Chapter 12 - My Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    

“Okay, ingat ka ha!” niyakap ko na siya and we parted ways.

Ito ako ngayon naglalakad mag-isa papuntang diner. Ayoko gumastos, bibili na lang kasi siguro ako ng gift para sa sarili ko. I’ll make my birthday fun for myself. Hindi naman sa walang magbibigay ng regalo sa akin kasi alam ko naman na bibigyan ako nila ate Cheyz at Kuya Dylan. Hindi rin naman sa nage-expect ako. XD

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa amin ni Patrick Mac. Madami na din nangyari sa amin. Malay ko ba kung bakit ko kailangang alalahanin pa lahat ng iyon. Birthday na birthday ko... =_=

“Patrick, libre mo naman ako sa starbucks! Sige na!”

“Yvonne naman! Mukha ba akong starbucks? Everyday ka na lang nagpapalibre.”

Patrick... Yvonne...

Tiningnan ko yung direksyon nung dalawang nag-uusap. Sa hindi inaasahan, naabutan ko sina Yvonne at Patrick na magkayakap. Bakit ba ako affected? Hindi naman kami ni Patrick Mac eh at una pa lang ako na ang may balak humiwalay sa kanya.

Nakakainis naman ‘tong puso na ito! Bakit pa kasi siya nagmahal? Sa maling tao pa...

----

-Denny’s Diner-

Pumasok na ako sa loob at nagpalit na ng uniform ko dito. I need to concentrate in other things in order to forget him. Lumapit sa akin si ate Cheyz na may hawak na plastic bag.

“Yieee! Happy Birthday Krysta!”

“Thank you ate!” at niyakap ko sya. Ang laki na ng utang na loob ko dito kay ate Cheyz eh. Siya kasi ang tumulong sa akin na makapasok dito upang makaipon mula nung nagkakilala kami sa school nung 1st year ako. Doon din kasi siya nag-aaral sa school na pinapasukan ko noon tapos nilapitan ko siya nun at pinangako niya sa akin na bibigyan niya ako ng work pag naging honor ako ng 1st year. Sinipag ko siyempre maging honor tapos ayun, nung second year nagstart na ako dito. Auntie niya kasi may-ari nitong diner.

“Nako wala yun. Parang kapatid na din kita eh..”

Nginitian ko si ate tapos nagpaalam na ako na magsstart na ako kasi dumadami na ang mga tao. May bago na nga pala kaming singer pero siyempre pinapakanta pa din nila ako.

Pagtapos ko magserve ng about five tables.. agad naman lumapit si kuya Dylan sa akin tapos binigay isang plastic bag sa akin.

“Happy Birthday Krysta!”

“Nako, thank you kuya! Akala ko hindi mo na naalala birthday ko eh,” sabi ko tapos niyakap ko rin siya.

“Paano ko makakalimutan yun? Date yun nung nagkakilala tayo. Haha.”

“Haha sige kuya thank you ulit!”

*grrruuuuum*

Gutom na ako! Nagsisigaw na ang tiyan ko. Kumuha na lang ako ng meal ko dito yung may rice na tapos binayaran ko na lang din. Ayaw pa nga pabayarin sa akin ni ate Cheyz at siya na lang daw ang magbabayad pero pinilit ko pa rin kasi nakakahiya naman. naupo na ako sa bakanteng seat doon tapos kumain. Gabi na at naulan pa.. paano ako makakauwi nito, wala pa naman akong payong. Malas naman..

Pagkatapos ko kumain, niligpit ko na yung pinagkainan ko tapos inayos ko na rin gamit ko at uuwi na ako. Nakakatakot na umuwi baka mapano pa ako. Paglabas ko ng diner may kotseng nakaparada sa harap. Wala naman kasing parking lot itong diner dahil maliit lang siya pero ang pinagtataka ko lang ay ngayon lang may kotseng pumarada dito. Psh.. inignore ko na lang yung kotse at anglakad na papuntang sakayan ng tricycle at umuwi.

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon