R

458 11 0
                                    

"VICTORIA!"
Hindi na pinansin pa ni Victoria ang pagtawag sa kanya ni Yoseff upang isakatuparan ang kanyang plano. Saglit siyang lumayo rito upang kunin ang pinakamatalas niyang gunting sa maliit na kabinet sa ilalim ng stainless na mesa.
"Dahil ikaw ang pinakapaborito ko, sa pinakagitna ko ilalagay ang katawan mo," natatawa pa niyang sabi habang unti-unting inilalapit ang gunting sa ari nito, "S'yempre, ito ang babalik-balikan ko!"
Mabilis niyang pinutol ang ari ni Yoseff kaya halos mapatid ang ugat sa leeg nito dahil sa sakit ng kanyang ginawa.
"Hihintayin kita sa Impyerno, Victoria!" daing pa nito habang galit na nakatitig sa kanyang mga mata.
"See you there, aking Yoseff," pang-aasar pa niyang sagot habang idinidiin ang kanyang hintuturo sa pinagputulan ng ari nito, kaya nabawasan ang pagsirit ng dugo mula roon.
Binalewala na niya ang mga daing ni Yoseff upang maayos niyang malinis ang buong katawan nito nang hindi agad mabulok kapag nailagay na niya ito sa loob ng glass case. Nang mapansin niya ang unti-unting panghihina nito, inilipat na niya ang katawan nito sa loob ng ikalabindalawang glass case.
"Goodbye, aking Yoseff. Hanggang dito na lang ang buhay mo pero dapat magpasalamat ka pa nga dahil ikaw ang hinayaan kong mabuhay nang matagal," nakangisi niyang sabi habang pinagmamasdan ang mabilis na pagkalat nang malamig na hangin sa buong glass case.
Ilang oras pa ang kanyang hihintayin upang tuluyang manigas ang buong katawan ni Yoseff kaya naisip niyang linisin muna ang ari nito. Inilagay pa niya iyon sa isang maliit na glass case na may formalin upang panandaliang ibabad doon.
"Akala mo ba 'di ko malalamang muntik nang sabihin sa 'yo ni Damian ang kakaiba kong hilig," giit pa niya habang nilalamukos ang isang sulat mula sa dating katiwala ng Avila Funeral Homes. Hindi na iyon nakarating pa sa kamay ni Yoseff dahil siya mismo ang kumuha noon sa bangkay ni Damian, nang patayin niya ito dalawang araw na ang nakakaraan.
Wala na ring makakaalam pa sa kanyang sikreto dahil kanina pa malamig na bangkay sina Mary Ann, Grace at ang sekyung si Bong dahil sa lasong ihinalo niya sa mga pagkain nito.
"Alam mo bang sinadya kong ipalaglag ang ipinagbubuntis ko?" pagkukuwento niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Malaki ang ibinayad niyang pera kay Dr. Veran upang ilihim ang kanyang ginawa. Tinakot niya rin ito na ipapatay ang buo nitong pamilya kaya wala itong nagawa kundi sundin siya.
Kakaibang kaligayan ang kanyang naramdaman nang mapagmasdan niya ang mga lalaking kabilang sa kanyang koleksyon.
"Paulo Santiago. Gregorio Singh. Lorenzo Garcia. Oswald Barbosa. Timothy Romano. Dominic Lozada." Isa-isa pa niyang binasa ang mga pangalang nakadikit sa itaas na bahagi ng bawat glass case, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga alaala niya sa kanilang piling.
Huminto siya sa pagbabasa nang makaharap niya ang ikapitong glass case, na pinakagitna sa kanilang hanay. "Sorry, aking Carlo Alarcon. Mapapalitan ka na sa puwesto mo," nakangiti niyang sabi habang hinahaplos ang salamin na nakatapat sa malaki nitong ari.
"Harry Dela Rosa. Nathaniel Song. Steven Brazula. Benjamin Jacob."
Muli niyang binalikan ang naninigas nang katawan ni Yoseff at naupo sa silyang nasa gilid nito.
"Gusto mo bang malaman kung paano nagsimula ang koleksyon ko?" seryoso niyang sabi na tila kausap si Yoseff.
Sa loob nang mahigit isang taon, labing-dalawang lalaki na ang naging bahagi ng kanyang kakaibang koleksyon.
Nagsimula ang kanyang kabaliwan sa ari ng mga lalaki nang siya ay labinwalong taong gulang pa lamang. Nahuli niyang nakikipagtalik sa isang babaeng bangkay ang embalsamador ng kanilang punenarya na si Alberto. Sa kasamaang-palad, nahuli rin siya nito kaya ilang beses siyang pinagsamantalahan. Sapilitan din siyang tinuruan ng pakikipagtalik sa isang lalaking bangkay habang pinanonood siya nito.
Walang nakaalam ng mga nangyari dahil sa kanyang pananahimik. Unti-unti pang hinanap ng kanyang katawan ang pakikipagtalik sa mga bangkay kaya nakiusap siya kay Alberto na bigyan siyang muli ng bagong biktima kapalit ng malaking pera.
Nang tuluyan siyang nalulong sa kanyang kakaibang hilig, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makipagtalik sa mga bangkay na kanyang magugustuhan dahil sa biglaang paglalaho ni Alberto.
Nagsimula naman siyang mangolekta ng mga bangkay nang siya ay mabaliw siya sa isang lalaking nagngangalang Carlo Alarcon. Ang sikat na lawyer na matagal niyang hinangaan, inibig hanggang sa kinabaliwan na. Ninakaw niya ang bangkay nito sa kanilang punenarya at itinago sa basement ng kanilang mansyon.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang, naisip niyang ilagay ang abo ng mga ito sa kanilang basement upang maging kasangkapan sa mga lihim niyang plano. Ginawa niyang santuwaryo ang library ng kanilang pamilya upang doon ilagay ang mga bangkay na kabilang sa kanyang koleksyon. Nagpagawa pa siya ng ilang pirasong glass case na mayroong freezer sa loob upang hindi mabulok ang mga bangkay na ilalagay roon.
Ang malaking painting sa kanyang kuwarto ay ipininta ng kilalang pintor na si Nathaniel Song kaya ito ang napili niyang maging lihim na lagusan upang makarating sa kanyang santuwaryo.
Nang araw na malaman ni Manang Amelia ang daan patungo roon, aksidente niyang naitapon ang isang bote ng formalin kaya naamoy nito.
"Hangga't nabubuhay ako, magpapatuloy ako sa pangongolekta..." aniya nang muli niyang pagmasdan ang kanyang mga natatanging obra.

