Chapter 8

273 24 0
                                        

Storme's POV

Katulad nga ng sinabi ko manonood ako ng fire dancing at si Kris tinotoo ang sinabi niya.

Mag uumpisa na yung fire dancing nakita ko na din si Ejay may hawak na poy. Tinawag niya ako at ngumiti. Kumaway lang ako.

Hanggang nag start na nga ang music nila at pinaglaruan nila yung mga apoy na nasa poy na hawak nila.

Ang galing nila ang mga tao nag papalakpakan na at nag sisihiyawan na. Hanggang sa matapos ang performance nila, may 2nd performance pa pero hindi na sumali si Ejay.

"Ano? Kamusta naman performance namin?" Tanong niya.

"Ang galing niyo grabe, effortless" sabay palakpak ko.

"Buti naman at na gustuhan mo para sa pag cecelebrate natin ng friendship natin bibigyan kita ng isang special drink wait lang." Sabi niya

"Sige." nginitian ko sya. Matagal tagal din siya bago bumalik siguro madaming tao sa stool.

Pag balik niya ay may dala syang dalawang baso, tag isa kami for sure.

"Don't worry juice lang yan, Cheers?" Tapat ng baso niya sakin kaya tinapat ko din ang baso ko at uminom kami unang inom ko lang nag bblur na paningin ko.

Kaya napailing ako lasang juice naman? Pero bakit ganun? Nakikita ko naman siya dirediretso yung inom niya ng sakanya kaya uubusin ko na din saakin.

Pagkabigay ko ng baso ko sakanya napahawak ako sa tuhod ko at napailing na naman ako anong nangyayare? Nahihilo ako.

"Okay ka lang?" Bulong niya saakin tumungo ako. "Tara! sayaw tayo." sabi niya at inalalayan niya ako tumayo ng maayos naramdaman ko yung kamay niya na nasa bewang ko.

Pumasok kami sa crowd ng people na nag sisisayawan. Nasa likod ko siya hawak pa din yung dalawang bewang ko, sumayaw sya kaya sumasayaw na din ako hindi ako makaconcentrate dahil sa hilong nararamdaman ko at parang lumulutang na feeling ko.

Naramdaman ko yung ulo niya nakapatong na sa may balikat ko at nararamdaman ko na yung init ng hininga niya at may naramdaman akong kumikiliti sa leeg ko.

Wait lang? Hinahalikan niya ba ako? Pumipiglas ako sakanya pero mas malakas siya saakin nanglalambot yung mga buto ko pero alam ko nangyayare parang napaparalyzed yung katawan ko.

May naramdaman akong isang kamay na humawak sa wrist ko, nahihirapan akong idilat ang mata ko pero alam ko si Kris to dahil sa buhok niya at hugis ng mukha, ang matulis nyang baba.

"Kris?" Sabi ko pinag-aagawan ba nila ako? Nararamdaman kong hinihila nila ako both sides eh.

"Pare! Bitiwan mo si Storme" sabi ni Ejay kilala ko pa din naman boses nila.

"Gago ka ikaw ang bumitaw! Binabastos mo na si Storme eh!" Galit na galit na sabi ni Kris. Biglang may humatak ng dalawang kamay ko. Nanglalabo na talaga paningin ko. Parang lalo akong lumulutang nawawala ako sa katinuan.

KRIS POV

Tangina nitong lalaking to ayaw pang bitawan si Storme nanggigil na ako! Ayoko naman hilain si Storme ng basta basta baka masaktan siya at wala siya sa katinuan.

Saan na kaya kaluluwa nitong babaeng to. Nakita kasi ni Tao na nilagyan ni Tustado yung inumin ni Storme ng Drugs.

Pagkasabi nya sakin nun agad akong napatakbo papalabas ng room ko at hinagilap sila agad, kung hindi pa ako dumating baka nagahasa na niya si Storme.

Manyak pala tong tustado na to first impression last talaga!

"Bwisit ka na talaga pare ah!" Binitawan niya na si Storme at nasalo ko naman siya. Hindi na siya makatayo ng maayos. Ilang dosage pa nilagay niya at lupay lupay to ah? Nanggagaliiti na talaga ako.

Alam kong susuntukin niya na ako nung nasalo ni Tao yung kamao niya. "Alam mo pare tama na, pabayaan mo na kasi. Ayaw namin ng gulo at saka wala ka bang kapamilyang babae at binabastos mo ang kaibigan namin?" Lumingon saakin si tao. "Sige na Hyung ako na bahala dito." pagsabi nya nun ay suminyas sya na parang may tinatawag.

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now