Chapter 14: *Hate*

1.3K 42 2
                                        

Chapter 14:

                   *Hate*

Kumain na kami matapos namin pumunta sa Singing Club!!

At good news tanggap ako.. hahaha

Habang nasa canteen kami!! Nakatulala pa rin ako hindi talaga matanggal sa utak ko ang mga luha nya kanina!!

Nandito siya Ou!! Kaharap ko pa nga eh!!

Pero ang kaibahan lang namen ako kumakain samantalang siya hindi!!

Talaga atang matibay ang sikmura nito.

Kahit siguro isang taong hindi kumain to!! Hindi ito mamamatay to!!

“Ah guys una na kami ah!! May klase na kasi itong si Clarisse. Hahatid ko lang!!”

Lahat kami napatingin kay jade. At sabay sabay tumango at sabing “sige”

Maya maya natapos na din sa pagkain si April.

“Carol at Miko aalis na din ako!! May assignment pa nga pala kami. Ngayon ko lang naalala” nakangiting sabi ni April

Tumingin ako dito kay Bakulaw!! Ayun wala pa ring reaksyon parang walang naririnig!!

Tinanguan ko nalang si April.

At ngayon kami nalang dalawa!! At katapat ko pa siya!!

Habang sumusubo ako ng pagkain!! Ramdam kung nakatitig lang siya!!

Nakakailang tuloy. Hindi ako sanay na may nakatitig saakin.

“Ah Bakulaw gusto mo ba?? Para kasing gusto mo nang kumain!! Napapansin ko kasing kanina mo pa ako tinitingnan”

Tumingin siya saakin na walang reaksyon. At binalik ulit ang kanyang napakaseryosong mukha!!

“Alam mo!!”

Tumingin sya sakin..

“Malapit na akong magpatayo nang rebulto mo!!”nagiba ang tingin nya saakin “Pero syempre hindi yang mukha mong parang pasan ng buong mundo” mas lalong umiba ang tingin “Gusto ko yung nakangiti ka. Para naman MAIBA!!” hindi sya nagsalita!! At ibanalik na naman ang serious look nya.

“Kumain kana nga lang!!”

At dahil nga sa sinabi nya na kumain nalang ako!! Siyempre kumain nalang ako.

Matapos kung kumain bigla naman kaagad siyang umalis ng hindi nagpapaalam saakin. Ano to bastusan??  Pero dahil sa malayo na sya hindi ko na sya hinabol. Umalis na din kaagad ako sa Canteen matapos nun at naglibot sa school. Isa lang ang naisip kong pagtambayan 2 hours pa kasi bago ang P.E.

Pumunta kaagad ako sa aking Secret Garden !! hahaha

Atleast doon tahimik at medyo sariwa ang hangin.

Nang makarating ako doon!! Nakita ko kaagad ang kaninang nangiwan sa akin sa  Canteen na nakahiga sa may damuhan at nakapikit ang mata!!

Tulog ata.

Umupo ako sa damuhan at medyo malayo din ako sakanya.

Nilabas ko ang CP at Headset ko!! Nilagay sa tenga ko. Habang nakikinig ako. Napatingin ako kay Bakulaw na ngayon ay mahimbing na natutulog!!

Bigla akong nalungkot.

Nakita kong may tumulong luha sa mata nya!!

Kahit natutulog siya umiiyak siya.

Sobrang sakit na siguro.

Naalala ko lahat ng sinabi saakin nila Clarisse nung araw na kumain sila sa Resto namen.

Naalala ko ang pagpatak ng luha nya habang kumakanta ako kanina.

At ngayon umiiyak siya habang tulog!!

Habang patuloy kung tinititigan itong si MIKO.

Biglang nagsipatakan ang mga luha ko! Parang ako ang nakakaramdam ng pinagdadaanan nya!!.

“Lord bakit nyo po hinayaang mangyare to sa buhay niya. Ou alam kong napakayabang nya at napaka seryoso, walang pakialam sa ibang tao. Pero lord tao din siya!! Gusto nya din ng pagmamahal na katulad sa kayang ibigay ng Ina nya!! Kung kaya ko lang punan yun! Ginawa ko na. pero lord sino naman ako!! Isa lang naman ako sa mga babaeng kinaiinisan nya”

Bigla kung pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.

Tumingin ulit ako sakanya!! Ang himbing pa din ng tulog nya.

Ang magagawa ko nalang ngayon ay ang GAWIN ANG LAHAT PARA MAPASAYA KA :)

Napabuntong hininga nalang ako.

“Kaya mo yan” pabulong na sabi ko habang nakatingin sakanya.

Nakita kong gumalaw siya!! Opps narinig nya kaya yun.

Umiwas ako ng tingin !! at kunyareng may inaayos. Nagsalita na sya pero laking gulat ko sa mga sinabi nya!!

“Carol LUMAYO kana saakin”

Napatingin ako sakanya!!

Hindi ako makapagsalita.

“hwag kang maging mabait saakin. Ayoko!!”

First time ko syang nakitang ganito ka seryoso sa pakikipag usap sakin. First time ko ing Makita syang ganyan makipagusap.

“Hindi naman ako mabait sayo ah! Ang sungit sungit ko nga eh. Lagi kitang inaasar . tapos ngayon gusto mong layuan kita”

Hindi sya nakapagsalita.

“Ayaw mo ba akong maging kaibigan??”

“AYOKO SAYO!”-matapos nyang sabihin yan. tumayo siya at naglakd naiwan akong nakaupo sa damuhan at pilit na sini-sink in sa utak ko ang mga sinabi nya.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko galing sakanya. Sobra na ba ang mga ginagawa ko? Nasasaktan ko na ba sya para masabi nya ang mga ganitong salita. Diba dapat favor saakin ito kasi sa wakas hindi ko na kailngan siyang bwisitin at sakawas hindi ko narin makikita ang pangiisnab nya sakin. Hindi narin ako makakakita ng taong seryoso. Pero kahit anung pilit kong isipin na hindi ko na yun gagawin at hindi ko nay un makikita!! Parang hindi ko kaya, parang may part sa puso ko na ayaw tanggapin na ayaw nya sakin. Bakit nasasaktan ako?...

Lumingon ako at tumingin sakanya.

“KUNG AYAW MO SAKIN MAS AYOKO SAYO”

Nakita kong huminto sya. At lumakad ulit.

Kasabay nito ay ang pagbagsak ng mga luha ko.

Bakit ba ako nasasaktan? Diba dapat magsaya ako. Bakit ko ba iniiyakan yung Bakulaw na yun!! Parang sinabi lang naman nya na ayaw nya sakin eh!! Marami naman pwedeng maging kaibigan dyan hindi siya ang nagiisang tao sa mundo. Hindi sya kawalan…

Pero teka paano ko nalang matutupad yung pangako ko sa sarili ko na.

“Gusto ko Makita syang sumaya” eh kung ayaw nya naman ako hayaang pumasok sa buhay nya.

Authors Message:

                   Ngayon lang ulit nakapag update!! Hahaha

                   Kinukulit na kasi ako ng mga kaklase ko na magupdate na

                   Daw.. hahaha!!

                   Vote, Comment and BE a FAN

My Ex-Boyfriend turns into a HOLDAPER (Completed)Where stories live. Discover now