Part 1

12.8K 172 14
                                    

This must be a nightmare. Pinilit kong idilat ang kaliwa kong mata. Madilim pa ang paligid. Pero palagi namang madilim sa kuwarto ko dahil sa makakapal na kurtina.

Ayoko pang gumalaw. Ipinikit kong muli ang mata ko at in-imagine ang huling bagay na naaalala ko sa panaginip ko kanina. Malapit ko nang marating 'yon. I could almost taste it—the feeling of pure, mindless bliss as I drift away in—

Halos lumundag palabas ng dibdib ko ang puso ko nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell.

"Noooo!" Damn! I must sound like a pathetic victim in a horror movie.

Ayoko pang bumangon. Gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko ay wala pang isang oras mula nang humiga ako at matulog. Speaking of oras, hinanap ko ang alarm clock ko. Glow in the dark yun kaya kitang-kita ng semi-open na kaliwa kong mata na alas nuwebe na ng umaga.

"Ang aga-aga—" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil ang cell phone ko naman ang tumunog.

Bigla akong nakaramdam ng matinding inis sa boses ni Kelly Clarkson. Don't get me wrong. I loved Kelly Clarkson ever since the first season of American Idol. Sabihin na nating idol ko siya. Pero habang pinapakinggan ko ang ringtone ko na kanta niya ay parang gusto ko iyong isumpa lalo na nang bumirit na ito ng ganitong lyrics.

You can't make it feel right. When you know that it's wrong. I'm already gone, already gone. There's no moving on. So I'm already gone.

I blindly searched for my phone and answered it.

"What's the emergency?" agad na tanong ko.

"Emergency?" tanong ng nasa kabilang linya. Boses lalaki iyon. HIndi ko kilala.

Sinilip ko ang display ng cell phone. Numero lang ang nakalagay. "Sino 'to?"

"Harper, it's me," confident na sagot ng lalaki sa kabilang linya na para bang inaasahan nitong makikilala ko agad siya.

"Sinong it's me?" inis na tanong ko.

Unti-unti nang nawawala ang antok ko. I hated it. Umaasa akong pagkatapos ng tawag na iyon ay makakabalik pa ako sa pagtulog.

Yes, I know it's already nine in the morning. Pero maaga pa iyon para sa akin. My morning routine usually consisted of nothing. Wala kasi akong morning routine. Hindi pa ako gising ng ganoon kaaga. Normally ay nagsisimula ang araw ko sa pagkain ng tanghalian. And I don't have any plans of changing that anytime soon. Kung hindi lang dahil sa walanghiyang—teka kilala ko nga ang tawang 'yan. The man on the other side was laughing and my sleep-addled brain actually recognized it.

"Sef?"

Hindi agad nagsalita si Sef. But I was almost sure I heard his pleased smile.

Alam kong hindi naman naririnig ang ngiti. Pero narinig ko parin. Napabuntong-hininga na lang ako at tinanggap ko nang sira na talaga ang araw ko.

"Ano'ng kailangan mo?"

"Nasa labas ako ng condo mo."

"Ano?"

"Come on, Harper, open the door for me. May gusto akong i-discuss sa'yo."

"Seryoso ka?"

"Buksan mo ang pinto at malalaman mo kung seryoso nga ako."

Nakagat ko ang labi ko. I heard the dare in Sef's voice. Weakness ko 'yon kahit noon pa. Madali akong madala sa mga dare. May phobia nga ako sa pagpeperform pero 'yun lang yata ang natatanging phobia ko sa mundo. Pero kapag dinare ako na gawin ang ibang bagay ay game ako sa mga iyon.

I heard myself sigh again and before I knew it, I was already walking toward the door. Siguro ay nag-i-sleep walk na ako. Hindi ko kasi natatandaang lumabas ako ng kuwarto. But it's too late to think about that now. Nakalas ko na kasi ang deadbolt ng main door.

Harper's Ode to Love (Breakup Anthem) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon