Epic 1

6 1 2
                                    





Takbo Elaine takbo! Sigaw ko sa utak ko.

Names!late na ako!

Bilisan mo Elaine malapit kana. Kaya mo yan! Para akong tanga habang ichinicheer ang sarili ko.

Walang tigil ako sa pagtakbo.Takbo dito,takbo doon. Liko dito, liko doon. Akyat doon, akyat dito. And finally, ariel happens to me. De joke lang. Natatanaw ko na ang pintuan ng room namin.

Nyemas napagod ako dun. Whooo! Napapunas na lang ako ng pawis sa noo sabay silip sa bintana.

"Shit! Nasa loob na ang bruha! Malas naman. Makapagpahinga muna saglit bago pumasok." Dahan dahan akong sumandal sa pintuan habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang aking kamay. "Grabe!ang init!"

Sumandal akong mabuti sa may pinto at sa kasamaang palad hindi pala ito masyadong nakalapat. At ang kinalabasan, isang magandang dyosang nakahiga sa sahig.

"Patay!" Himutok ko.

"MARIA ELAINE JOY MONTEVERDE!" Oh ow, sumigaw na ang bruha.

Dahan dahan kong nilingon si Ma'am sabay sabing. "Present Ma'am!" Nakangiti kong sabi habang nakataas ang isang kamay.

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. Bakit?may nakakatawa ba? Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na. Nakakangawit kayang humiga sa sahig.

"Hanep pre! Astig talaga nitong si Elaine."

"Laughtrip pre!Hahahaha"

"Nagpasikat na naman.psh"

"Kaya nga girl, tatanga tanga naman."

"Lagot sya ngayon kay Ma'am,late na nga inistorbo pa ang discussion."

Grabe ha makasabi naman sila ng tatanga tanga inam. Kasalanan ko bang hindi pala nakalapat ang pinto! Ang dapat hinahunting dito yung huling pumasok!

Nilingon ko si Ma'am at kulang na lang may lumabas na usok sa ilong nya at bumuga ng apoy. Panu ba naman sobrang pula ng mukha nya. Pero teka kelan pa naging dragon si Ma'am? Akala ko ba bruha sya? Ay ewan .

"Ma'am hindi nyo pa po ba ako papaupuin? Nakakangawit din po kasing tumayo e." Pagrereklamo ko.

"Miss Monteverde detention now!" Nanggagalaiti nyang wika.

"Ha? Anu po?"

"I said DETENTION NOW!"

"Aba Ma'am wait lang po.Bakit naman po detention?" Nakakaloko din talaga si Ma'am minsan e. Wala naman kaya akong ginagawang masama.

"You're late again Miss Monteverde and you disturb my discussion. So please go to detention now."

Hala bakit ako ang napapadetention wala naman akong kasalanan dun.

"But wait Ma'am it's not my fault." Todo iling kong sabi.

"Really? Then who's fault is this?"

"I'm late again because of my alarm clock Ma'am. Kabibili ko lang po nun pero kagaya nung mga nauna kong alarm clock hindi din po ako nagising kasi hindi ko rin po narinig tumunog." Nagsimula na namang magtawanan ang mga kaklase ko habang nanliliit ang mga mata ni Ma'am na nakatingin sa akin. "At Ma'am hindi dapat ako ang sinisisi nyo kung bakit naistorbo ko ang klase nyo. Hindi naman po ako mapapahiga sa sahig kung nakalapat ang pinto kaya po Kasalanan po ito ng walang hiya at bobong huling pumasok kanina sa pinto. Kaya ang dapat nyo pong pinapadetention yung walang utak na huling pumasok at hindi naglapat ng pinto" taas noo kong sabi. Akala nila maiisahan nila ako. Aba! Wais ata to men.

napatigil sa pagtawa ang mga kaklase ko ng marinig ang sinabi ko. Bakit? Tama naman ako di ba? Hindi ko naman talaga kasalanan.

"What did you say Miss Monteverde?!" Galit nyang tanong.

"Ma'am bingi po ba kayo? Gusto nyo pa po sadyang ulitin ko? Nakakapagod po kayang magsalita tsaka ang haba po kaya nun." Nakanguso kong sagot. Ngawitna nga ang paa ko pati ba naman bibig ko papagudin nya.

"Miss.Monteverde. Ako.ang.huling.pumasok.kanina!" May diin nyang sabi.

Pero teka anu daw? Sya daw yung huli? Paktay! Kung anu anu pa man ding sinabi ko kanina.

"Ah ehh....ganun po ba? Sige po punta na po akong detention. Tuloy nyo na po ang discussion.hehe" nagmamadaling lumabas ako ng room. Mahirap na baka kung anung maisipan pa nun.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa detention room. Malas naman.




_________________________________

Okay lang ba guys?

Comment kayo please.
Thank you.

-prettymhineee

She's Always EPIC FAIL!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant