Kabanata 3

311K 5.6K 403
                                    

NOTE: THIS IS THE ORIGINAL VERSION OF THE CEO'S MAID. IT IS AVAILABLE ON DREAME.

WHILE THE REVISED VERSION IS AVAILABLE ON PAPERBACK (SHOPEE, LAZADA AND PSICOM SHOP)

Kabanata 3—Pagka-dismaya

INIHAKBANG ko pa-atras ang aking mga paa nang akmang aabutin ni Senyorito ang kamay ko. Kahit pasado ala-una na ng umaga, hindi pa rin ako mapakali at baka may makakita sa 'ming dalawa.

"P-paanong nalaman ninyo kung taga-saan ako? Saka delikado na ho sa daan. Bakit pumunta pa kayo dito?"

"I just wanted to see you. Masama ba?" malumanay ang tono ng boses n'ya, "Layana, naniniwala ka ba sa sinasabi kong gusto kita?"

Umiling ako, "Malaba ho, Senyorito. Masyado kang mataas at kaylanman, hindi kita maaabot,"

Ganun naman kasi. Gasgas man dahil ganitong eksena ang napapanuod ko sa telebisyon, ngunit totoong ang mayaman ay para lamang sa kapwa nila mayaman. At kaming mahihirap, para lang din sa mga katulad namin.

Nangunot ang kan'yang noo at umigting ang panga tila hindi sangayon sa aking sinabi, "Layana, sa pag-ibig, hindi basehan ang estado ng buhay. Puso ang pumipili ng mamahalin, at hindi ang yaman,"

Hindi ko itatangging humanga ako sa kan'yang sinabi. Hindi pa man malinaw kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Senyorito, inaamin kong pakiramdaman ko, nagkaroon ako ng pag-asang maging kaming dalawa.

"Layana..." ginagap n'ya ang kanang kamay ko, "Hayaan mong patunayan ko sa 'yo kung ga'nu kita ka-gusto,"

Sa mga oras na 'to, tuluyan nang bumigay ang puso ko. Hindi man malinaw kung papaano n'ya papatunayan ngunit pumayag ako. Gusto kong alamin kung ano ba talaga itong nararamdaman ko para sa kan'ya.

Puyat ako kinabukasan dahil sinamahan kong magpa-lipas ng oras si Senyorito sa loob ng kan'yang sasakyan bago ko s'ya hinayaang bumalik ng downtown. Gustuhin ko man s'yang papasukin sa loob ng bahay, hindi maaari dahil baka magtaka sila nanay kung sino ang kasama ko.

Gumising kaming dalawa ng alas-kwatro ng madaling araw saka s'ya bumyahe pabalik sa downtown. Pero bago 'yun, pinagtimpla ko muna s'ya ng kape upang mawala ang antok n'ya. Puyat din si Senyorito, pero hindi naman pwedeng makita s'ya ng magulang ko. Baka iba pa ang isipin nila.

Hindi na ako natulog pagka-alis n'ya kaya nag-luto na lamang ako ng agahan namin.

"Ang aga mo atang magising, Layana, anak. Sabado naman ngayon, matulog ka pa,"

Humikab ako saka umiling, "Magandang umaga ho. Nay, minsan ko lang ho kayo mapagsilbihan, hayaan mo na," ngumuso ako saka niyakap s'ya.

Maya-maya pa gising na din si tatay at salu-salo kaming kumain sa hapag.

Mabilis na lumipas ang araw at lunes na ngayon. Naghahanda na ako sa pag-asikaso ng requirements. Pumunta ako ng munisipyo at nag-tanong-tanong ng requirements, pero nang banggitin ko ang pangalan ko, dinala nila ako mismo sa opisina ni Mayor. At hindi ko rin inaasahang maaabutan ko doon si Elli.

"Hi Layana, good morning!" iminuwestra ni Elli ang sofa kaya na-upo ako doon, "Hintayin na lang natin si Dad. Papunta na 'yon,"

Kahit hindi sabihin, mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit dito ako mismo pina-diretso sa opisina ni Mayor. Ang malawak na pagkaka-ngiti pa lamang ni Elli, alam kong may kinalaman ang sinabi n'yang ihihingi n'ya ako ng iskolarship sa daddy n'ya.

Maya-maya pa, napa-tayo ako nang dumating na si Mayor at binati ito. Lumapit naman doon si Elli saka nag-mano, "Dad, nandito na ho si Layana. S'ya 'yung kinikwento ko sa 'yo kahapon," napatingin ako sa kan'ya habang nagsa-salita.

The CEO's Maid (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon