Chapter 34

9.3K 137 5
                                    

Chapter 34

Good Things Comes For Those Who Waits..

Naglakad si Zack palapit sa kaibigan nyang si Primo..

"Pare.. Maraming salamat " taos pusong pasasalamat nya..

Ngumiti si Primo..

"No Problemo Amigo.. Nagdala lang ako ng cheering squad, di nangangahulugan na panalo na kayo.. Nasa inyo pa rin ang ikapapanalo ng Team.. Kaya good luck.. Dito lang kami sa gilid to cheer you guys.. " nakangiting sabi ng nya..

Tumango si Zack..

Nagtapikan sila sa balikat ni Primo..

"Regroup !.. " tawag ni Denzel..

Isa isang lumapit ang mga team mates nya..

Seryosong nilibot ni Denzel ang paningin sa mga kasama..

"Guys, I know na masyadong malaki ang lamang nila.. Pero tulad ng sinabi sa atin ni Coach.. Hangga't may natitira pang segundo sa orasan.. May pagasa pa.. Naniniwala ako na makakaya natin.. If ever na matalo tayo.. Matatalo tayo na lumalaban.. " madiing bigkas ni Denzel.

Tumango ang mga kasama nya..

"We know for a fact na malalakas sila.. Lahat tayo hirap.. De kalibre ang bawat players nila.. Pero isa lang ang masasabi ko.. Di tayo aabot dito ng kung di tayo worth it..Pwede kong sabihin na malakas sila.. Pero di ko pa pwedeng sabihin na mas malakas sila... Dahil ngayon pa lang mag sisimula ang totoong laro.. Bigyan natin sila ng pabaon pabalik sa school nila.. " gigil nyang wika..

Nagkatinginan ang lahat..

"Are we clear ?.." tanong ni Denzel..

Ngumisi sina Zack at Rigor..

"Let's give them what they want.. " sagot ni Zack..

"Gums to gums mga pare.." sagot ni Rigor..

Tumango si Denzel..

"They want war.. We give them war.." aniya..

"Fight !.. " sabay sabay na bigkas nila..

Napalingon si Brix kina Zack..

Pasimple nyang nilapitan ang binata at nakangising tinapik.

"Hanep ang fighting spirit.. As if naman mahahabol nyo pa kami.. If ever.. Sigurado ako na wala kang maitutulong kase nga kung sakaling gumawa ka ng moves to score.. Tsk tsk.. Bye bye Sabina.. " bulong nito..

Tiim bagang na tumuwid ng tayo si Zack..

Hanggang tenga nya lang si Brix..

Nakaramdam ng intimidasyon si Brix pero pinili nyang ngumiti dahil batid nya sa sarili na may hawak syang alas laban sa binata..

Nilagay nya ang dalawang braso sa batok at tinitigan si Zack.

"Remember the envelope.." parinig nya.

Nanigas si Zack sa pagkakaalala ng envelope na inabot ni Brix kanina..

Nilingon nya si Sab na walang humpay na tinatawag ang pangalan nya..

Unti unti na namang umahon ang kaba..

Napangisi si Brix..

Sapat na ang ginawa nya para walang gawin si Zack.

Kahit papaano..Kabisado nya ang karakas ng mga uri nito..Mabait ang binata. At alam nya ang totoong relasyon nito at ni Sab.. Sa tulong na din ng pinsang si Princess.. Hindi totoong magkapatid ang dalawa.. Nagpapanggap lamang ang mga ito para pangalagaan ang isa't isa.. At kung tama ang hinala nya.. Malaki ang gusto ni Zack sa amo nitong si Sabina..

Zack and Sab ( Original Story ) by ToyantzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon