Chapter 8: Gone Involved

Start from the beginning
                                    


Tumabi si Cyclone sa akin at bumulong. "I applaud you for talking back earlier. Not everyone can do that against him. Well, except North."


Nagulat si Cyclone nang may lumipad na libro sa kanya. "Pwede ba, gawin mo sa ibang lugar ang pagiging babaero mo. 'Wag sa harapan namin."


Sinamaan siya ng tingin ni North. "Libro ko 'yong tinapon mo, Claude."


"Eww. Nakakadiri," komento ni Droy.


Tumingin sa langit si Gray at itinaas ang kamay na para bang nagdadasal. "May you open your eyes and change your ways." 


Hinimas-himas ni Cyclone ang kanyang ilong. "Do I look easy to all of you?! I am innocent! I have done nothing wrong!"


"Huwag ka ngang magdrama diyan, Cy," sabi ni Flint.


Nagulat ako nang biglang may tumulong luha sa mga mata ni Cyclone. "Flint . . ." Bigla niyang dinaganan si Flint at niyakap ng mahigpit. "Pinagtutulungan nila ako, Flint! Ikaw lang talaga ang nagmamahal sa akin! Kaya kambal kita eh!"


"Lumayo ka nga sa 'kin, Cy! Nasasakal ako!" 


Napatawa sila habang pinapanood si Flint na sumisigaw ng tulong at si Cyclone na mahigpit pa rin ang yakap sa kakambal. Napunta ang tingin ko kay Hunter at napansin ang palihim niyang ngiti, ngunit nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, binalik niya ang tingin sa labas at ang kanyang seryosong mukha.


"Guys, may sasabihin ako!" 


Napalingon ang lahat kay Droy, naghihintay sa kanyang sasabihin.


"Anong hayop ang wala lang?" Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago tumawa ng malakas si Droy. "Edi Lion!"


They all avoided looking at him while Droy is on the floor laughing on the joke he just made. Napailing ang iba sa kanila at napabuntong-hininga. That was the worst joke I've ever heard in my entire life.


Napasimangot si Cyclone. "Patayin ko kaya 'to?"


"Alam mo namang susuportahan kita sa lahat bilang kaibigan mo Droy, 'di ba?" sabi ni Gray sabay tapik-tapik sa likod ni Droy.


I didn't know they would be this loud. Do I have to endure all of this for today? Now, that sounds like hell. I don't think I can survive a day with these guys. 

Curse of the Unholy CrystalWhere stories live. Discover now