"Where is babe? "-I asked him. Hindi ko pa sya nakikita. Isa pa, sigurado akong wala sya sa library ng mansion dahil sa nakalipas na linggo at hindi sya tumatambay dun.

"Ha? Tulog pa ata. Sige mamaya na lang ha..."-saad nyang nagmamadali. Anong problema non?

Si Aki tulog pa? Ang tamad talaga ng isang yon. Dapat sya ang nag-oorganize ng party na yan. Tss!

Napailing na lang ako. Bakit kakaiba ang kilos ng mga tao ngayon?

Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa library. Baka kahit papaano ay matino ang makakausap dun.

Nang makarating ako sa library ay agad akong pumasok.

Nakaupo si Jiro na mukhang busy na naman sa laptop nya. Seriously? Hindi ko na sya nakita na hindi nya hawak ang laptop nya. Inasawa nya na ba ito? Si Tashi ay kinukutinting na naman ang chess piece ni Aki. Tss!

Umupo ako sa tabi ni Jiro. Paano ako makakahanap ng matinong kausap kung busy si Jiro? Hays! Panigurado naman kasing hindi matinong kausap si Tashi! Puro kalokohan lang ang alam nya.

"Oh...bakit nandito ka?"-Tashi. Bawal na ba ako dito -_____-?

"Pinapunta ako ni Aki."-maikling sagot ko.

Patuloy lang sya sa paglalaro ng chess mag-isa.

"Dahil ba sa party? May iaannounce daw syang importante. Alam mo hindi nya na rin bininisita itong chess nya."-Tashi.

Akala ko ay hindi ko sya makakausap ng matino.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Bakit kaya hindi na bininisita ni Aki ang chess nya? Masyado na ba syang busy? At anong sasabihin nya mamaya sa party? Bakit hindi nya na lang sabihin kahit walang party? Importante ba talaga yun?

Jin's POV

Nandito ako ngayon sa mall. Pabalik-balik lang ako.

Balak ko sanang bilhan ng regalo si Hikaru. Pambawi ko sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.

Ano bang magandang pangregalo sa isang babae? Mapili pa naman sya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat bilihin.

Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong malungkot dahil sa party at sa sasabihin nya. Pero isa lang ang malinaw sakin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kabang ito.

I heaved a deep sighed. Huwag ko na munang problemahin yun. Ang dapat kong iniisip ay ang panregalo ko sa kanya.

Babae pa rin naman sya kaya siguro ay may magugustuhan sya tulad ng bulaklak at chocolate.

Tama! Bilhan ko na lang sya ng chocolate and flowers. Kailangan ko na lang humanap ng bagay na mas matutuwa sya.

Napatigil ako sa paglalakad ng may mahagip ang mata ko na isang shop. Nilingon ko ito.

Para akong nahipnotismo ng makita ko ito. It's a crescent moon necklace. Napakaganda nya. Simple pero hindi maitatangging maganda. Kumikinang kinang ito na parang may diamante. Sigurado akong bagay 'to sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Kinakabahan na naman ako. Bakit parang may hindi magandang mangyayari mamaya?

Jiro's POV

I'm busy with my laptop. Kahit nandito ako sa library ay Rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa garden.

Anumang oras ay maari ng magsimula ang party. Katulad ng iba ay naguguluhan rin ako kay Aki.

This is not the usual her. Kung may gusto man syang sabihin ay sasabihin nya na lang. Tingin ko ay para sa pagsecelebrate ang party na ito. Pero ano ang isecelebrate?

An Angelic-face Demon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon