Chapter 10

308 24 2
                                        

Storme's POV

Dahil nag sink in na sa utak ko na si KRIS AT WU YIFAN AY IISA! hindi na ako nag dalawang isip pa puntahan sya sa room niya kasama ang dyaryo.

Matagal niya na pala akong niloloko?! Ang tanga ko, edi sana matagal na akong nag basa ng dyaryo! Kaya pala hindi ko makita kita si Wu Yifan dahil all this time kasama ko siya.

Nasa labas na ko ng kwarto nya, huminga ako ng malalim at kumatok ng malakas.

"WOY! DEPUTANG LALAKI KA LUMABAS KA JAN!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng tao dito.

Binuksan niya yung pinto halatang bagong gising siya dahil papikit pikit pa at ang gulo gulo ng buhok.

"Oh?" Pinakita ko sa harapan niya yung dyaryo na may picture at article niya.

"IKAW LANG PALA SI WU YIFAN! MATAGAL MO NA AKONG NILOLOKO, KRIS! KINAYA MONG LOKOHIN AKO! SA KABILA NG PAGIGING DESPERADA KO PARA SA BESTFRIEND KO!" sigaw ko sakanya. Binuksan niya yung pinto ng malaki.

"Im sorry hindi ko kasi alam paano ko eexplain sayo eh. Naunahan ako ng takot"

"Tangina naman! Saakin natatakot ka, sa baba mo ngang matulis di ako natakot eh. Sana naawa ka nalang kay Sommer na nababaliw kakahintay sayo. Nahanap na pala kita. Dadalhin kita kay Sommer. Hindi na kita babangasan dahil may pinag samahan naman tayo. Ito lang mabibigay ko sayo" isang mag asawang sampal ang binigay ko sakanya at nag lakad na ako pabalik ng room ko.

Pag pasok ko sa loob nanghina yung tuhod ko, napaupo ako sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko at doon nagiiyak.

Ang galing nyang mag panggap hindi ko man ang na pansin na niloloko nya pala ako. Pinunasan ko mga luha ko gamit mga kamay ko.

---

Habang nasa biyahe kami hindi kami nag uusapan galit pa din ako sa ginawa niya. Anong akala niya sa simpleng sorry niya madadala niya ako at sa kabaitan niya at pag ligtas saakin.

Nagustuhan ko na siya na kahit pala ang isang mayabang na tulad niya may tinatago din palang kabaitan.

Pero wala eh, beastmode ako pagdaong ng barkong sinasakyan namin sa destinasyon namin ay tahimik parin ako habang nag maneho.

Dahil traffic sa edsa at naboboring na ko ay kinausap ko na sya " Ano ba talaga ang tunay na nangyare?"

"Everything is okay. She said yes. Nagpaalam ako sa kanya ng maayos na pupunta ako ng korea for our family bussiness dahil ako ang taga pag mana matagal ko tong aasikasuhin at hindi ko siya maaasikaso. Sinabi ko na kung okay lang sakanya na we part ways. Naintindihan naman niya tapos biglang malalaman ko nalang na nadepress siya because of me. Akala ko talaga everything is okay" explain niya.

"Yan mahirap sa inyo mga lalaki eh hindi kayo marunong makiramdam kapag sinabi ng babae na 'Oo sige lang, Okay lang' means 'hindi okay yun' Haist, ewan ko ba sainyo. Baka mamaya may iba ka ng girlfriend kaya iniwan mo ng ganun ganun ang bestfriend ko. Okay lang naman magkaroon ng relationship kasabay ng work kung may time management at mahal nyo talaga ang isa't isa. Hindi dahilan ang pagiging busy kung mahal mo talaga sya."

"Sana kasi nagpapakatotoo kayo. Hindi kami manghuhula tsaka wala akong girlfriend, nagugustuhan meron." sabi niya.

"Kung maari balikan mo nalang si Sommer dahil hindi ko kayang nakikita syang magkaganun." Pakiusap ko

Gabi na din kami nakarating at nasurprise si tita dahil nagawa ko ang pinangako ko. Agad agad kaming umakyat ng kwarto niya.
Kung anong pwesto nung iniwan ko siya ganun pa din ang pwesto niya, mas lalo pang lumala itsura niya.

Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ko ang kamay niya. "Sommer na dala ko na yung pinangako ko." Kaya sinenyasan ko si Kris na lumapit saamin.

Unti unti ako umalis sa pagkakaluhod ko at si kris naman pumalit saakin.

"Wu Yifan." Marahang sabi ni Sommer at ni yakap ito.

Bigla nalamang kumirot ang puso ko. Hindi maaring na nahulog na ako sakanya, mahal siya ng bestfriend ko.

Dahan dahan akong lumabas ng kwartong iyon dahil pakiramdam ko ay bigla nalang akong magbbreak down doon pag patuloy ko pa silang makikita.

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now