This time di ko na napigilan sarili ko at niyakap ko siya. "Thankyou talaga sis ha?" Ngumiti naman siya.

"Ang gwapo mo sis, not so tall, dark and handsome. 5'8 ka lang kasi parang ang liit para sa lalaki diba?" Pagdescribe niya sakin
"Hay nako kung di ko lang alam na girlalu ka, papatusin kita" natawa naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa relo at 8:30 na dalawang oras din pala kaming nag ayos, buti nalang at nagimpake na ako kagabi palang kaya wala na akong aalalahanin pa. Niligpit ko nalang yung mga ginamit namin at nilagay din ang mga ito sa bagahe ko. Ang dami kong dala, may dala din kasi akong mga pangbabaeng damit dahil balak kong maghanap ng part time job malapit sa University.
Nakaalis kami ng bahay ng mga 8:45, sa buong biyahe walang dull moments kasi sobrang kwela talaga kasama nitong si derek. Dahil sa mabilis niyang pagmamaneho, nakarating kami sa University ng 9:50, napabuntong hininga nalang ako kasi alam kong malalate ako. Pinasok ni derek ang sasakyan niya sa loob upang mapabilis ang paghahanap namin sa building kung saan gaganapin ang orientation ng freshmens. Nang makarating kami dito, minabuti niyang magstay sa kotse niya at bantayan ang mga gamit ko, ibibigay palang kasi yung dorm number namin ngayon. At sabi ni derek tutulungan niya akong dalhin mga gamit ko hanggang sa room ko kasi nga naman sa sobrang dami ng gamit ko, impossibleng mabuhat ko ito lahat. Bago ako bumaba ng kotse. Hinawakan ni derek ang aking mga kamay. "Sis, this is it okay? Wag ka magpapahalata sa kahit sino ha? And lagi mong babantayan yung lalim ng boses mo okay?" Pagpapaala nito. Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niyang nakapatong sa isa kong kamay.

"Copy sis. Thankyou so much!!" At saka ko siya niyakap.

"Sige na go na girl. Goodluck!" Ngumiti ako bago ko lisanin ang kotse.

----------------------------------------------

Pagpasok ko sa building bumungad sakin ang napakadaming tao. Grabe ang dami naming freshmens. Agad akong nagtungo sa information table na nakahanay bago ka makapasok dun sa mismong pinagoorientan.

I cleared my throat bago ako magsalita. Kailangan kong laliman ang boses ko. "Goodafternoon, um medyo nalate ako. Um, sa loob ba muna ako pupunta?" Sabi ko sabay turo dun sa pinagdadausan ng orientation.

Nginitian ako ng babaeng nasa information table. Siguro nasa late 20's na siya. "Hi there. Um, can i see your registration form?"

Nagnod naman ako at iprinisenta sakanya ang aking registration form.
May kinuha siya form at may isinulat doon. "Here" sabi niya sabay abot ng form saakin. "Nakalagay dyan yung dorm number mo, and yung magiging guide mo for this day para ma familiarize ka sa University, don't forget to tell your guide na dalhin ka sa mga booths ng Clubs and Fraternities, as joining one can help you with your performance since i saw here that you're a scholar" at muli siyang ngumiti.

"Thankyou miss." Papasok na sana ako sa loob ng tawagin niya ako muli.

"Sorry, uh I forgot to give you this" she handed me a card which is color green. "Go to the green tables after the orientation, andun yung guide mo. Kindly ask them nalang." At muli siyang ngumiti at ganun din ako. Pumasok na ako sa loob ng silid, parang isang malaking auditorium pala ito. May mga chairs na naka lign up sa gitna, tapos sa mga gilid may mga nakapwestong long tables na may kulay, at meron ding mga nakaupo doon siguro yun ang mga guides. Mukha silang mga student volunteers. Minabuti ko nang humanap ng bakanteng upuan. Sa medyo gitna ako humanap ng mauupuan para medyo malapit sa stage para makita ko padin ng maayos yung nagsasalita, sobrang dami kasing tao kaya di mo gugustuhing pumwesto sa likod. Nakinig na ako sa nagsasalitang lalaki sa harap, matipuno siya mukhang nasa late 30's. Medyo hawig pa niya si Bradley Cooper. Dahil late ako. Minabuti kong itanong sa katabi ko kung sino yung nagsasalita dahil nacucurious ako. Tumingin ako sa mga katabi ko isang babae at isang lalaki. Siyempre being a girl una kong tinry kausapin yung babaeng katabi ko. Blonde siya at sakto lang naman ang ganda. "Um hi?" Paunang sabi ko kaya't napatingin siya sakin. Saka niya ako inirapan. Hala ang sungit ni ate oh, kala mo naman ikinaganda niya. Kaya dun sa katabing lalaki nalang ang kinausap ko. "Um hi, uh I kinda came late so you mind if I ask you who's up stage?" Cool na tanong ko. Mukha naman mabait yung kinausap ko, naka glasses din siya tulad ko pero tingin ko yung sakanya may grado. "That is the University's Dean." Tipid na sagot niya.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now