First Day of School at First Time na Magkita kaming dalawa

339 3 0
                                    

Xander POV:

       1st day of school, magkikita-kita na naman kami ng mga friends ko pero medyo hindi ako excited eh, actually ang sarap mag-absent. Ba’t ganun? Tsk... Sige na nga, pipilitin ko tung sarili kung pumasok baka may mga bagong chix.

       “Xander, malalate ka na! Bilis-bilisan mo naman yang mga kilos mo.” -Mommy

       “Opo mom, wait lang nagsusuot pa ako ng sapatos ko.” -Me

       Pagkatapos kung suotin ang sapatos ko ay agad na akong bumaba para magpaalam kay mommy na pupunta na ako sa school

       “Mom, papasok na ako.” -Me

       “Sige, anak mag-ingat ka.” -Mommy.

        Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa bulletin board para hanapin ang pangalan ko kung saan ako nabelong na section.

       “9 Courage? Okay na din toh.“ 

       Pagkatapos kung nakita ang pangalan ko ay agad na akong pumunta sa gym para sa student orientation at dun ko na nakita ang mga friendship ko na sina Coleen, Kristine, Kathryn and iba pa. Sakto! Pagpasok ko sa gym ay agad ng nagsimula ang orientation.

        Pagkatapos ng orientation ay agad na kami pumunta sa mga respective classroom naman and sad to say na nasa 4th floor ang room namin. Pero okay na din basta ang importante may allowance araw-araw. At ng nakarating na sa room namin ay agad kami upo dahil sa super pagod at nun dumating na ang adviser namin agad kami nagpakilala sa mga classmate naming.

       “Hi, I’m Kristine Lopez, 14 years old and I’m proudly to say that I’m an old student of this school.” –Kristine

       “Hi, I’m Kathryn Sanchez, 14 years of ages and I’m an old student here.” –Kathryn

       “Hi, I’m Alexandra Jane Kwong but you better call me Xander, 15 years old and since 1st year I’m already here.“ –Me

       Saktong tumunog na ang bell para sa recess. Since 2nd year, ako, Coleen, Kathryn, Kristine ay sabay na talaga kami kumakain ng recess and lunch namin. Ngayon nandito na kami sa Canteen, ang favorite place ko sa boung campus, ang ingay-ingay naming apat chika dun, chika dito. Namiss kasi namin ang isa't-isa. Habang naghihintay sa time para sa next subject, tambay muna kami sa canteen.

       “Mga brad, kamusta ang bakasyon?” -Coleen

       “Okay lang naman medyo bitin ang summer.” -Kristine

       “Okay lang din..” -Kathryn

       “Okay lang din, super bitin ng summer pwede bang i-extend ang summer?” -Me

       “Sana nga brad noh” -Coleen

       “Ano ba kayo guys move on na sa summer,be happy because new school year na naman at tsaka may mga gwapong new student ohh.” -Kathryn sabay turo sa gwapong lalaki

       “Hay !! Kath hindi ka parin nagbabago boys pa din ang habol mo dito sa school.” -Coleen

       “Wait lang guys parang may nagbago sa barkada.” -Kristine

       “Sino?” -Coleen and Kathryn

       “Yan ohh.” -Kristine sabay turo sakin

       “Speaking of MOVE ON, may isa tayong kasama na hindi pa naka-move on sa ex nya na si Lara Mendoza.” –Kristine sabay kurot sa pisngi ko

       “Aray! Ang sakit naman nun!” -Me

       “Ba’t ang tahimik mo ngayon? Hindi kami sanay na ganyan ka brad.” -Coleen

       “Coleen, halatang hindi pa yan naka-move kay Lara noh.” -Kathryn

       “Ha? Ako? Hindi pa naka-move on kay Lara? FYI naka-move on na ako sa kanya noh matagal na.” -Me

       Pero sa totoo lang hindi parin ako maka-move on kay Lara, hindi ko parin matanggap na wala na siya sa buhay ko ngayon. Saan dumating na yung replacemant ni Lara sa buhay ko dahil ayoko ng masaktan pa ng todo.

       “Kung matagal ka na naka-move on sa ex mo ba’t ang tahimik mo?” -Kristine

       “Bakit? Bawal bang tumahimik kahit sandali lang?” -Me

       “Hindi naman, pero hindi lang talaga kami sanay.” -Kathryn

       “Hay nako guys! Wag nyo ngang gawing bad day tong araw ko. Mabuti pang umakyat na lang tayo sa mga classroom natin para hindi tayo malate sa next subject natin.” -Me sabay tayo

       “KJ naman nito, pero sige nga para makita ko ulit si Papa Kim!” -Coleen

       Pa-akyat na kami sa building ng may nakasalubong akong babae na siya mismo ang dahilan kung bakit ako napatigil sa pag-akyat pero hindi ko alam kung bakit.

       Ito ba ang tinatawag nilang “LOVE IN FIRST SIGHT?"

       Habang pababa siya sa hagdan sinusundan ko siya nangtingin hanggang hindi ko na siya nakita.

       “Hoy!” -sigaw ni Coleen sa tinga ko

       “Ano ba?” -Me

       “Akala ko ba aakyat na tayo.” -Kathryn

       “Sabi ko nga diba.” -Me sabay akyat sa hagdan.

       At pagtapos nun ay dumiretso na kami sa mga kanya-kanyang classroom namin.

Julia POV:

       I really miss this school, kasi dito ako nag-aral nung 1st year ako tapos lumipat ako ng school nung 2nd year ako para magpagaling sa sakit ko at ngayon nagbabalik ako sa school nato kasi nga I leave a promise sa mga friends ko na sina Hana, Nicole, Hazel and Bea na dito ako ulit mag-aaral. Oo nga pala recess time na nga pala, ano? Baba ba ako o hindi? Sige na nga bababa na lang ako nagugutom na din kasi ako eh. Habang pababa ako may nakasalubong akong 4 na babae pero actually yung isa eh, parang hindi babae parang Tboom (short for Lesbian o Tomboy) ah, basta super close nila at super ingay nila parang sila nga ang owner sa buong campus eh. Pero hayaan na lang natin sila kasi trip din nila nya kaya wag tayong manira ng trip ng iba. At dumiretso na ako sa Canteen para kumain ng snack ko at nakasalubong ko naman sina Hana at Bea kaya jumion na din ako sa kanila konting chika-chika about sa 2nd year life naming tatlo.

       “Julia, kamusta 2nd year life natin?” -Hana

       “Okay lang naman pero not really okay kasi wala kayo dun..” -Me

       “Sus !! Julia, pero inferness tinupad mo talaga promise mo samin.” -Bea

      “Syempre, hindi ko kasi kayo matiis guys..” -Me

       “Kamusta na kayo ni Joseph?” -Bea

       Si Joseph nga pala ang mangliligaw ko nung 1st year pa kami, matangkad na lalaki, hindi gaano kagwapuhan at medyo gentleman naman.

        “Ahhhh, ayun kaklase ko at nagpaparamdam na naman sakin.” -Me

       “Ba’t hindi mo pa kasi siya sagutin? Alam mo naman na boto ang barkada sa kanya diba?” -Hana

      “Oo nga Julia, baka maghanap yan ng iba. Tsk... Sayang naman ang effort ni Joseph para sayo.” -Bea

      “Wala pa akong panahon sa ganyan guys, at alam nyo naman siguro na studies muna ang inuuna ko diba?” -Me

       “Sa bagay.” -Bea

       Biglang tumunog ang bell kaya umakyat na kami at pumasok na sa mga classrooms namin. At pagkatapos ng araw namin dito sa school ay agad na kami umuwi. Actually magkasabay kami ni Joseph ngayon, ihahatid nya daw ako sa may terminal ng mga shuttle papunta sa subdivision namin.

My Ms. Good Vibes (Lesbian Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora