakatingin ng diresto sa mga mata niya, magkayakap padin kami.

She smiled and cupped my face, "Don't worry this won't take long."

Ayan nanaman yung kaba ko when I heard her utter those words, naupo na kami doon sa bench na inuupuan niya kanina.

Hinawakan naman niya yung kamay ko tapos tumingin siya sakin at nginitian muli ako at saka siya yumuko.

"Last week I've read a book entitled November 9" She started at saka siya tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"May sinabi yung isang character don na, because when you love someone you owe it to them to be the best version of themselves they can be. And as much as it crushes me to say this, the best version of you doesn't include me."

While she was saying that words doon ko na naramdaman yung takot, kaba, lahat lahat na. Anytime now alam kong mawawala na siya sakin.

She cupped my face again, "Vic, the best version of you does not include me." she said while crying.

"Sa loob ng mahigit isang taon nating magkasama, nakita kong hindi ka naman talaga masaya. Pinilit kong magbulag-bulagan, ang iniisip ko nalang baka sa una lang yan kasi nagsisimula pa lang tayo pero hindi eh."

At tuluyan na ngang lumabas ang mga luha ko sa mga sinasabi niya sakin. Ang sakit sakit!

"As time passes by, nakikita kong pinipilit mo namang matutunan akong mahalin and believe me Vic, naappreciate ko yun lahat."

"No, no Bang. Don't do this. Just give me some time please, we can work this out." I pleaded at hinawakan ko na ang dalawang kamay niya.

"Vic, I'm not ending this relationship dahil sa hindi na kita mahal. Sabi nga diba, if you really love someone you'll let them be happy kahit hindi ikaw ang rason nito. Tanggap ko ng kahit anong pilit ko, natin hindi talaga tayo pwede."

She cupped my face again, "Vic, buksan mo yang mga mata at puso mo, alam kong natatakot ka lang mag-take risk. There's nothing to be afraid of, okay?"

Tumayo na siya, hinawakan niya muli yung mga kamay kaya tumayo na din ako. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan sa desisyon niyang 'to. Kung kailan naman natutunan ko na siyang mahalin at saka 'to mangyayari.

"Oh, pano Vic, I should go na. Baka magbago pa yung isip ko hindi pa kita pakawalan." Natawa naman siya. "Lagi mong tatandaan na hinding hindi mo kayang dayain yang nararamdaman mo. Pareho na kayong malaya ngayon. Maybe you and Thomas should try again. Bigyan niyo ng chance yung naudlot niyong relationship."

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya sakin. Tinawanan lang niya yung reaksyon ko. "Oh, gulat ka pa dyan. Ikaw nalang ang nagbubulag bulagan dyan na hindi mo na siya mahal, lahat kami nakikitang siya parin laman niyang puso mo." Hindi ko naman akalain na sakanya pa talaga 'to manggagaling, "I love you so much, Vic" She pulled me for a hug and kissed my forehead.

Humiwalay na din siya sa pagkakayakap saakin, "I'll see you soon. Pagka naka-move on na ako." She laughed at napangiti nalang ako.

We bid our goodbyes to each other and I watched her walking palayo saakin. Hindi ko naman akalain na magiging ganto yung mangyayari sa relasyon namin at siya pa ang makikipaghiwalay sa ganitong paraan. Indeed Bang is really a good person and I just pray na mahanap niya yung taong para sakanya. And as for me, bahala na.

I decided na mag-stay muna dito sa may seaside at mag-isip isip. Yun naman kasing Thomas na yun eh! Kasalanan talaga yun ng kapagungan niya, edi sana ngayon wala ng ganito. Pero siguro, di pa talaga yun yung oras namin noon. Siguro nga tama si Bang, tama silang lahat na yung bansot padin na yun ang laman ng puso ko.

I looked at my watch at mage-eight na pala at gutom na rin ako. Tumayo na ako at napagdesisyunang umuwi since ginto ang mga pagkain dito sa dorm nalang ako kakain. Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko, I immediately fished out my phone from my pocket to see who texted me.

From: Daks
Daks! San ka? Dinner tayo sa Jollibee. Uwi ka na. Hihi. Lash you!
P.S. Di ko libre ah. 😛

Akala ko pa naman libre na yung dinner ko! Huhu. Nag-reply naman ako sakanya to say na pauwi na din ako. Busy padin ako dito sa cellphone ko ng bigla naman akong mabunggo ng isang lalaki. Sakit ah! Halatang lalaki siya kasi ang tigas nung balikat niya. Wow, muscles. At ng tignan ko kung sino siya, nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko...... Uh-oh.



"Th-thomas."


"Ara."

--

Congratulations, Queen Mika Reyes for your Big Day today! We're all so proud of you! 💚🎓✨

Good luck on your 1st game today, F2 Cargo Movers! 💛✨

Dreamsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن