CHAPTER 45

6.9K 209 26
                                    

Third person's POV

Mahabang katahimikan ang namayani sa lugar. Lahat ng taong naroroon ay tahimik at nagtataka.

Nakatitig lang sila sa dalawang dalagang may parehong mukha.

"A-akimei? A-akimei Hannah Kushiki?"-nagtatakang tanong ni Shin. Lahat ay nabaling ang atensyon sa kanya.

Seryosong nakatingin sa kanilang lahat ang bagong dating na dalaga.

"Ate..."-masayang tawag ng magkapatid na Kushiki at nilapitan ang tunay na Aki. Niyakap nila ito.

"Did you do something stupid?"-nakataas kilay na tanong nito. Natawa ang dalawang binatang Kushiki.

"We didn't"-Azuri

"Tss! You're late!" -Akihiro.

Nagtataka ang lahat sa biglaang pagsigla at pag-ingay ng dalawa.

Bumaling naman ang dalawang binata sa lalaking nasa likod ni Aki.

"Who is he ate?"-Azuri. Ngumiti ang lalaki at tumingin kay Aki na parang nagpapaalam kung magpapakilala ba. Umiling ang dalaga.

"Later Azuri. Later"-she answered. Muli nyang binalingan ang mga taong kaharap nya.

"Masarap bang maging ako ? Hannah?"-malamig ang boses na tanong ni Aki. Parang natuod ito sa kinakatayuan nya. Hindi nya magawang umimik.

"Ikaw ba ang tunay na Aki?"-tanong ni Tashi. Aki smirked.

"Stupid question."-anito.

Napayuko ito. Ngayon ay sigurado nga silang ito na ang tunay na Aki.

Tinitigan nitong mabuti si Hannah na kapatid nya. Ang lahat ay nakatingin lang sa kanila.

"Fake people don't surprise me anymore...."-saad nya rito.

Binalingan nya naman ang mga taong nasa paligid nya. Una nyang tinignan ang mga assassins, at reapers ng mafia. Sumunod na tinignan nya ay ang mga pinsan nya. Inisa isa nya itong tignan. At ang huli nyang tinignan ay si Jin. May takot na nakarehistro sa mukha nito. Takot dahil sa maaring maging desisyon ng babaeng mahal nya.

"...but real people do."-seryosong saad ni Aki. Wala kang kahit na anong emosyon na makikita sa kanya.

Lahat sila ay napayuko at parang nakukonsensya.  

"I am disappointed to all of you!"-dagdag nya pa.

Sigurado syang mahihirapan syang muling magtiwala sa mga taong inaasahan nya. Hindi nya inaasahan na hindi makikilala ng mga ito ang tunay sa peke.

"Let me tell you a story."-Aki said. Lahat sila ay napatunghay at napatingin kay Aki. Nang masalubong nila ang mga mata nitong walang kabuhay-buhay ay agad silang nagsi-iwas ng tingin. Ang titig ni Aki ay parang nakakamatay. Hindi ito titig na may panghuhusga, titig ito na nagpaparusa.

"Where do you want me to begin?"-tanong ni Aki. "Fine! Let me begin with 'once upon a time'"-dagdag nito.

Kahit hindi nakatingin sa kanya ang lahat ay nasisiguro naman nyang nakikinig ang mga ito.

"Hikaru...."-malamig nyang tinitigan ang binatang tumawag sa kanya. Muling umangat ang mga tingin nila.

'Tss! Another nitwit! The boss of all the boss? He didn't used his mind nor  his heart! How can I call him a man? A man should choose between it but he decided no to choose.'-Aki whispered in her mind.

An Angelic-face Demon PrincessWhere stories live. Discover now