ILANG beses na napalingon sa kanyang paligid si Victoria dahil pakiramdam niya ay may mga matang kanina pa nakatitig sa kanya. Sinuri pa niyang mabuti ang mga taong nasa beach resort na kanyang kinaroroonan kaya napailing na lamang siya nang wala siyang mapansing kakaiba.
"Malaman ko lang kung sino ka, mapapabilang ka sa koleksyon ko," giit niya at muling humarap sa kanyang laptop.
Isa na siyang erotic online writer ngayon bilang si Yv Montealegre dahil naisip niyang ibahagi sa ibang tao ang kanyang mga kakaibang karanasan. Gumawa pa siya ng website, na pinangalanan niyang Yv's Secrets subalit nanatili siyang misteryosa sa kanyang mga mambabasa.
Malaki na rin ang ipinagbago ng kanyang hitsura dahil sa pagbabago niya ng pananamit, paggamit ng make-up at magpaputol ng buhok, na hanggang sa balikat na lamang. Ibang-iba na siya sa babaeng nakilala ni Yoseff, anim na buwan na ang nakalilipas.
"Hello, I'm Edmundo Victoriano Jr." Muling napaangat ang kanyang ulo nang marinig niya ang malamig na boses ng isang lalaki, "I am a photographer."
Hindi agad siya nakapagsalita nang mapatitig siya sa kulay brown nitong mga mata, na tila nangungusap.
"Miss, are you alright?"
"Don't worry, I'm okay," nahihiya niyang sagot nang makabalik sa kanyang diwa, "I'm Victoria Avila. What can I do for you?"
"I like you, Victoria," nakangiti nitong sagot kaya nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi na niya nagawa pang tumayo dahil sa pagkabigla sa sinabi nito, "To be the cover girl for the May issue of Eden Mag, " pagpapatuloy pa nito.
"What? Are you sure about that?"
"Yes," matipid nitong sagot saka ipinakita sa kanya ang mga larawang kuha ng DLSR camera na hawak nito. Pawang siya ang subject ng mga iyon kaya ibig sabihin, si Edmundo pala ang taong naramdaman niyang nakatitig sa kanya.
"Do you accept my offer, Victoria?"
Muli siyang natahimik nang mapansin niya ang kabuuan ng mukha ni Edmundo. Ang singkit at brown nitong mga mata. Ang matangos nitong ilong. Maninipis subalit mapupulang mga labi. Nakakapagtaka man subalit nahahawig ang mga iyon kay Yoseff.
"Yes," nakangiti niyang sagot nang maisip niyang si Edmundo ang kanyang magiging ikalabintatlong obra.
Sa loob ng ilang minuto pa nilang pag-uusap ay nakapagsunduan na nila ang mga mangyayari sa photoshoot na gaganapin sa susunod na araw. Nagpalitan pa sila ng cellphone number upang makapag-usap habang inaasikaso nito ang nasabing event.
"See you soon, Victoria." Nang magpaalam si Edmundo, naglaro na isip niya ang mga posible niyang gawin upang maangkin ang katawan nito.
"See you soon," sagot niya. My 13th masterpiece, Edmundo Victoriano Jr.

"ED, isagad mo pa... Please..."
Halos magdeliryo na sa sobrang kaligayahan si Victoria dahil sa mabilis na pagbayo ni Edmundo sa kanyang katawan. Sa kabila nang marahas nitong pagpapaligaya sa kanya, nag-uumapaw na sarap naman ang kanyang nararamdaman.
"Sige pa! Sige pa! Sige pa, Ed!"
"Akin ka lamang, Victoria. Hinding-hindi ako makakapayag na maangkin ka ng iba," giit ni Edmundo habang nakatitig sa kanya ang tila mababangis nitong mga mata.
Muli niyang naalala ang mga sinabi niya noon kay Yoseff kaya pansamantala na naman siyang nawala sa kanyang sarili. Hinagod niya nang mariin ang kanyang mga kuko sa likod ni Edmundo habang iniisip niyang si Yoseff ang kanyang kapiling.
Sige pa, Yoseff! Sige pa... Malapit na 'ko...
Mula nang magkasama sila sa photoshoot ng Eden Magazine ay ilang beses na rin nilang pinagsaluhan ang kaligayahang dulot ng isa't isa subalit sa mga pagkakataon iyon ay laging pumapasok sa isip niya, na si Yoseff ang kanyang kapiling. Hindi niya alam kung bakit pero sa palagay niya, dahil iyon sa magkahawig ang mga ito at halos pareho sila na marahas sa pakikipagtalik.
"Akin ka lamang, Victoria!" sigaw ni Edmundo kasabay nang malakas nitong pag-ulos sapagkat sabay na naman nilang mararating ang sukdulan.
Mahigpit pa siyang niyakap nito at hinalikan nang mariin ang kanyang mga labi nang magkalas ang kanilang mga katawan.
"Mahal na mahal kita, Victoria. Ipangako mo sa 'kin, na ako lang ang mamahalin mo," malambing pa nitong sabi habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
"Ikaw lang ang mamahalin ko, Ed," sagot niya at muling naglapat ang kanilang mga labi.

Itutuloy...

©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
©Honorio 'Oreo' Santos | 13th_silvernitrate

Koleksiyon Series 1: Victoria AvilaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang