Nang makapasok na ang dalawang tourist guide ay agad na umandar ang sasakyan paalis ng hotel.

Ang mga turista na ito ay hindi natutulog sa aming hotel. We have five family villas na napatayo na kasama noong resort.

Sasama kami ngayon ni Xavier sa tour guiding services ng Grande Viesta para i-check kung maganda nga ang serbisyo ng aming mga empleyado.

Isa ito sa mga binilin ni daddy na dapat naming tignan. Tapos ko na ang pag-ikot sa buong hotel at resort kaya naman ito na ang gagawin ko. Ang pag-check ng mga extra services.

Sa buong byahe ay nagsalita lang ang dalawang tourist guide sa aming mga pupuntahan. Idinetalye rin nila ang mga ito.

Nakikinig ako sa kanila at ganun rin ang ginagawa ni Xavier. Seryoso talaga siya pagdating sa trabaho kaya mas lalo naman ako nalimbagan sa kanya.

"What do you think of them?" tumingin sa akin si Xavier.

Tinignan ko rin siya "Magaling naman sila. Magaling silang mag-explain at magsalita. Parang tourist guide talaga!" sagot ko.

"I don't think the girl is doing her job!" aniya.

Biglang napakunot ang noo ko "Huh? Magaling nam-"

"Yes, but can't you see? She is looking at me!"

Tumingin ako sa babaeng tourist guide at nahuli kong nakatingin siya kay Xavier kaya naman bigla siyang umiwas ng tingin. Fuck! She is really not doing her job well!

"If I was a real tourist, kanina pa ako nagalit sa kanya. Dapat hindi niya nilalandi ang mga turista lalo na kung kasama niya ang babaeng kanyang mahal!" galit na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Yes, I got flattered but does he mean, when I am not here he will flirt with that girl? Kumirot ang puso ko sa ideyang iyon.

"So, kung wala ako lalandiin mo rin siya?" nag-iba ang tono ng aking boses.

"No, of course. What I mean is that she shouldn't flirt anyone of her tourists. Hindi ko iyon gagawin, kilala mo ako. I am loyal.." pinisil niya ang aking kamay.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Galit pa rin ako. Sana hindi nalang kasi niya sinabi iyon. Alam naman niyang iba ang magiging meaning nun sa akin.

Tumigil kami sa harap ng isang simbahan. Maybe this is St. James Church. The exterior really looks old and antique but it's still very beautiful.

"Irish..." malambing na sabi sa akin ni Xavier.

Hindi ko siya pinansin at tinignan lang ang kabuan ng simbahan.

"We will stay here for thirthy minutes po, so take your time wisely." sabi ng babae.

Naglabasan na rin naman ang mga turista. Dahil medyo nasa likod kami ay pinauna muna namin sila.

"Irish, I'm sorry. I didn't mean it that way, I swear. Hindi naman ako nakikipaglandian, alam mo iyon.." pisil niya ulit sa aking kamay.

Ayaw ko siyang tignan dahil baka mas magiging mabilis nanaman ang aking pagpapatawad sa kanya. Isang tingin lang sa mga mata niya ay wala na!

"You flirted with me before. Kayo pa ni Leslie noon and you cheated on her. Paano mo masasabing loyal ka?" naiinis kong sabi nang hindi siya tinitignan.

"I did that because I really like you, Irish. Kulang na lang ay iwanan ko na talaga siya noon. Hiniwalayan ko lang siya noong napagtanto kong mahal na talaga kita." seryoso niyang sabi.

Tinignan ko na siya dahil hindi ko na talaga matiis. Maraming emosyon ang nasa kanyang mga mata at hindi ko maipaliwanag ang mga ito.

Naniniwala naman ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit binuksan ko pa ang nakaraan. Our past was filled with different experience. Bad and good.

"Hindi ko naman gagawin yun sa isang tourist guide kasi hindi ko siya mahal. Mahal kita noon at hanggang ngayon kaya ko iyon ginawa.." ramdam ko pa rin ang sinseridad sa kanyang boses.

Tumango ako nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil tama naman ang lahat ng sinabi niya tungkol sa amin.

"Baba na rin tayo." sabi ko at naghanda na sa pagtayo!

Pinisil niyang muli ang aking kamay "Are we okay, baby?" malambing na sabi niya.

"Yes and I am sorry if I doubted you." tipid akong ngumiti.

Ngumiti rin siya sa akin "I am sorry too." aniya at nauna nang tumayo.

Lumabas na kami sa coaster. Nasalubong namin ang babae kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Maganda naman siya kaya may karapatan siyang lumandi ngunit hindi tama ang kanyang ginagawa!

"Can we talk to you?" tanong ni Xavier sa kanya kaya nagulat ako. Don't tell me he will fire her!

Lumaki rin ang mata ng babae ngunit tumango at ngumiti rin naman siya. Fuck, I don't want to start a fight!

"Mali ang ginagawa mo sa akin kanina!"

Mas lumaki ang mata ng babae. Tila ba iyong scene sa isang movie na nabisto na ang kontrabida?

"H-H-huh?" nauutal niyang sagot.

"You were smiling at my boyfriend. I am the president of the hotel you are working in and even if I am just a regular tourist, I would be mad at you because you are flirting with my boyfriend. Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa iyong trabaho. Trabaho lang kung trabaho, walang kasamang pagpapacute!" dereretso kong sinabi. I am mad at her.

Yumuko ang babae. Tama nga ang hinala namin. She was flirting with my... shit! Bakit ko iyon sinabi? Fuck! Nevermind!

"Yes, and please just respect me and my girlfriend. Ayaw kong naghihinala siya dahil sa ginagawa ng isang tulad mo." ngumisi si Xavier.

Lumaki nanaman ang ulo niya dahil sa sinabi ko!

"I am sorry ma'am, sir.." pabulong niyang sinabi ngunit narinig namin.

"Kung gagawin mo pa iyon sa akin o sa ibang turista ay agad kitang ipapagatanggal!" sabi ni Xavier at hinila na ako.

Naglakad kami papuntang simbahan. Pumasok kami sa loob at agad kong nakita ang magandang altar.

I am not a religious person but I really love churches and I don't know why.

Umupo kami sa isang pew. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito sa loob. Nagulat ako nang bigla niyang binitawan ang aking kamay at lumuhod. He's going to pray?

Nag sign of the cross siya at pinagsalikop ang kanyang mga daliri. Nilagay niya ito sa harap ng kanyang bunganga.

Lumuhod nalang din ako at nag-dasal na rin. Hindi ko alam kung ano ang ipagdadasal ko ngunit naisip ko ang aking mga kasalanan.

Biglang sumagi sa isip ko na sana ay tulungan ako ng Panginoon na magdesisyon para sa aming dalawa ni Xavier.

Yun lamang ang aking pinagdasal. Umupo na ako pagkatapos. Tinignan ko siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos. I didn't know he was so religious which is good for him.

Naghintay pa ako ng isang minuto bago siya umupo ulit sa aking tabi. Ngumiti siya sa akin.

"Anong pinagdasal mo?" tanong ko.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang aking magkabilang pisngi. Don't tell me he is going to kiss me!

"Simula noon ay ipinagdadasal ko na sana ay bumalik ka na. Walang araw na hindi ako nagdasal at walang linggong hindi ako nagsimba para lang bumalik ka. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinupad niya ang aking mga dasal. But then there's this one thing I just want to pray for." ngumiti siya.

"A-Ano?" nauutal kong tanong.

"That you will love me again. Para kung mangyari iyon ay mapapakasalan na rin kita sa lalong madaling panahon sa kahit saang altar mo gusto." seryoso niyang sinabi at niyakap ako.

"I love you, baby... always"

What If? (Montenegro Series)Where stories live. Discover now