Chapter 10

12.2K 160 3
                                    

Chapter 10

Malungkot ang mga sumunod na araw para kay Zack..

Kada galaw nya ay lagi syang nasisita ni Sab..

Ni hindi na sya makapunta sa practice ng Team nila..

Mabuti na lamang ay maunawain ang bago nilang Coach..

Mananatili pa daw sya sa Team kahit na di sya laging nagpapakita sa practice..

Isang ordinaryong araw..

Abala si Zack sa pagsusulat ng kanyang takdang aralin sa isang bench..

Paborito nya ang lugar na ito..

Presko ang dapyo ng hangin dahil sa tulong ng isang mayabong na puno..

Nakalatag ang kanyang mga notebooks..

Galing sa kanyang sariling pera ang pagbili ng mga ginamit nya ngayon sa eskwela..

Matipid sya..

Mula nuong unang sahod na natanggap nya sa among si Saimon..Tinabi nya ito.. Sa utos na din ng kanyang ina..

Dito na din sya kumukuha ng budget sa eskwela.. Kapag may project o kung ano ano pa na nangangailangan ng pera..

Ayaw nyang nanghihingi sa ina.. Lalo na sa among si Saimon..

Malapit ng matapos sa ginagawa si Zack ng biglang may tumamang maliit na bato sa kanyang likod..

Galit syang lumingon sa pinanggalingan ng bato..

Naghagikgikan ang mga estudyanteng babae sa di kalayuan..

Napakunot ang noo ni Zack..

Kita nya sa grupo ng mga babae si Sab na kunot noo ding nakatingin sa kanya..

Tahimik na muling pinagpatuloy ni Zack ang ginagawa..

Pero maya maya ay muli syang nakaramdam ng masakit na tama ng bato .. Tumama ito sa likod ng kanyang ulo kaya naman tuluyan na syang napikon..

Mabilis nyang nilapitan ang grupo nina Sab..

Para komprontahin.

"Bakit nyo ba ako binabato?.." tanong nya..

Ang mga mata ay nasa kaklase ni Sab na si Princess..

Ayaw nyang tingnan ang dalagita..

Sapat na ang palitan nila ng salita nuong ginabi sya ng uwi galing sa practice..

Umismid ang dalagita..

Tinuro si Sab..

"Eh sabi nya okay lang daw eh.." sagot nito.

Napikon si Zack.. Pero alam nyang hanggang ngitngit na lamang ang magagawa nya..

"Wag mo naman sundin ang lahat ng sinasabi nya.. Kapag sinabihan ka nyang magpakamat.. Malamang na susundin mo.. Wala ka kasing utak.." biglang sabat ng boses sa likod ni Zack..

Nahindik ang dalagita..

Nilingon nila ang pinanggalingan ng boses..

Napangisi si Zack ng makita ang kaibigang si Denzel na may mga kasamang naggagwapuhang mga binata..

"Sino ba kayo?.." mataray na tanong ni Princess..

Nagbungisngisan ang mga binata maliban kay Zack..

"Kami ang Tagapag tanggol ng mga naaapi.. At ikaw malditang babae.. Ikaw ay dapat parusahan sa ngalan ng hustisya ..Kinakasuhan kita.." sabi nung isang gwapong binata sa tabi ni Denzel..

Zack and Sab ( Original Story ) by ToyantzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon