Chapter 15 and 16

3.5K 23 4
                                    

Note: Sa wakas, nawala na ang writer's block ko at natapos ko na rin 'to. :) Sana nagustuhan niyo yung last chapter. ^^ Medyo dramatic hehe, ito ang first break-up nila kaya pati ako affected, tanong niyo po sa lagi kong kasama. Haha! Hope you'll like this chapter, don't forget to vote, like, tweet, share, promote and comment. Haha! Demanding talaga eh. xD Thanks for all the comments :) Oh, kung may tanong kayo kung sino yung mga ulzzangs na ginamit ko, mag-message lang kayo. :3

Featured Picture: Kevin Darryl Meneses (2nd brother) ^^ 

Pahabol pa pala. Gumawa na rin ako ng site para sa kanila. Eto link ^^ http://my2f-boyfriend.livejournal.com/ Feel free to visit. Nakalagay dun yungmga character profiles and pictures nila. :D

Chapter 15: Her side

Riiiiiiiiiing! Riiiiiiiiing! Riiiiiiiiing!

Agad kong pinatay yung alarm clock ko. Nakatitig lang ako sa ceiling. Halos dalawang araw na ako hindi nakakatulog. Bumangon ako ng kama tapos tiningnan ko yung cellphone ko. Wala pa rin nag-te-text sa’kin.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng nag-break kami ni Kyle. Isipin ko lang yung word na ‘break’, sumisikip na dibdib ko. Naiiyak nanaman ako. Sabi nila Alicia, pagang-paga na daw yung mata ko sa kaiiyak.

Dalawang araw na rin hindi napasok si Kyle. Hindi ko siya ma-contact kahit anong gawin ko. Hindi pa ako napunta sa bahay nila dahil natatakot ako na baka lalo siyang magalit sa’kin kapag kinausap ko siya ngayon.

Pumunta ako ng CR para maligo. Sa totoo lang, wala akong gana pumasok ngayon. Nanghihina buong katawan ko…ito pala yung sinasabi nilang pasan ang mundo. Ramdam ko na kasi eh. Ang bigat ng katawan ko, hindi ko na halos maikilos. Tumingin ako sa salamin tapos nakita ko, ang laki na ng eyebags ko.

Kyle…gusto na kita makita. Talaga bang seryoso ka sa pakikipag-break sa’kin? Ayan! Umiiyak na talaga ako! Ayoko matapos sa ganito yung relasyon namin!

Ngayon at mahal na mahal ko na siya.

Hapon na ng pumunta ako sa student council room. Pag-pasok ko ng kwarto, nakita ko sila Paolo at ate Tricia na nag-uusap sa may sofa. Lumapit ako sa kanila tapos umupo ako sa malayo. Nakatingin lang sila sa’kin.

“Okay ka lang ba Louise?” Tanong ni ate Tricia sa’kin. I forced a smile.

“Nasaan si Renz?” Tinanong ko. Argh, paos yung boses ko.

“Nagpapalit lang siya sa locker room.” Sinagot ni ate Tricia. May hawak siyang mga folders. Huh? Ano nga ba ulit yung ginagawa namin, ah, monthly report ng bawat section ng school.

“Uh…Louise…naka-usap mo na ba si Kyle?” Tanong ni Paolo.

“…Hindi pa eh. Hindi ko siya ma-contact…pupunta ako sa bahay nila ngayon.” Sinabi ko. Actually, natatakot ako pumunta sa kanila ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya…paano kapag sinabi na niya sa parents niya na gusto niya na tapusin yung engagement namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari yon. Lalo ‘ata akong nalulungkot, nawawalan na talaga ako ng lakas.

Nung nag-punta ako sa bahay nila Kyle, hanggang sa may kanto lang ako. Hindi ako makalapit. Pakiramdam ko, sobrang bigat ng binti ko at hindi ako makapaglakad papunta sa direksyon ng bahay nila. Hawak-hawak ko yung cellphone ko, iniisip ko na tumawag muna bago ako mag-doorbell kaso nag-da-dalawang isip ako. Baka nanaman sagutin ni Kyle yung tawag ko.

Aaaah, ayoko na. Hindi na ako makatulog ng tama…ang sakit ng ulo ko. First time ko maranasan ang ganito. Bakit naman kasi hindi ako nakapag-salita nung dumating siya sa apartment ko. Hindi naman kasi ganun yung iniisip niya, hinding-hindi ko siya ipagpapalit kay Paolo.

My two-faced boyfriendOn viuen les histories. Descobreix ara